Naalimpungatan naman agad ang dalaga nang tumama ang sikat ng araw sa mukha niya't naririnig na niya ang pagtilaok ng manok ng kapit-bahay nila. Unti-unti niyang minulat ang pares ng kaniyang mga mata at tumayo. Kaya pala nangangalay ang katawan niya. Nakatulog pala siya sa munting sofa ng kanilang bahay. Siguradong matutuwa ang mga kapit-bahay nila kapag nalamang bumalik na siya. Imbis na problemahin ang nangyari sa kaniya ay binuksan niya ang pinto ng bahay nila at nagsimulang maglinis. Sinaksak niya muna ang mini speaker niya para magpatugtog para naman mawala saglit ang mga inaalala niya. Nagluto muna siya't pagkatapos ay lumabas habang may bitbit na dust pan at walis. Naisipan niya kasing mamaya na lang kumain dahil nagkape na naman siya. Nagsimula na siyang maglinis nang may tumawag

