Ilang beses akong napamura sa kawalan. Sa pag-alis ko sa hideout ni Brayden, feeling ko ay biglang bumagal ang oras. Kahit pa grabe na kung paliparin ko itong kotse para lang makarating kaagad sa warehouse. Halos lumipad ang kaluluwa ko, maging ang buhok ko ay sumasabog na rin dahil sa nakabukas na mga bintana sa kotse ni Brayden. Damang-dama ko ang lakas ng hangin, malamig din katulad kung paano nanlalamig ang katauhan ko. Ngayon ko ring napagtanto ang nagbabadyang dilim sa langit, dapit-hapon na at hindi rin magtatagal ay tuluyan nang magdidilim ang paligid. Habang nagmamaneho pa ay may ilan akong mga nababangga. Mga nasaging bagay ngunit hindi iyon dahilan para tumigil ako. Nagpasalamat pa ako na may kaunti akong alam na shortcut sa lugar na iyon, na kahit masikip na eskinita ay nilu

