"HINDI ka na nahiya! Akala ko ba malaki ang pangarap mo para sa ating pamilya? Ngayon, paano mo 'yon matutupad kung maaga kang nagpabuntis!" galit na galit na sigaw ni mama. Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang maiyak na lamang habang malungkot at puno ng pagsisisi siyang tinitigan. "Ano?" hindi makapaniwalang bulyaw ni papa. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Nakakurba paitaas ang kaniyang kilay habang nakakunot naman ang kaniyang noo. "Tama ba ang narinig ko, Samantha? Buntis ka ba?" tanong niya. Sa tono ng boses niya, bigla akong tinubuan ng kaba sa buo kong sistema. Pilit ko man na buksan ang aking bibig para sagutin siya ay hindi ko magawa. Tila umurong din ang aking dila. "Sumagot ka, Samantha!" Bahagya akong napa-angat m

