Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad kong nakita si Amaya na hubo’t-hubad na sumasayaw sa harap ni Governor Adrie Sales. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, hindi ako makapagsalita at tila ba natulos ako sa aking kinatatayuan.
“K-Kidlat, b-bakit ka-ka p-pumasok dito??” Iyan ang bungad na tanong ni Amaya sa akin nang lumapit ito sa harapan ko.
“K-Kanina pa—” Hindi ko tuluyang matapos ang aking sasabihin dahil sa natuklasan. Gusto kong suntukin at pagtatadyakan si Governor Sales dahil sa sobrang galit. Paano niya nagawa ito sa inosenteng babaeng nasa harap namin.
Si Amaya, ang aking inosenteng Amaya. Kumuyom ang kamao ko. Agad kong hinubad ang jacket na suot-suot ko at ipinulupot iyon sa dalaga. Agad namang niyakap ni Amaya ang kan’yang hubo’t-hubad na katawan.
“Amaya?? Sino ang walang hiyang lalaking iyan??” tanong ni Governon Sales.
“Amaya, umuwi na tayo.” Seryoso akong tumingin kay Amaya saka hinawakan sa kamay ang babae para ilabas sa kwartong iyon.
“AMAYA!” sigaw ni Governor Sales at agad na kinuha rin ang kamay ng babae. Ngayon ay dalawa na kaming may hawak sa kamay ni Amaya.
“Bitawan mo si Amaya, Gov. Sales!” galit na sabi ko sa matanda.
“At sino ka naman para utusan ako? Akin itong babaeng kinakaladkad mo!” Umalingawngaw ang boses ni Gov. Sales sa loob ng kwarto ngunit hindi man lang ako natinag. Walang epekto sa akin ang talim ng titig at galit na boses nito. Wala akong pakialam kung pabugbugin man niya ako sa kan’yang mga tauhan na nakabantay sa labas, gusto ko lamang maiuwi si Amaya sa impyernong ito.
“Amaya, umuwi na tayo, sumama ka na sa akin!” inis na sabi ko sa babae. Maluha-luha akong tiningnan ni Amaya saka napatingin kay Gov. Sales.
Mahal ba ni Amaya ang matandang ito?
Kaya ba hindi niya ako masagot-sagot dahil sa lalaking ito?
Biglang kumirot ang aking puso.
Kapag sumama si Amaya sa akin ay may pag-asa pa ako sa kanya ngunit kapag pinili nitong manatili sa matandang nasa harapan namin ay mas gusto niya si Gov Sales kaysa sa akin.
Iyan ang tanging nasa isip ko ngayon.
“Amaya, hindi pa tayo tapos, dear,” malambing na wika ni Gov. Sales sa dalaga. Pinisil ko ang mga kamay ni Amaya ngunit nanatili lamang na nakatingin ito kay Gov. Namamasa na ang aking mga mata dahil sa nangyayari, hindi ko akalaing gagawin ito ni Amaya. Binibigyan niya ng aliw ang matandang ito? Bakit? Ano ang dahilan?
Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang pagtingin ko sa dalaga. Kahit ano pa man ang pasukin nito ay mananatili pa rin ako sa tabi nito.
“P-Pasensya na Gov. Magkita na lang tayo sa susunod na araw, kailangan ko ng umuwi,” sabi ni Amaya saka binawi ang kamay niya na hawak ni Gov. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng dalaga.
Ako ang pinili ni Amaya ‘di ba?? Ako.
Agad ding binawi ni Amaya ang kamay niya sa pagkakahawak ko kaya napakunot ang aking noo. Napansin siguro iyon ng babae kaya napahinga ito ng malalim.
“Magbibihis lang ako, Kidlat. Pakihintay na lamang ako sa labas.”
“S-Samahan na kita, Amaya—” Marahan akong tinulak ni Amaya palabas kaya wala akong nagawa.
“Paano kung may gawing masama sa’yo iyang si Gov—”
“Mabait si Gov. Sales, Kidlat. Lahat ng utos ko ay sinunod niya. Kaya please, lumabas ka na’t uuwi na tayo pagkatapos kong magbihis,” sabi nito kaya napatingin ako kay Gov. Sales na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Wala itong imik habang tinititigan lamang kaming dalawa ni Amaya. Agad kong sinalubong ang tingin nito, naunang umiwas ang matanda at bumalik ulit sa pinagkakaupan nito saka uminom ng alak. Nginisian lamang ako nito, hindi na ako nakaimik pa dahil agad na pinagsarhan ako ni Amaya ng pinto.
Uminit ang aking kalamnan, para bang sasabog ako dahil sa nakita ko kanina. Mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili. Kapag gumawa ako ng komusyon ay ako pa rin ang dehado. Maraming tauhan si Gov. Sales baka ako pa ang mabaliktad at worst makulong. Marami pa akong pangarap sa buhay kasama si Amaya, ayaw kong mawala iyon dahil sa mga maling desisyon ko.
Mayamaya lamang ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa noon ang nakabihis na si Amaya. Hinawakan ko ulit ang kamay nito saka hinila palabas ng bahay. Kahit na maraming taong nakatingin sa amin ay nagawa ko pa ring ilabas si Amaya roon. Tinatawag pa nga ang babae ng mga kaibigan niya ngunit dali-dali ko siyang hinila palabas ng mansyon ng mga Sales.
“N-Nasasaktan ako, Kidlat!” sigaw sa akin ni Amaya, hindi ko namalayang mahigpit na ang pagkakahawak ko sa pulsuhan ni Amaya. Agad nitong hinila ang kan’yang kamay sa akin saka hinimas-himas ito.
“Ano ba ang problema mo?” inis na tanong nito. Roon na ako tuluyang sumabog nang tanungin niya iyon.
“Anong problema ko? Tangina, Amaya! Ano iyon? Ano iyong nakita ko sa loob ng kwartong iyon? Pinagsamantalahan ka ba ni Gov? Tinakot ka ba niya? Tara, magpapapulis tayo, i-re-report natin ang walang hiyang manyakis na iyon!” galit na saad ko sa dalaga ngunit umiling lamang ito.
“G-Ginusto k-ko i-iyon! At… At sugar d-daddy ko si Gov!” Napanganga ang aking bibig nang marinig ang sinabi ni Amaya. Tila ba pinagsukluban ako ng langit dahil sa narinig. Ano raw? Sugar Daddy?
“Lahat ng pangangailan ko at pangangailangan ng pamilya ko siya ang tumutugon. Kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam nito at ikaw sa ngayon. I’m sorry, Kidlat, hindi ko ito ginusto sadyang kailangan ko lang ang tulong ni Gov…” Tumulo ang luha ni Amaya, bigla itong napahagulhol sa aking bisig kaya napakunot ako ng noo. Ginusto niya ito pero bakit umiiyak siya sa harapan ko ngayon?
“Wala akong choice, Kidlat. Mapera si Gov. ngunit hindi ko naman binibigay pa ang gusto niya. Hindi rin ako nagpapagalaw sa kan’ya dahil ayaw ko iyon. Hindi pa ako handa’t wala naman akong nararamdaman sa kan’ya. Kidlat, sana’y huwag mag-iba ang tingin mo sa akin bilang babae. Hindi ako katulad ng mga pokpok sa labas. Hindi ako nagpapakama, sinasayawan ko lamang si Gov. kapalit ng perang binibigay niya sa amin! I’m sorry, Kidlat. I’m sorry if I disappoint you…”
Hindi naman ako galit sa kan’ya, galit ako sa mga taong tini-take for granted ang kahinaan niya.
“Hindi ako galit sa’yo, Amaya. In fact, naiintindihan kita. Alam ko ang nararamdaman mo, gusto mong mapunan ang mga pangangailangan ng mga magulang mo kaya ginagawa mo ito. Ako rin ay gano’n din sa mga magulang ko ngunit marami pa namang ibang paraan diyan. Hindi solusyon ang pakikiapid sa taong may asawa na, naiintindihan mo ba ako? Paano kung malaman ito ng maraming tao? Paano kung malaman ito ng asawa ni Gov. Sales? Ayaw kitang mapahamak, Amaya.” Hinawakan ko ang kamay niya’t pinakatitigan sa mga mata. Puno ng luha ang mga nito kaya napakagat ako ng labi. Sobrang nasasaktan ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang umiiyak ang taong mahal ko. Si Amaya, siya lang naman ang buhay ko. Siya ang bukod tanging nagpapaligaya ng puso ko kaya kahit ano pa man siya at gawin niya sobrang mahal ko pa rin siya.
“Ayaw ko namang gawin iyon ngunit sina Nanay at Tatay… Binigyan sila ng malaking halaga ni Gov. Sales para mapalapit lamang sa akin. Malaking halaga rin iyon, Kidlat. Wala akong magagawa. Hindi ko na rin matatakasan pa ito,” naiiyak na sabi niya kaya mas lalong lumakas ang loob ko na kunin siya sa mga magulang nito.
“Tatakas tayo…” Seryoso akong tumingin sa kan’ya. Napatigil naman si Amaya at gulat na tumingin sa akin.
“A-Ano? H-Hindi ako papayag, Kidlat. Paano na lamang ang mga mahal natin sa buhay? Ang mga kapatid mo? Kaya mo ba silang iwan sa mga kamay ng mga magulang mo? At ano ang magiging kinabukasan natin kapag magsama tayong dalawa? Pareho tayong hindi pa tapos sa pag-aaral. Isang taon na lamang ay magtatapos na ako, hindi ko kayang isuko ang aking pag-aaral para lamang takasan itong sigalot na nangyayari sa buhay ko. Kaya ko pang lunukin ang mga nangyayari sa akin, malapit na akong gumradyuwet sa kolehiyo! Hindi ako papayag sa gusto mo, Kidlat! Hindi ako sasama sa’yo!”
Mabilis na umalis si Amaya sa harapan ko ngunit agad kong nahuli ang mga kamay nito.
“Amaya, hindi ako papayag na mapunta ka sa matandang iyon!” inis na wika ko ngunit mabilis na binawi ng babae ang pagkakahawak ko sa kamay niya at umatras.
“Kaya mo bang punan ang mga pangangailangan ko, Kidlat?” tanong nito kaya natahimik ako. Rinig ko ang paghinga ng malalim ni Amaya.
“Tingnan mo, natahimik ka. Hindi mapupunan ang pangangailangan ko, Kidlat. Pareho tayong mahirap at may’ron ka pang responsibilidad sa pamilya mo…”
Kinuyom ko ang aking kamao, hindi ko na sinundan pa si Amaya na ngayon ay naglalakad palayo sa akin. Hanggang sa mawala ito sa paningin ko ay nanatili pa rin akong nakatayo kung saan niya ako iniwan. Nakatulala lamang ako sa kawalan at malalim ang iniisip.
Ang hirap kapag mahirap. Hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pera-pera na lang ba sa ngayon? Hindi na ba nananaig ang salitang pagmamahal?
Mas importante na lang ba sa isang tao ang kayamanan?
Kung mayaman lang sana ako, hindi na naging mahirap sa akin ito. Ako na lang sana ang pupuno sa mga kailangan ng taong mahal ko, hindi ang ibang tao!