Sa biyahe ay para akong tanga na umiiyak. Panay ang paghagulhol ko, nanlalabo na rin ang parehong mata ko at kung wala lang ako sa tamang konsentrasyon ay baka kanina pa ako nabangga at nadisgrasya. Sa totoo lang ay ayaw kong paniwalaan si Brayden. Lahat ng sinabi niya ay walang katunayan. Hindi sumsang-ayon ang puso ko dahil mas higit na alam nito kung ano ang totoo sa hindi. Mas nararamdaman ng puso ko kung alin ba ang sincere sa nagpapanggap. Sa maikling panahon na nagkasama kami ni Brayden sa isla, masasabi kong totoo ang lahat ng ipinakita at ipinaramdam niya sa akin. Posibleng mapeke ang mga salita, pero ang mga kilos at galaw niya ay hindi. Iyong pagpapahalaga niya sa akin, iyong suporta at pag-aalaga, higit sa lahat ay 'yung pagmamahal niya— totoo iyon. Ang nagtutulak lang sa a

