SHAINA
MARAMI-rami din ang Zombie sa labas ng Cabinet. Kapag nalaman ng mga itong andoon pa siya'y tiyak na di siya mabubuhay.
Kailangan niyang makalabas doon.
Hindi pa nga niya natawagan ang Pamilya niya dahil dina niya alam kung saan nahulog ang cellphone niya.
Basta't ang alam lang niya, nagugutom siya at matagal na siya sa loob ng Cabinet. Mga Walong Oras nadin siguro.
Marunong naman siya magmano mano dahil wala din naman siyang relo.
Tinakpan niya ang tenga ng makarinig ng sunod sunod na putok. Nang sumilip siya sa maliit na sira ay nakita na niya ang nakahandusay na mga Zombies. Isang lalaki ang nakatayo doon.
"Doc Hayden!"
Malakas na aniya bago binuksan ang cabinet. Napalingon naman ito sa kanya at napangiti.
"I thought you already turned into a Zombie."
"Paano mo pala nalamang nandito ako, Doc?"
"I saw your Bracelet." Inabot nito sa kanya ang Bracelet niya. "Akala ko nga nakagat kana ng Zombie. Wait, wala ka namang kagat diba?"
Umiling naman siya. "Doc. Puwede kobang mahiram ang Kotse mo? May kaibigan ho ako sa Otwan-"
"Sorry, Nurse Yna, pero hindi puwede. Hindi tayo dapat magsayang ng Gas. Ihahanda kolang ang mga gamit ko sa ibaba at aalis na tayo."
Napasunod siya dito. "Pero Doc, mapapahamak iyong kaibigan ko doon. Ako nalang ang inaasahan niya dahil di nadin niya makontak ang Kuya niya. Doc, please-"
"I'm really sorry. Pero tayo ang mapapahamak diyan sa iniisip mo. We can't go there without nothing. Hindi natin kayang labanan ang mga Zombies. Dito nga'y mahirap na, doon pa kaya na doon nanggaling ang mga Zombies. Wait here." Anito at inabot sa kanya ang baril. Pumasok naman ito sa Clinic nito at paglabas ay may dala ng isang malaking Packbag.
"Doc-"
"Dito." Hinila siya nito sa isang tabi ng ilang Zombie ang dumaan. Napasiksik naman siya sa tabi ni Doc Hayden.
ARIEL
MASAKIT na ang mga mata ni Ariel pero ayaw niyang ipikit ang mga iyon. Baka sa isang pagpikit lang niya'y daluhungin na siya ng mga Zombie na ito. Worse timing dahil nasira ang phone niya kanina at ipinaayos muna niya sa Shop. Hindi niya magawang tawagan ang kapatid na si Arcy.
Sa lugar pa naman na pinagtatrabahuan nito nanggaling ang mga Zombie. At ang worst pa'y sa Hospital talaga na pinapasukan nito.
Sana'y ligtas ito.
Dalawa nalang sila sa Pamilya and he can't lose her dahil lang sa mga Zombie na ito.
Nagbabasa siya sa Bahay nila ng malaman niya ang balita. Isang kotse lang ang hawak niya't bumaba siya sa bahay para ilock ang Gate niya. Too late dahil naging Zombie na ang ilang kapitbahay nila't nakapasok na sa Gate. Sa takot ay imbes na isarado ang Gate ay tumakbo pa siya palabas ng bahay.
Ngayon ay nagtatago siya sa isang Classroom sa eskwelahan. Sakto't Holiday ngayon kaya walang klase. Walang mga batang magiging problema lang kung tutuusin.
"Sino ka?"
Mabilis siyang napalingon at iniumang dito ang hawak na kutsilyo. "Ikaw ang sino?"
Isa iyong batang lalaki, na sais anyos pa yata.
Maliit pa. Nilapitan niya ito. "Marunong kana ba talaga magsalita?"
Tumango ito. "Maraming Zombie."
"Oo. Kaya bakit ka nandito? Asaan ang mga magulang mo? Diba dapat hindi ka nila hinahayaang mag-isa. Delikado."
"Hindi kona alam kung nasaan sila. Puwede moba akong tulungang hanapin sila?"
"Ha?"
Mabilis siyang umiling. Ayaw nga niya ng batang kasama eh dahil dagdag lang iyon sa iisipin niya.
"Sige na... Hahayaan molang ba akong kagatin ng mga Zombie?"
Napunot noo siya. "Hindi ka makakagat kung dika lalabas dito. Hindi kita puwedeng dalhin dahil aalis din agad ako dito para hanapin ang kapatid ko. Mas malalayo ka sa magulang mo kung dadalhin kita."
Napayuko naman ito. Sumilip siya sa bintana. May iilan ngang mga Zombie sa labas. Nakakita siya ng isang Kotse sa may di kalayuan.
Kung makakalusot lang siya sa mga Zombieng ito'y makakapunta siya sa sasakyan at magagamit niya iyon para puntahan ang Kapatid na nasa Otwan pa.
Nilingon niya ang bata. "Huwag kang aalis dito. Hintayin mo ang mga magulang mo. Lalabas ako."
"Sasama ako-"
"Hindi puwede. Mas mag-aalala ang mga magulang mo." Inihanda na niya ang sarili tsaka dahan dahang binuksan ang Pinto ng Classroom. Nang makalabas na'y dahan dahan din niyang isinarado ang Pinto.
Dahan dahan din siyang bumaba. Pero nalingunan siya ng Zombie.
"Ahh!" Napaatras siya at agad tumakbo. Tatlong Zombie ang humabol sa kanya. Bumalik siya sa Classroom. Nang mabuksan ay agad siyang pumasok at isinarado iyon.
Pero tila nagtawag ng pansin ang mga Zombie. Ang kaninang tatlo'y mas dumami pa't tila sinisira na ang Bintana. Umiyak na ang bata.
"Shhh... Wag kang umiyak."
"Dinala mo sila dito. Mamamatay na tayo-"
"No, no, no. Hindi. Hindi tayo mamamatay." Nilapitan niya ito. "Makakaligtas tayo dito."
"P-paano naman?"
Nilingon niya ang bintana na nasa likurang bahagi. "Sisirain natin itong Bintana at dito tayo dadaan."
"O-okay."
Umabot siya ng isang upuan tsaka mabilis na binasag ang mga salamin. Mahirap iyon pero nagtagumpay naman din sila. Suwerte at walang mga Zombie doon. Agad silang lumabas ng bata sa sirang bintana. Inilagay niya din ang upuan bilang lock doon para di agad sila masundan ng mga Zombies.
"Salamat, Kuya. Sa pagliligtas sakin." Nginitian niya ito.
"Oo naman. Ano bang pangalan mo?"
"Chesmon. Eh ikaw Kuya?"
"Ariel."
"Iyong sabon na powder?"
Napatango siya at natawa. "Dumito kalang muna. Pupunta ako sa harap para masubukan ang kotse na nakita ko kanina. Pupuntahan kita agad dito."
"S-sige."
Agad siyang kumilos. Umikot siya sa paaralan at agad tinakbo ang Kotse. Hinabol siya ng Zombie na nakakita sa kanya. Sirado ang kotse. Pero madali lang naman iyon sa kanya. Agad niyang sinira ang salamin at binuksan ang pinto mula doon. Sinipa niya ang isang Zombieng papalapit.
Mabilis niyang pinaandar ang Kotse. Suwerte at nasa loob ang susi niyon.
"Kuya!"
Napasilip siya at nakita ang tumatakbong si Chesmon. Habol ito ng mga Zombie.
Agad niyang binuksan ang isa pang Pinto. "Bilis na! Sakay!"
"Kuya, sandali!"
Agad din naman itong nakatalon sa kotse kaya mabilis na niyang pinamaniobra ang sasakyan at pinaharurot iyon.
Wala siyang pakialam kung may mga Zombie mang humarang sa daan. Sagasa na kung sagasa.