Matagal kong tinitigan si Brayden. Pilit ko pang hinahanap sa kaniya iyong Brayden na minahal ko. Iyong Brayden na kapag nakita ako ay kaagad akong yayakapin, hahawakan nang mahigpit at pupupugin ng halik. Iyon ang love language sa akin ni Brayden. Hindi siya showy, hindi rin mahilig sa matatamis na mga salita, pero he can assure na mahal na mahal niya ako. Kaya niya akong protektahan sa paraang alam niya. Kaya niya akong ipaglaban, ang alagaan at suportahan. Hindi niya rin kailanman sinalungat ang mga opinyon ko, lahat iyon ay tinatanggap niya. Kung may mali man ay ipinapaintindi niya iyon sa akin. Katulad kung paano lumangoy; kung paano ko igagalaw ang dalawang kamay at mga binti habang nasa ibabaw ng tubig. Kung paano rin ang tamang pagkontrol ng hininga kapag nasa ilalim naman. Pin

