GILBERT
NAKAPADLOCK man ang Apartment ni Gilbert pero di padin siya mapakali. Natatakot siya na baka masira ang Pinto at makapasok ang mga Zombie.
Kung sana'y pinuntahan niya si Rain. Ngayon ay dina siya sigurado kung nasaan ang Pinsan. Baka nga'y nakagat nadin ito ng mga Zombie. He tried calling him pero di naman nito sinasagot. Kailangan din niyang tipirin ang Load niya kaya dina siya ulit tumawag dito.
Tatlong buwan pa lang siya sa Apartment niya. Dahil sa matagal na pag-iipon ay nakabili siya nun. Worth it naman dahil kompleto ang mga kagamitan niya.
May mini pool din siya sa loob.
Wala na siyang mga magulang at talagang sila nalang ni Rain ang magkasangga sa buhay.
Pero kahapon lang ay nag-away sila ng Pinsan dahil sa simpleng bagay lang naman. Nagtampo siguro ito at dina bumalik sa Apartment.
And nalaman nadin niya sa balita ang tungkol sa mga Zombie kaya mabilis na niyang pinaglolock ang mga pinto.
Sumilip siya sa Glass Window niya. Tanaw mula doon ang mga Zombie sa ibaba. Nagdalawang isip pa siya kung dudungaw pa doon dahil baka makita siya ng mga Zombie at akyatin siya doon.
Pero sumilip padin siya. Di naman siya nagkakamali. Madami pading Zombie na nakakalat sa labas.
Mabilis siyang pumasok at isinara ang Glaas Window niya. He better stay where he are.
Kung sa pagkain lang din naman ay wala siyang poproblemahan. It won't last long pero kakasya iyon ng ilang buwan dahil kakagaling lang niya maggrocery noong nakaraang araw.
RAIN
Lakad takbo ang ginawa ni Rain para makalayo lang sa nagkakagulong mga Zombie. Kung di lang sana niya pinairal ang immaturity, di sana'y nasa Apartment lang siya at nagchichill.
Nainis kasi siya sa Pinsan dahil ayaw nitong pabisitahin ang Girlfriend niya sa Apartment. Kilala naman na nito si Arcy pero ayaw padin nito. Hindi naman sinabi kung anong dahilan.
He just don't want to. Walang anumang paliwanag kung bakit. Nakakainis lang.
Mahalaga ang Pinsan sa kanya, ganun din si Arcy. Kaya di niya maiwasang magtampo dito.
He called Arcy at sinabi dito ang nangyari. Sinabi lang nitong wag ng pilitin si Gilbert at magsorry nalang siya. Ginawa nga niya. Tinawagan nga niya ito pero sa malas nga naman ay nabangga siya ng isang Motorsiklo. Nahulog ang Cellphone niya at nabasag iyon.
Bumaba ang Driver niyon na isang babae at nagsorry. Dina siya nakasagot pa dahil agad nadin itong umalis na para bang wala lang dito ang pagkasira ng Cellphone niya.
Dinala niya iyon sa isang Repair shop and suddenly, pinalibutan na ang shop ng mga Zombie.
Nagresulta pa iyon ng pagiging Zombie din ng may-ari ng shop.
Kung di lang siya nakaisip ng paraan ay tiyak na dinumog nadin siya ng mga Zombie na iyon. Nakita niya sa stool ang Cellphone ng may-ari tsaka pinatugtog iyon at tumakbo palayo. Itinapon niya pa iyon kaya doon nagpunta ang mga Zombie. Ligtas siyang nakadaan. Ngayon, dina niya alam kung saan pupunta.
Malayo layo din ang Apartment doon at mahirap dumaan sa mga Zombie.
Delikado pa ang buhay niya.
Nagpalakad lakad siya. Mahina ang mga hakbang para di mahalata ng mga Zombie.
Hindi naman siya pansin ng mga Zombie.
"Rain!" Napalingon siya. Si Tasha, ex girlfriend ni Gilbert. "Tulongan mo ako!" Sigaw nito. Hinahabol kasi ito ng mga Zombie. Naalarma naman siya.
Tumakbo ito patungo sa isang pasilyo habang hinahabol ito ng ilang Zombies. Siya naman ay di alam ang gagawin. Paano niya ito tutulungan?
Nakakita siya ng isang bakal sa gilid. Agad niya iyong inabot at mabilis na pinuntahan si Tasha.
May mga Zombie paring humahabol dito. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo at pinapalo ng bakal ang ilang maabutan niya.
"Rain!" Si Tasha ng madapa ito at dumugin ng dalawang Zombie. Agad naman niya itong dinaluhan. Pinalo niya ang isa, saka sinipa ang isa pa. Naitayo naman niya si Tasha saka hinawakan ang kamay nito. "Takbo na!"
Agad din naman itong nagpahila. Nakapagtago sila sa isang bukas na Shop.
"Rain..."
"Oh, bakit ka nandito? I thought na aalis kana papuntang spain?"
"Hindi natuloy ang flight ko... Pinacancel ko, kasi diko kayang iwan si Gilbert..."
Napailing naman siya. "You cheated on him. Alam moba kung anong nangyari sa Pinsan ko? He almost kill himself dahil sa ginawa mo. He really loves you pero nagcheat ka."
"I-i don't mean to. Nadala lang naman ako ng alak that time. I didn't know kung anong ginagawa ko. Naalala ko lang, galit na galit si Gilbert sakin dahil nakipaghalikan ako sa ibang lalaki. Hindi man lang niya ako pinagpaliwanag. Ni hindi ko nga alam ang mga nangyari eh."
Nagkibit balikat siya. "If totoo man iyan, you should've tried harder. Sana mas pinursue mo siya. Siya ang nasaktan eh. Sana dika tumigil hangga't di nakapagpaliwanag."
"Yeah, now i will. Okay lang ba siya?"
Napailing naman siya. "Hindi ko alam. Wala na ang Cellphone ko—oh wait, may phone ka diba?"
Napatango ito. "Pahiram. Kailangan kong tawagan si Arcy. Also si Gilbert. Kailangan maitanong ko kung okay lang ba sila parehas. May load ka?"
"Oo. Here." Inabot nito ang Cellphone sa kanya. Agad naman niya iyong tinanggap at idinayal ang number ng Nobya.
Good thing, memorize pa niya iyon.
Pero out of coverage area ito. Nag-aalala siya. Paano kung napahamak na pala ito?
Hindi niya alam kung matatanggap niya ba. They were planning to get married two years from now at di na iyon matutupad kung may nangyaring masama dito.
Tinapik ni Tasha ang balikat niya. "Ligtas siguro siya at nalowbat lang. Huwag kang mag-overthink dahil dika matutulongan niyan."
"Ofcourse. Alam kong ligtas siya. I just know in my heart." Inabot niya ang Cellphone dito. "Tawagan mona si Gilbert. May number ka naman niya diba?"
Umiling ito at nginitian siya ng tipid. "Kapag nalaman niyang ako ang tumatawag, surely di niya ako sasagutin."
Napabuntong hininga siya. Ganun padin naman. Tiyak na dipadin siya sasagutin ni Gilbert dahil number naman ni Tasha ang gamit niya.
"Alam kona, text him. Sabihin mo sa kanya ang sikreto na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Therefore, maniniwala siyang ikaw nga ang may hawak ng Phone ko."
Napatango naman siya. Bahala na. Nag-aalala na talaga siya sa Pinsan. Bahala na ang mga Secret secret na iyan.