bc

Exile

book_age16+
181
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
confident
tragedy
comedy
bxg
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Shienel is a happy-go-lucky woman. She loves to enjoy everything around her. Siya ang pinakamadaldal at pinakamakulit sa kanilang magkakaibigan. Everybody liked her bubbly and energetic personality except the handsome and hot doctor, Lawrence Calderon.

Doctor Lawrence is the exact opposite of Shienel. He's always calm and composed. He's always serious and has no time for games which made Shienel to push him even more to his limits. Lagi niya itong kinukulit at ginugulo dahil sa kuryosidad at nakakatuwang reaksyon nito sa tuwing nagsusungit sa kanya.

Magbubunga kaya ang lahat ng pangungulit ni Shienel sa gwapong doctor na ito? Tatagal ba siya sa pagsusungit at pagtataboy ng supladong si Lawrence? Will she be able to make the aloof doctor fall in love with her?

chap-preview
Free preview
Simula
“Hello, Doc!” Sinarado ko ang pinto pagkapasok ko sa opisina niya. Umangat ang tingin nito sa akin at kaagad na nagsalubong ang kilay. He removed his glasses and massaged his temple. “What are you doing here? Do you have an appointment? I believe you’re not allowed to enter the hospital, most especially my office without a medical appointment,” iritableng sabi nito. Napangisi ako. Kakarating ko pa lang pero bwisit na bwisit na naman siya sa akin. Wala pa akong ginagawa niyan pero parang itatapon na niya ako palabas ng ospital mula rito sa third floor kung nasaan ang office niya. “Meron akong appointment ‘no. Judgemental ka talaga. Anong akala mo? Narito ako para sa’yo? Para guluhin ka o magpapansin sa’yo? Kung ‘yun ang iniisip mo, pwes, medyo tama ka. Pero may sadya rin talaga ako rito para kay Mommy,” saad ko. Dumiretso ako sa upuan sa harap niya at kumportableng naupo roon. “What is it? Para makalayas ka na,” masungit na sabi nito. Napanguso ako. Nako nga, Doc Lawrence! Kapag palagi ka talagang magsusungit sa akin, lalo lang kitang aasarin. Mas hindi kita tatantanan kapag lalo kang nagpapa-hard to get. Mas lalo kasing nabubuhay ang curiosity ko dahil sa pagsusungit niya sa akin. Mula talaga nang makita ko siya noong unang check-up ni Mommy sa ospital na ito ay talagang nagwapuhan ako sa kanya. Dagdag factor na rin siguro ang pagiging seryoso palagi ng mukha nito. Akala mo hindi marunong ngumiti eh. Never ko pa siyang nakitang ngumiti nang malaki o humalakhak nang malakas mula nang makilala ko siya. May pa-mysterious effect kaya’t lalong nakahuhumaling. Sa tuwing may check-up si Mommy at kasama ako ay ramdam ko ang pagkairita niya sa akin. Madalas ay hindi na niya ako tinatapunan ng tingin dahil lalo lang siyang mabubwisit sa akin. Kapag naman kaming dalawa lang ang nasa office niya at sa tuwing susubukan kong makipag-usap sa kanya ay palagi siyang walang amor at harsh magsalita. Siyempre noong una ay na-offend ako. Wala pang lalaki ang nagawang sungitan ako nang sobra katulad ng ginagawa niya. Sa aming apat nga ng mga kaibigan ko sa college ay ako ang pinaka-friendly lalo na sa boys. Tapos itong si Doc, inis na inis sa akin na akala mo may nagawa akong masama sa kanya. Pero sa katagalan ay nasanay na rin ako at mas lalo lang akong na-pu-push na sagarin pa ang pasensya niya. Ah, bwisit ka sa akin ha? Sige, bubwisitin pa kita lalo! “Ano muna ‘yang ginagawa mo?” Tumayo ako at dumungaw sa kanya. Pigil ang ngiti ko nang makita kong napaatras ito dahil sa biglaan kong paglapit sa kanya. Marahas itong huminga nang malalim saka sumandal sa kanyang swivel chair. “Kapag hindi mo pa rin sinabi ang purpose kung bakit ka narito ay tatawag na ako sa gwardiya para paalisin ka rito sa office ko. Stop wasting my time. Nasa ospital ka, wala sa mall, wala sa park, wala sa kung saan. If you have nothing important things to do here rather than annoying me to the core then get out,” seryosong sabi nito. Natahimik ako saka sumimangot. Ilang minuto rin akong hindi nagsalita. He was just intently watching me and waiting for me to leave ngunit nang masagad ito sa pananatili ko ay padarag nitong kinuha ang telepono saka tumawag na nga sa gwardiya. Naalerto ako dahil doon saka inagaw ang telepono sa kanya. He looked shocked when I cut the call. “Shienel!” sigaw nito sa akin. “Wala naman akong ginagawang hindi maganda sa’yo ah, Doc? Pero bakit galit na galit ka sa akin? I’m just being friendly because you looked so stressed. Akala ko, baka pwede kitang libangin dahil alam kong masyadong toxic ang trabaho niyo rito sa ospital pero minamasama mo pa ako,” seryosong wika ko. Nakita kong kumunot ang noo nito sa biglaan kong pagda-drama sa harapan niya. “Gustong-gusto mo na akong maglaho na parang bula. Ayaw na ayaw mo sa akin kaya’t pinapalayas mo na ako kaagad kahit kararating ko pa lang. Hindi pa nga ako nakakapasok sa buhay mo pero gusto mo na ako kaagad mawala. Ikaw rin, Doc, baka pagsisihan mo habang buhay kapag nawala ako…” dagdag ko pa. Lalong sumama ang mukha ni Doc dahil sa mga pinagsasabi ko. Unti-unting lumitaw ang malapad na ngisi sa aking mukha. Tumayo ako at nag-peace sign sa kanya. “Joke lang! Ito na, aalis na ako bago mo pa ako ibato sa bintana mo! See you next time, Doc Lawrence!” Kumaway pa ako sa kanya saka nagmamadaling tumakbo palabas ng office niya. Tawang-tawa ako pagkalabas ng office niya. One point na naman sa akin. Tiyak kong sasabog na ‘yun sa sobrang inis dahil sa akin. Well, sa susunod na lang ulit. Pakakalmahin at palalamigin ko muna ang ulo niya. Masyado siyang hot sa tuwing nagkikita kami eh. Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Mommy na kinikilig-kilig pa habang may ka-video call. Alam ko na kaagad kung sino ang kausap niya base pa lang sa mga ganyang reaksyon niya. Pumwesto ako sa likuran niya at sumilip sa camera. I waved at Tito Leandro, my mother’s long-time boyfriend. “Hi, Tito!” bati ko rito. “Shienel, kumusta? Kakauwi mo lang ba galing ospital?” mahinahong tanong ni Tito. Masaya akong tumango at pinakita sa kanya ang mga gamot na binili ko para kay Mommy. “Yes po, Tito. Kailan ka ba uuwi o magbabakasyon ulit dito? Feeling ko ikaw ang makapagpapagaling sa sakit ni Mommy eh,” natatawang saad ko. He laughed heartily. Malakas akong hinampas ni Mommy sa braso pero bakas naman sa mukha niya na natuwa siya sa sinabi ko. Ang harot! Buti pa sila, ang saya ng lovelife samantalang ako, nganga pa rin hanggang ngayon! Kailan kaya? Doc Lawrence, kailan ka ba bibigay? “Palabiro ka talagang bata, Shienel. Sisikapin kong makauwi ngayon o sa susunod na buwan bago mag-renew ang kontrata ko rito. Panibagong tatlong taon na naman iyon. Huwag kang mag-alala, marami akong pasalubong na ibibigay para lang sa’yo,” he said while smiling. Halos pumapalakpak ang tenga ko sa narinig. Talaga naman oh! Kaya gustong-gusto ko itong si Tito Leandro para kay Mommy eh. Mabilis na lang naman ang tatlong taon. Sa pagkakaalam ko ay ito na ang huling contract niya sa ibang bansa at pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang titigil sa pagtatrabaho roon at mananatili na sa Pilipinas upang magsimula ng sariling negosyo. Umakyat ako sa kwarto saka naligo. Naupo ako sa kama at habang nagpapatuyo ng buhok ay sinubukan kong tawagan ang numero ni Doc Lawrence. Nakuha ko iyon kay Mommy dahil hiningi nito ang number ni Doc para kung sakaling may mga personal siyang tanong ay pwede niya na lang itong ma-contact at hindi na kailangan pang magpunta ng ospital. Napasimangot ako nang hindi manlang nag-ring iyon. Namatay lang iyon kaagad! Samantalang noong isang araw lang ay narinig kong magkausap sila ni Mommy sa number nito pero sa tuwing susubukan ko siyang tawagan ay naka-automatic off na agad. Hindi rin siya nagre-reply sa texts ko. Mukhang hindi ata magandang nagpakilala ako sa text. Baka naka-block na ako sa kanya! Mabuti na lang at ready ako. Kinuha ko ang bagong sim na binili ko kanina bago umuwi. Gamit iyon ay sinubukan ko siyang tawagan ulit at kaagad din namang nag-ring. Sabi ko na nga ba, naka-block ako! “Hello, who’s this?” pormal na sagot nito. “Hi, Doc. It’s me. Shienel. Your future Mrs. Calderon.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook