bc

Apocalypse Survivors

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaasahan ang pagkalat ng Virus sa buong bansa. Ang lahat ay gustong makasurvive. Pero sino ba ang papalaring mabuhay?Si Shaina ay isang Nurse sa San Matteo na gustong matulungan ang kaibigang Nurse na taga Otwan. Maliligtas ba niya ang kaibigan habang nasa tabi niya si Doctor Hayden? O baka'y mapahamak lang sila lalo... Maaatim ba ng konsensya niya ang pabayaan ang nag-iisang kaibigan?Subaybayan ang pagsurvive ng mga maraming karakter sa Apocalypse Survivors Book 1.

chap-preview
Free preview
BOOK 1 : ONE
SHAINA Nasa San Matteo si Shaina, kung saan nagkukumpulan ang mga Zombies. Sa totoo lang ay di lang naman ang San Matteo at Bantwa ang sinugod ng mga Zombies. Halos lahat ng nadaanan ay wala ng ititira, ubos na kung ubos. Nagtatago siya sa isang Cabinet sa loob ng Clinic niya. Sa malas naman kasi, nasundan pa siya ng nga Zombie at dina niya naisarado ang Pinto sa pagmamadali. Kaya ayun, nagroronda ang mga ito sa loob ng Silid. Sa Cabinet ay may kunting wasak na bahagi. Di iyon nakita dahil gawa lang naman iyon ng Pako habang inaayos niya ang Cabinet. Dina niya iyon naayos dahil sa pagiging busy. At ngayon, nakatulong din naman para masilip niya ang ginagawa ng mga zombie sa labas. Most of them is mga pasyente nila na kani-kanina lang ay nireresetahan pa niya. Kabilang na si Tatay Andro na isa sa naging malapit niya na Pasyente. Mabait ito at may taning nadin ang buhay dahil sa sakit. Yun ngalang, dina din ito inabutan ng taning dahil nakagat ito. Alam niya kung saan nagmula ang Virus. May kaibigan siya sa Otwan at doon iyon nanggaling. Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kaninang madaling araw... "Hello, Bes? Napatawag ka?" Aniya pagkasagot sa cellphone niyang nagriring. Nakaidlip lang siya ng kunti dahil sa pagod and ito na naman at nagising siya. "Hello, Yna? Thank god! I need your help." "Huh? Bakit? Ano bang nangyari?" Aniya saka tumayo na. Nakasalubong pa niya si Tatay Andro na nginitian siya. Gumanti lang siya ng tango dahil baka di niya marinig ang sasabihin ni Arcy. "Eh kasi nagkaproblema sa Lab namin. Puwede bang pakikontak si Doc Hayden? Andiyaan ba siya?" "I'm not sure kung nandito ba siya. Wala kasi akong number. But I'll look for him." "Salamat-" "Ano bang nangyari diyan?" Nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan. Nasa second floor ang Laboratory ni Dr. Hayden. "Si Doctor Luiz kasi, may imbento daw. And triny niya sa isa naming kasamahang nurse. And i think di naging maganda ang result kasi tinali na niya ang nurse after maturukan at mawalan ng malay. And I don't know dahil pinalabas na niya ako. After that, i hear Doctor Luiz shout. Hindi ko alam ang nangyari but i got curious so nagpunta ako sa Security Room and I found out na naging Zombie sila!" "What?" Muntik na niyang mabitawan ang Cellphone. "Ginogoodtym moba ako, Arcy?" "Oh my god, No!" Sinabayan nito iyon ng pagsigaw ng may marinig siyang kalabog sa paligid. "They are coming!" "Sino?" "Ang mga Zombies, Shaina! Nang makita ko sa Security kanina. I called Dr. Hayden but I can't contact him. Siya lang ang kaibigan ni Dr. Luiz na magaling din mag-imbento. But nang magpunta ang security para siguraduhing di makakalabas sina Dr. Luiz ay nakagat sila at halos lahat na ng mga nandito'y naging Zombie nadin. Paano ko sila mapapatigil at mababalik sa dati? I need to call Dr. Hayden!" "Oh my goodness, hide, Arcy. Umalis kanadin diyan. Kapag mas marami na ang nakagat. Mas delikado. Mahirap na silang pigilan. Umalis kana." "Diko alam kung saan ako dadaan. Wait, sisilipin ko ang Bintana-s**t!" "Bakit?" "Nakalabas na sila, Shaina!" Impit pero pabulong na ang boses nito. Para di siguro marinig ng mga Zombie. "Nabasag ang Salaming Pader and oh goodness, mabilis silang nakakatakbo! Marami na silang napatay!" "Where's your car? Go inside your car!" "Nasa Talyer pa ni Kuya ang Car ko. Nagtaxi lang ako kanina-" "Then call your Brother-" "I tried. Pero diko siya makontak. Baka napaano na si Kuya Ariel." "Umalis kana diyan, Arcy. Hahanapin ko si Doctor Hayden." "Okay. I'll call you back. Titipirin ko ang battery ko." Anito bago pinatay ang tawag. Mabilis naman siyang bumaba para puntahan ang Doctor. Pero mukhang nakaabot nadin dito ang balita. May kausap ito sa Cellphone at ibinaba ng makita siya. "Call the Police and Security, Shaina. A friend call me from Otwan and may nagkalat ng mga Zombies. Tiyak dito agad papunta iyon dahil ito ang kasunod ng Otwan." "Yes, Doc." Agad naman niyang sinunod ito. Iyon ngalang tunog na ng mga Zombie ang narinig niya matapos sagutin ng isang Police ang tawag. Mukhang nakagat pa yata ang nakausap niya. Ang Security nalang ang tinawagan niya at nag-announce agad na may paparating na mga Zombie. But just like other people in the movies. May mga tao talagang ayaw makinig. "Aalis kami sa Hospital! Buksan niyo ang Gate! Hindi kami puwedeng makulong dito!" "Tama! May mga Pamilya kaming naiwan!" "Buksan niyo na ang Gate!" Kaya wala nadin silang nagawa kundi buksan ang Gate. Pero siya ding pagdaong ng mga Zombies na galing sa Otwan. Kanya-kanya na ng pasok at kagat. Ang mga tao sa Hospital ay kanya-kanya ng takbuhan. "Nurse Yna!" Narinig niyang sigaw ni Tatay Andro. Agad naman niya itong nilapitan at itinulak ang wheelchair. Pero dahil nagkakagulo na. Naitulak siya ng mga tao at napabitaw siya. "Sige na, Nurse Yna! Umalis kana!" Babalikan pa sana niya ito naghihilaan na ng mga gustong makaligtas. Tumakbo nalang din siya papunta sa Elevator. Pero napuno na iyon kaya't ayaw magsara. Ang kakarating na mga Zombie ay doon din papunta kaya nag-iba siya ng daan. Dumiretso siya sa mahabang hagdanan na diretso sa Clinic niya. Napalingon siya sa ibaba at nakita doon si Tatay Andro. Pinapatakbo nito ang Wheelchair habang may mga Zombies na nakasunod. Hindi maatim ng dibdib niyang panoorin lang ito. Agad siyang pumulot ng bakal na Tray na paglalagyan ng pagkain ng mga pasyente. Kahit nahihirapan dahil sa takong niya ay mas binilisan pa niya ang pagbaba saka hinatawan ng tray ang lumapit na Zombies. Nalapitan naman niya si Tatay Andro. "Tara, Tay!" "Hindi kana dapat bumalik, Nurse Yna-" "Hindi ho. Tara na-Ayyy!" Napasigaw siya ng paglingon nila'y andoon na ang ilang Zombies. Binangga iyon ni Tatay Andro gamit ang wheelchair. Napahiga ang iba pero may iba ding nahawakan na ang wheelchair. Inabot nalang niya si Tatay Andro saka itinayo sa Wheelchair. "Tara naho-" "Ahhh!" Napalingon siya at nakitang nakagat na pala si Tatay Andro. "Tay-" "Umalis kana, Nurse Yna. Magiging Zombie nadin ako!" Napaiyak nalang siya saka tumango. Pag-atras niya'y nangitim na nga ang mga mata ni Tatay Andro. Mabilis kumapit ang Virus sa katawan. Agad na siyang tumakbo pabalik sa hagdan. Pero nahawakan siya ng isang Zombie. Kaya kahit nahihirapan ay umakyat padin siya. Nang maabot na niya ang Pinto ng Clinic ay sinipa niya ang Zombie atsaka mabilis na pinihit ang Doorknob para makapasok. Nang makapasok na'y naghanap agad siya ng pampalo. Pero mga Alcohol lang ang nandoon. Bago paman niya masarhan ang Pinto'y narinig na niya ang maraming Zombie na palapit nadin. Wala na siyang sinayang na pagkakataon at pumasok na sa maliit na kabinet niya sa may likod ng Pinto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.6K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
294.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook