Chapter 6

2582 Words
"Xian?" pagtawag ko ulit ngunit hindi niya ako nililingon. Dere-deretso lang ang lakad niya palabas ng nasabing bar. Saglit ko pang nilingon ang dancefloor, sa sobrang saya ng mga kaibigan at pinsan ko sa nangyayari ay hindi na ako magtataka kung walang nakapansin sa pagkawala ko sa kumpulan. Muli kong binalingan si Xian sa harapan ko. Nagbaba rin ako ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, mahigpit iyon at may rahas. Pakiramdam ko habang tumatagal na hawak niya ako ay babakat ang mga daliri niya sa balat ko. Ano bang nangyayari? Gusto na ba niyang umuwi? O baka naman nagkaroon sila ng alitan ni Leon sa taas habang wala ako. Nag-away ba sila, kaya siya ganito? Hindi ako makapagsalita para tanungin siya dahil literal na nasusuka ako. Hilung-hilo ako, lalo pa sa bilis ng paglalakad niya. Hindi rin naman nagtagal nang tuluyan kaming makalabas ng bar. Tumigil kami sa tapat ng kaniyang sasakyan, kasabay nang pagmamadali niyang pagbukas sa pinto ng passenger's set. "Teka, Xian," sabi ko nang sapilitan din niya akong papasukin doon. "Ano bang problema? Uuwi na tayo? Hindi pa ako nakapagpaalam sa kanila." Ilang segundo kaming nagkatitigan at doon ko nakita ang pagkakaseryoso ng mukha niya, parang may mali. Talaga bang nag-away sila ni Leon? What about the others? Pinagtulungan ba siya? Nangunot ang noo ko. Gusto ko pa sanang balikan sina Leon sa loob, pero ayaw lang din akong pakawalan ni Xian. Tangka pang magsasalita ako para tanungin pa siya nang pareho kaming mapalingon sa likuran ko. May huminto kasing kulay itim na van at kaagad na bumukas ang pinto nito mula sa likod. Bago pa man din ako tuluyang maipasok ni Xian sa kotse niya ay nanlaki na ang mga mata ko nang makitang may dalawang lalaking bumaba sa van. Mabilis ang naging kilod nila. Ang isa ay itinulak si Xian dahilan para mapaatras ito, sa lakas pa no'n ay tuluyan siyang nawalan ng balanse at napaupo siya sa kalsada. Nalaglag ang panga ko sa gulat, kasabay nang paglapit ko sana sa kaniya para tulungan siya ngunit madali naman akong hinatak ng isa pang lalaki palayo. "Xian!!" malakas kong sigaw nang marahas din akong nahila papasok ng van. "Leigh!" Dinig kong sigaw ni Xian. Binalak ko pang tingnan siya, pero hindi na nangyari dahil humarang na sa paningin ko ang dalawang lalaking pumasok din sa loob. Mabilis lang na isinarado ng mga ito ang pinto at pinaharurot ang sasakyan paalis. "Sandali lang! Sino ba kayo?!" muli kong sigaw, dagli pang nilingon ang medyo may kadilimang loob ng van. "Ibaba niyo ako!" Bukod sa dalawang lalaki kanina na parehong naka-bonnet at face mask na kulay itim ay may iilan pang lalaki ang nasa loob. Hindi ko na magawang mabilang dahil sobra na akong nahihilo. Madilim din at hindi ko sila maaninagan. Mas lalo pa akong nahilo nang may biglang nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Sa tapang ng amoy ay madaling pumungay ang mga mata ko. Ang kaninang nagpupumiglas kong katawan ay unti-unting nanghina. Wala sa sarili nang mapasandal ako sa kinauupuan ko. Bumagsak ang ulo ko. Saglit ko pang inilinga ang paningin ko sa paligid, pero sadyang madilim ang loob ng sasakyan. Hanggang sa huling segundong may malay ako ay nananatili akong naguguluhan. Masakit ang katawan, literal na hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. Naalimpungatan lang ako ngayon dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Dahan-dahan ay iminulat ko ang mabibigat ko pa ring mga mata. Sa una ay nanlalabo pa ang paningin ko, pero unti-unti kong na-realize na nasa isang kwarto ako. Kaagad na nagsalubong ang dalawang kilay ko. Makailang beses pa akong pumikit, kalaunan nang muli akong magmulat para kumpirmahin ang nangyayari. Hindi pa rin nagbabagong nasa isang kwarto nga ako, nakahiga rin sa isang king size bed na parang prinsesa. Ramdam ko man ang sakit sa leeg ko ay inilinga-linga ko ang ulo sa paligid. Malaki ang kwartong ito, mukhang mayaman ang nakatira. Pero bakit ako nandito? Sa pagkakatanda ko ay na-kidnap ako. Dito ba ako dinala? Pero bakit? Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Pinaghalong black and white ang pintura ng dingding. Kakaunti lang din ang nakikita kong gamit. May iilan lang na painting na nakasabit, bookshelves, may sofa at center table. May walk in closets at whole body mirror. Meanwhile, gawa sa salamin ang nagsisilbing pader ng kwartong iyon. Kitang-kita ko mula rito ang papausbong na araw, maliwanag na sa labas kung kaya ay natanto kong inumaga na ako ng gising. Nakapagtataka lang dahil bukod sa maaliwalas na kalangitan ay wala na akong makita roon. Bumagsak ang ulo ko pabalik sa kinahihigaan. Nahihilo pa rin ako, hindi dahil sa alak na nainom ko kung 'di sa katanungang nasaan ako? Anong lugar 'to? At sino ang kumidnap sa akin? Kalaunan ay nanlaki ang mga mata ko. Ura-urada pa akong napaahon sa pagkakahiga at mabilis na dinungaw ang sariling katawan. Iyong naalala kong damit ko noong gabing iyon ay suot ko pa rin naman ngayon. Imbes din na magpakaprente pa ay dali-dali akong tumayo para hanapin ang sandals ko ngunit hindi ko iyon makita. Bandang huli nang sumuko ako at tinungo ang malaking glass window sa kwarto. At para naman akong nanakawan ng kaluluwa nang makitang karagatan ang nasa harapan ko. Natanto kong nasa isang isla ako. Sa lawak pa nito ay hindi ko magawang makita ang dulo ng isla. Ngayon ay hindi na maipintura ang mukha ko. Unti-unti na ring kinakain ng takot ang sistema ko na dama ko na ang panginginig ng katawan ko. Ilang beses akong napalunok at parang gusto ko na lang manlumo sa katotohanang nangyayari. Pero dahil ayokong mamatay nang ganoon lang kabilis ay naisip ko nang tumakas. May pag-iingat na naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto at dahan-dahan iyong binuksan, sumungaw ako roon upang alamin kung may tao ngang nagbabantay. Saglit kong pinakiramdam ang paligid ng bahay. Sa sobrang tahimik ay purong hininga ko na lang yata ang naririnig ko, pati ang mabilis na pagririgidon ng puso ko sa pinaghalong takot at kaba. Lumabas ako ng kwarto at nagsimulang maglakad sa marahang paraan, nananatiling pinakikiramdam ang kabuuan ng bahay. Kung malaki na ang kwarto sa kaninang pinanggalingan ko, ano pa itong bahay? Para na itong mansion sa sobrang laki. Sa ikalawang palapag pa nga lang ay halos maligaw na ako, mabuti at mabilis kong nakita ang hagdan pababa sa unang palapag. Hindi ko na masyadong in-spoil ang sarili na mamangha dahil nauna na iyong takot ko. Matagumpay naman akong nakababa nang walang nakakasalubong na tao. Kung na-kidnap ako, hindi ba dapat ay bantay-sarado ako? Kung may pakay sila sa akin, bakit nila ako hinahayaang makapaglakad-lakad dito? But nevermind, mas iniisip ko dapat kung paano nga ako makakatakas ng buhay dito. Deretso akong lumapit sa malaking pintuan ng bahay. Bumungad kaagad sa akin ang kaparehong dagat nang makalabas ako. Sinuyod ko ang buong paligid ng bahay, wala pa rin akong napapansing tao. Kaya mas malaya akong nakababa sa malalaking bato patungo sa dalampasigan. Nagpalinga-linga ako, purong tubig-dagat ang nakikita ko. Roon ko natanto na nasa gitna nga ako ng karagatan. Bumagsak ang panga ko at animo'y nawalan ng lakas sa kawalan ko ng pag-asa. Wala rin akong makitang yate para man lang sana sasakyan ko paalis ng isla, kahit hindi naman ako marunong magmaniobra no'n. O kahit bangka na lang sana, mano-mano na lang akong magsagwan. Ano nang gagawin ko? Naglakad-lakad ako. Ilang bato ang inakyatan ko para tanawin ang kabilang dulo ng isla, pero wala talaga akong makita. Namamawis na ang buong katawan ko sa labis na pagkatakot. Hindi ko na naisip kung sino ang nasa likod ng pagpapa-kidnap sa akin dahil ang gusto ko na lang mangyari ay makaalis sa islang ito. Bumuhos na rin ang luha ko at panay ang panginginig ng balikat ko. "Mama... Papa..." umiiyak kong bulong habang magkasalikop na ang dalawang kamay ko. "Tulong..." Sa panghihina ko ay hindi ko na magawang sumigaw pa. Alam ko rin namang wala ng saysay pa kung sumigaw man ako dahil wala ngang tao sa islang ito. Ako lang, parang kinidnap lang ako para iwan dito. Ano namang gagawin ko rito? Pagbabantayin ba ako ng isla? I bet, wala ring stock ng mga pagkain dito. Kaya paano ako mabubuhay sa gitna ng karagatan? Ni hindi nga ako marunong manghuli ng isda. Mas lumakas ang paghagulhol ko. Nanlalabo na ang paningin ko na huli ko nang namalayang inaalon na pala ako ng dagat. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kong lumusong para lumangoy at makatakas. Pero hindi rin kasi ako marunong lumangoy! "Papa..." patuloy kong pagtawag sa kanila na parang maririnig nga nila ako. "Mama..." Unti-unti ay nababasa na ang katawang lupa ko. Umabot na rin hanggang sa dibdib ko ang tubig-dagat, pero patuloy pa rin ako sa paglalakad ko. What if may pating? Kakainin ba nila ako? Mas lalo akong umiyak. Sa totoo lang ay malakas ang loob ko. Marami ang nagsasabi na matapang akong babae, walang inuurungan at walang kinatatakutan. Ngunit kapag ganitong scenario na ay sino bang hindi matatakot? Wala naman akong kalabang tao ngayon kung 'di iyong katotohanan lang na narito ako sa isla at mag-isa. Malayo sa pamilya at malamang din na walang may alam kung nasaan nga ako. Malabo na mahanap nila ako. Baka mamatay na lang ako na walang nakakaalam kung nasaan ang bangkay ko. Ilang sandali ay naramdaman ko na ang tubig sa leeg ko. Paunti-unting tumataas ang tubig sa walang awat kong paglalakad. Hanggang sa maramdaman kong hindi na abot ng paa ko ang ilalim ng dagat, rason para ilang ulit kong inaangat ang ulo. Nahinto ang pag-iyak ko. Sa isang iglap ay wala na akong maapakan at doon na ako nag-umpisang maghisterya. Paulit-ulit akong tumatalon, kasabay nang pagwagayway ko sa parehong kamay, pero siya ring paulit-ulit kong paglubog sa ilalim. "Ahh!" sigaw ko na naging pagkakamali ko rin kung kaya ay napasukan ng tubig ang bibig ko, lalo akong kinapos ng hangin. Fvck! Mariin akong pumikit, hindi na malaman kung paano pa babalik sa dalampasigan dahil hindi nga ako marunong lumangoy! Fvck! Bakit ko ba kasi 'to naisip gawin? Sino nang magliligtas sa akin ngayon? Holy fvck! Patuloy ang paglubog ko sa tubig, lalo yata akong inaanod sa mas malalim pang parte ng dagat. Sa kawalan ng pag-asa at tuluyang panghihina ng katawan ko ay tinanggap ko na lang ang kahihinatnan ko. Sa kamatayan din naman ang hantong ng buhay ko kung sakali na makulong nga ako sa islang 'to. Ang kaibahan lang ay pinadali ko ang lahat. Mapait akong napangiti, kasunod nang pagtulo ng panibagong luha. Tuluyan nang umawang ang labi ko dahilan para mabilis pa sa kidlat na mapuno ng tubig ang dibdib ko. Umiiyak ang kalooban ko dahil kahit sa huling pagkakataon, ni hindi ko man lang naranasang magkaroon ng boyfriend. Napapikit na ako. Unti-unti nang tinanggap ang kapalarang mamamatay akong NBSB. Wala na, pagdating sa langit ay kapatid ko na lang si Xian. Paano ko pa siya gagawing boyfriend nito? At kung kailan tinanggap ko ngang ito ang sinapit ng buhay ko ay saka ko naramdamang may humila sa isang paa ko. Nagulat ako nang may pagmamadaling inahon ako ng kung sino. Hawak-hawak nito ang baywang ko at kahit nakapikit ay ramdam ko ang galing niya sa paglangoy. Hindi nagtagal nang tuluyan niya akong maiahon sa dagat. Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakahawak sa akin. Saglit niya akong dinungaw nang paulit-ulit akong napaubo, saka naman ako nito pinasandal sa kaniyang balikat. Wala akong idea kung sino nga ang taong ito. Siguro ay isa sa mga lalaking kumidnap sa akin kagabi. Gusto ko pang matawa dahil bakit kailangan akong iligtas? Hindi ba't sa kamatayan lang din ang bagsak ko, kaya bakit nila ako iniligtas? Kung pahihirapan lang nila ako bago patayin ay mas gusto ko na nga lang na mamatay ngayon. Sa mga naiisip ay nagpumiglas ako, pero ganoon niya ako katakot na bitawan na nas niyakap pa niya ang katawan ko. Mahapdi ang mga mata ko at hindi ko magawang magdilat. Kahit noong isinampa ako sa isang patag na alam kong yate na ginamit nito. Umahon din siya at mabilis na hinawakan ang pisngi ko. "Hey, wake up." Boses ng isang lalaki, parang fluent din kung magsalita ng ingles. Hirap pa rin ako sa paghinga. Hindi na ako nagulat nang simulan niyang gawin ang CPR sa akin, rason para mas maubo ako. Ilang talsik ng tubig galing sa bibig ko ang lumabas. Ayoko pa sanang magdilat kung hindi ko lang natantong gagawin niya ang mouth to mouth resuscitation. Mapupungay ang mga matang napatitig ako sa kawalan. Ang maaliwalas na langit na ang bumati sa pangalawang buhay ko, kasunod nang pagsilip ng isang ulo sa paningin ko. Isang kurap ay muli akong nagdilat. Totoo ngang lalaki ang nagligtas sa akin. Malabo man din ang mga mata ay pinilit kong aninagin ang mukha niya, pero sadyang hindi ko lang talaga magawa. Muli akong umubo at pinilit na umupo. Bahagya siyang umatras at tuluyan na rin akong binitawan. Saglit kong pinuno ng hangin ang dibdib kong marahas na nagtataas-baba. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. "Fvck," buntong hininga ko, kalaunan nang unt-unti kong balingan ang lalaking nananatiling nasa gilid ko. Hindi siya nagsasalita, bagkus ay nakadungaw lang sa akin. Naghihintay marahil sa sunod kong gagawin habang patuloy na tinitimbang ang reaksyon ko. Kung nasabi ko ng gwapo si Xian— mas gwapo ang lalaking ito. Halos masamid ako sa sariling laway, rason para lalo akong ubuhin. Deretso ang paninitig ng lalaki sa akin kung kaya ay mabilis akong nagbaba ng tingin. Dumapo naman ang mga mata ko sa katawan nito. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves. Ganoon pa man ay kitang-kita ko ang matipuno niyang katawan. Bumabakat ang pumuputok niyang abs, lalo at basa iyon at kumakapit sa mga muscles niya. Sunod ay tinalunton ko ang kahabaan ng kaniyang braso kung saan ang kanang braso niya ay may iilang tattoo, pero mas nangibabaw sa paningin ko ang cross tattoo niya banda sa kaniyang wrist. Itim na itim iyon at kitang-kita kahit may mga kulay itim siyang bracelet na suot. Sa kaputian pang taglay niya ay para akong nasisilaw, kaya kumurap-kurap ako. Pagdilat ko ay wala na ito sa gilid ko. Mabilis ko siyang hinanap at naabutang nasa likuran ko na siya banda, hindi kalayuan sa akin at may kung anong kinukuha. Pagharap niya ay hawak na nito ang isang tuwalya. Nakita niyang sinusundan ko siya ng tingin, rason para matigilan siya. Para naman akong sinampal nang walang anu-ano'y inihagis niya sa mukha ko ang kinuhang tuwalya. "Dry yourself," utos niya at muli akong tinalikuran. "I'll just drive the yacht." Iyon nga ang ginawa niya. Iniwan ako nito roon kung kaya ay nagkaroon ako ng oras para sa sarili. Ngayon na nabuhay ako ay mas dumami ang iniisip ko, ang dami ng tanong sa utak ko na kailangan ng sagot. Hindi ko na pinatagal at mabilis lang din akong tumayo sa pagkakasalampak ko. Dala ang tuwalya ay sinundan ko ang lalaking iyon. Nalingunan pa niya ako nang mapansin ang presensya ko sa gilid niya. "Sino ka?" matapang kong tanong. "Brayden," simpleng sabi niya na kahit parang labas sa ilong niya ang pagsagot ay siya namang pagtigil ng hininga ko. "Brayden?!" Hindi siya nagsalita. "Brayden?" ulit ko dahil literal na hindi ako makapaniwala, parang noong isang araw lang ay may nakilala rin akong Brayden. And hell no, hindi pwedeng si Brayden Pezullo na nga ito! Fvck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD