Chapter 63

2099 Words

Kasabay nang malakas na pagsabog mula sa loob ng warehouse ay siya ring mabilis na pagsugod ng mga tauhan ni Xian. Kaniya-kaniya silang bitbit ng baril habang matamang nakikipagpalitan ng bala sa mga tauhan ni Brayden. Sabay-sabay silang sumugod, halos hindi matigil ang ingay ng putukan. Sa bawat segundo pang nagdaraan ay ang pagtumba at pagkamatay ng ilang kalalakihan, sa kampo man ni Brayden o ni Xian. Nang medyo humupa ang bantay papasok sa warehouse ay saka naman sumenyas si Xian na papasukin ang naglalakihang army truck. Sakay nito ay ilan pa sa mga armado at well-experienced niyang mga tauhan. May isa pa ulit sumabog sa bandang dulo ng warehouse. Kitang-kita ko pa mula rito sa pwesto ko ang apoy na namuo sa kalangitan, pati ang maitim nitong usok na nakikisabay sa agos ng hangin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD