Napainat na lang ako sa upuan ko ng matapos ko ang iba kong trabaho. Tiningnan ko naman ang orasan at tanghalian nanaman pala. Nilingon ko si Clara pero wala na siya sa pwesto niya, tatayo na sana ako ng makita kong may sticky notes sa tabi ko.
Sa labas ako kakain kasama ni jowa. Hindi na kita inabala dahil tutok ka nanaman sa trabaho mo. Eat well, Ganda. Muaaa!
-Beautiful Clara
Napangiti na lang ako sa sulat niya. Inayos ko naman na muna ang mga papel sa harapan ko saka ako tumayo. Naglakad naman na ako patungong elevator, naipapatok ko na lamang ang paa ko sa sahig habang naghihintay na bumukas ito.
Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga, naalala ko nanaman ang babaeng kasama niya. Tanggapin na lang natin na hindi niya ako kayang mahalin pabalik. Napatingala na lamang ako ng marinig ko na ang pagbukas ng elevator. Papasok na saka ako ng may biglang humila sa akin at napaharap sa kaniya. Gulat ko namang tiningnan si Kayden na siyang may hawak sa akin ngayon. Wala naman siyang imik na umupo sa harap ko, napaatras na lamang ako ng bahagya pero lumapit din siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, may kinuha naman siya sa bulsa niya at hindi ko alam kung anong klaseng cream yun.
Ano bang ginagawa niya? mamaya may makakita sa aming dalawa rito. Dumaloy sa katawan ko ang isang kuryente ng maramdaman ng balat ko ang kamay niyang maingat na dumadampi sa binti kong may sugat. Naiilang man ako ay hindi na lang din ako umimik o gumalaw pa. Sanay naman na ako kapag hinahawakan niya ako pero nailang na lang ako sa kaniya ng maging cold siya sa akin.
Ointment pala ang kaninang hawak niya. Nang matapos niyang dampian ang sugat ko ng dahil sa pako kanina ay nilagyan niya naman iyun ng band aid. Naiiwas ko na lang sa kaniya ang paningin ko dahil nahihiya ako kahit na wala namang dapat ikahiya. Tumayo naman na siya saka niya ako hinarap.
“Be careful next time.” Malumanay niyang saad, hindi ko naman na siya inimikan at sa ibang direksyon lang ako nakatingin. Matapos niyang sabihin iyun ay umalis na rin siya, sinundan ko na lamang siya ng tingin. Akala ko bababa siya pero hindi pala, ano lang ginawa niya? nilagyan ng ointment ang sugat ko? hindi naman iyun malala para alalahanin pa niya. Bahagya na lang akong napangiti dahil sa loob ng ilang buwan ay ngayon lang niya ako uli nilapitan. Nag-alala ba siya dahil lang sa gasgas na ‘to? Kapag ba nakita niya nanaman akong nasugatan, gagawin pa rin kaya niya kung anong ginawa niya ngayon?
Napabuntong hininga na lang ako, sige Avyanna asa pa. Bumaba naman na ako para makakain ng tanghalian.
“Avyanna!” rinig kong tawag sa pangalan ko. Napairap na lamang ako ng makita ko nanaman si Gilbert na malaki ang ngiti.
“Hindi mo kasama si Boss?” tanong pa niya.
“May nakikita ka bang kasama ko Gilbert?” mataray kong tanong sa kaniya.
“Eh sino yang kasama mo sa likod mo?” turo niya sa likod ko, mabilis naman akong lumingon sa bandang likod ko. “Tara na beb!” tumatawang sigaw ni Gilbert na papalayo na sa akin. Bwisit talaga, wala na lang ginawa kundi ang asarin ako. Inis naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami ng cafeteria.
Maganda na araw ko eh, sisirain pa ng hamal na ‘to.
“Anong sayo Yanna? Adobong baka nanaman ba?” tanong niya naman na ng makaupo kaming dalawa.
“Alam na alam mo talaga ah.” Pang-aasar ko naman sa kaniya.
“Oo naman, ilang taon na tayong magkakaibigan kaya saulo ko na ikot ng bituka mo hahahaha.” Tawa pa niyang saad, buti pa ‘to eh masyadong masayahin. Mukhang wala lang pinoproblema sa buhay. Hinintay ko na lang siya, nilingon ko naman ang entrance pero mga empleyado lang ang mga pumapasok dun.
Umaasa ka nanamang papasok siya diyan? Jusko hindi mo na nga mahagilap ang asawa mo aasa ka pang sasama sa inyong kumain.
“Oh ito na pagkain mo, kumain ka ng kumain para hindi ka naman namamayat.”
“Hindi ako payat, sexy lang talaga ako.”
“Sexy? Saan diyan ang sexy? Bangkay kamo! Kaya walang nagkakagusto sayo eh. Akala mo maganda pa katawan mo, hindi na tanga!”
“Stupid jerk!” inis kong saad, hahampasin ko sana siya ng kutsara pero hindi ko na tinuloy. Inirapan ko na lang siya.
“Maraming nanliligaw sa akin!” saad ko na lang.
“Talaga? Nasaan? Hindi mo pinapakilala.”
“Kailangan ko pa bang ipakilala sayo yun?! Hindi mo talaga alam ang salitang privacy.” Hindi na lang siya nagsalita at natatawa na lang siya sa akin. Sanay naman na ako sa ugali ni Gilbert dahil kami nila Kayden ang palaging magkakasama simula bata pa lang kami pero para kaming nalagasan ng isa, dahil ba sa akin kaya hindi na siya sumasama sa amin? Malamang Avyanna, sino pa ba ang sisisihin mo? alangan naman na si Gilbert ay maayos pa silang dalawa kesa sa inyong mag-asawa.
Kung iparamdam sa akin ni Kayden na balewala na ako sa kaniya parang kasalanan ko pang ikinasal kaming dalawa. I faked a smile, parang gusto ko tuloy munang umuwi sa amin. Palagi naman akong mag-isa sa bahay, may mga katulong nga kami pero busy rin naman sila sa mga trabaho nila. May asawa ako pero parang hindi ko ramdam.
Matapos kong gawin lahat ng trabaho ko ay kinuha ko na ang bag ko saka ko hinarap si Clara.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kaniya dahil abala pa rin siya sa trabaho niya.
“Mauna ka na marami pa kasi akong hindi natapos eh. Tapos ka na ba? ang aga mo yata ngayon.”
“Natapos na ako eh, mauna na ako kung ganun.” nakangiti kong saad sa kaniya, tumango naman siya sa akin. Nasanay kasi sila na palagi akong nalalate na umuwi, kahit naman hindi kailangan ay nag-oover time ako dahil umaasa ako na pag-uwi ko ay maaabutan ko si Kayden sa bahay pero bigo pa rin.
Maaga pa naman kaya dumiretso na ako sa bahay para manguha muna ako ng gamit ko. Gusto kong umuwi na muna kila Mommy, hindi naman uuwi si Kayden.
“Nanay Belen,” tawag ko sa pinagkakatiwalaan kong katulong namin ni Kayden.
“May kailangan ka ba iha? Teka, saan ka pupunta? Bakit may mga dala kang gamit?” taka niyang tanong ng makita niya ang bag ko.
“Uuwi po muna ako ng bahay.”
“Baka hanapin ka niyan ni Kayden.” Natawa naman ako sa sinabi ni Nanay Belen.
“Nay, paano ako hahanapin nun eh hindi nga nauwi eh.” Tawa kong saad sa kaniya.
“Sandali tawagin ko lang si Boy para ipagdrive ka.” aalis na sana siya ng pigilan ko.
“Huwag na po, kaya ko namang magdrive eh. Ingat po kayo rito.”
“Sigurado ka ba talaga iha?” nag-aalala niyang tanong sa akin na tinanguan ko na lang. “Mag-iingat ka kung ganun.” tumango na lang din ako sa kaniya saka na lumabas ng bahay at sumakay na ng kotse ko. Umuwi na lang muna ako kesa ang mag-isip ng mag-isip kung kailan uuwi ang asawa ko. Asawa ko nga siya pero hindi ko alam kung nasaan at kung saan siya pumupunta.
Medyo may kalayuan pa naman kami sa bahay nila Mommy, pagkatapos kasi ng kasal ay dito na kami tumira ni Kayden. At simula ng araw na yun ay hindi pa ako nakakauwi dahil ayaw ko rin namang iwan si Kayden pero ngayon, napapagod na ako, napapagod na akong maghintay ng maghintay sa kaniya. Kahit nga yata mawala ako hindi lang niya ako hahanapin.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras ay nakarating na rin ako sa bahay. Pinagbuksan naman ako ng security guard namin ng makilala ang gamit kong kotse.
“Ako na diyan iha.” Salubong sa akin ni Nanay Susan, kinuha niya naman ang mga gamit kong hindi naman mabigat.
“Nasan po sila Mommy?”
“Nasa loob lang sila, tatawagin ko na lang. Mabuti naman at nakadalaw ka, ilang buwan ka na ring hind umuuwi ah.”
“Marami po kasing trabaho sa kompanya nila Kayden kaya hindi po ako nakakauwi, nakaluwag lang po ngayon.” saad ko. Pumasok naman na kami sa bahay at napahinto na lang sa paglalakad at pumikit, I miss this, I miss here, yung amoy, yung ambiance at lahat lahat. Napangiti na lang ako, bakit ba ngayon ko lang naisipan na umuwi.
“Anak?” rinig kong tawag ni Mommy kaya napamulat na lang ako. Napangiti na lang ako ng makita ko si Mommy sa white dress niya.
“Anak,” parang hindi pa niya makapaniwalang saad na makita akong nandito, natawa na lang ako at sinalubong ko naman siya. Mahigpit ko siyang niyakap, I miss her so much! Miss ko na miss ko na sila.
“May problema ba? napadalaw ka?” malumanay niyang saad, mabilis ko namang pinalis ang mga luha ko saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at ngumiti.