Inilibot ko pa ang paningin ko sa kwarto ko, wala naman na siguro akong naiwan na mahahalagang gamit ko. Hirap na hirap akong hilain ang malaki kong maleta para makalabas na ng kwarto ko. Magchecheck in na muna siguro ako sa isang hotel dahil kapag sa bahay ako umuwi, magtatanong lang ng magtatanong ang mga magulang ko at baka sila pa mismo ang maghatid sa akin pabalik kay Kayden at kapag nangyari yun, baka mahirapan na ulit akong umalis. Ayaw ko ng maabutan pa niya ako rito. Bubuksan ko na sana ang pintuan ko ng magulat ako dahil sa biglaan nitong pagbukas. Iniluwa niya naman dun si Kayden na salubong na salubong ang kilay. “Where have you been?!” galit nitong tanong sa akin, hindi naman ako kaagad nakasagot sa kaniya. Iniwas ko na lang sa kaniya ang paningin ko. “What’s that? bakit ma

