Kabanata 1

1170 Words
“Mom! Look at my grades. I passed again!” sigaw ko habang naglalakad papalapit kay Mommy. Inabot niya ang phone na hawak ko saka isa-isang tinignan ang grades ko roon. Umuulan ng tres iyon pero ano naman? Ang mahalaga ay nakapasa ako at nairaos ko ang second year college nang walang bagsak. Achievement na iyon para sa isang babaeng hindi katalinuhan at tanging ganda lang ang meron. Nag-send na nga rin ng screenshot ng grades nila ang iba ko pang kaibigan na sila Tamara, Eva at Alana. Tuwang-tuwa ako dahil wala ni isa sa amin ang nagkaroon ng bagsak. Ibig sabihin niyon ay magkakasabay pa rin kami next semester. Katulad ko ay puro pasang-awa rin ang grade ng pinakamalapit kong kaibigan na si Tamara. Siguro kaya magkasundo kami kasi pareho kaming ganda lang ang meron. Utak namin ay madalas na sa kalokohan lang gumagana. Si Eva naman, may mga tres din pero kahit papaano ay may ibang grades na mas mataas kumpara sa amin. Si Alana naman ay siyempre, umuulan ng uno. Wala naman ng bago roon. “Wow ha? General average mo, tres din. I’m so proud of Alana!” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Itinuro ko ang sarili ko at takang-takang tumingin sa kanya. “Mom, ako ang anak mo ah? Grades ko ‘yan,” wika ko. She grinned at me and put her arms over my shoulders. We walked together towards the dining area. “Siyempre, mas proud ako sa’yo anak. Mana ka ata sa akin ‘no? Pasado ka at masaya na ako roon. Ganitong-ganito rin ako noong college at natutunan ko na okay lang naman kahit ganyan ang grades. Ang mahalaga, maganda tayo. Iyon naman ang unang nakikita ng tao, hindi ang grades mo,” natatawang sabi ni Mommy. “Pero proud din ako kay Alana. Akalain mong nabuhat kayong magkakaibigan? Bilib na talaga ako sa batang ‘yon. Sabihan mo siya, pumunta kamo siya rito at ipaghahanda ko siya ng paborito niyang pagkain,” dagdag pa nito. Nakahanda na ang pagkain namin pagkarating sa lamesa. Magkaharap kaming naupo ni Mommy sa isa’t-isa saka nag-umpisang kumain. Nakita kong umupo ito nang tuwid at bahagyang nag-unat saka napahawak sa kanyang likuran. “Nanakit na talaga ang likod ko. Feeling ko kailangan ko na itong ipa-check sa doctor,” nanghihinang sabi nito. “Huwag mo na sanang galawin, Mom. Mamaya ay mabugbog pa. Napano ka ba?” kuryosong tanong ko rito. “Nahulog ako sa hagdan kahapon habang pababa sa sala.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. Halos mabitawan ko ang kutsarang hawak ko saka tumayo at lumapit sa kanya. I checked her head and other parts of her body. Natataranta ako dahil baka napano na siya at hindi niya manlang naisip na magpunta kaagad sa ospital kahapon! Maya-maya ay napansin ko ang pagpipigil nito ng tawa. Napaatras ako at salubong ang kilay na tumingin sa kanya. “So sweet, Shienel. May concern ka pala sa akin,” mapang-asar na sabi nito bago tuluyang humalakhak. “Mom! You fell on the stairs! It’s not funny.” Lalo itong tumawa at napailing. Nanggigil ako bigla. Mabuti na lang at si Mommy ito dahil kung nagkataong isa sa mga kaibigan ko ito, baka sinakal ko na ito sa leeg. Ang hirap kapag nagmana sa makulit at mapang-asar na nanay! Palagi na lang niya akong napagdidiskitahan. Palibhasa kasi ay bukod sa mga katulong, kaming dalawa lang ang naging magkasama mula pa noon. Kung bakit ba naman hindi pa umuwi si Tito Leandro. Pakiramdam ko talaga ay sa kanya ko namana ang pagiging loka-loka!  “Sobrang seryoso mo naman! Biro lang naman iyon. Baka nangalay lang or something. Iniisip ko nga kung dapat ba akong magpa-massage na lang dahil baka lamig lang ang mga ‘yan o dapat na akong dumiretso sa doctor. Halos isang linggo na rin kasi ito.” Sumubo ito ulit ng pagkain na parang walang nangyari. Bumalik ako sa aking upuan at pinakalma ang sarili. “Much better if you visit the hospital. Mamaya kapag nagpamasahe ka ay lalong lumala at hindi ka na makalakad,” suhestiyon ko. “Probably. Sige, samahan mo ko ha? You’re already in vacation right? Wala kang gagawin kundi humilata buong araw at tumunganga sa cellphone mo. Kaya naman para magkaroon ka ng silbi, alalayan mo na lang ako sa ospital,” pabirong sabi ni Mom.  Nang matapos kaming kumain ay hindi na ako nag-abala pang maligo. Pagkauwi na lang namin galing sa ospital para lahat ng germs at virus na makukuha ko roon ay matanggal. Simpleng damit lang ang suot ko. Halos pinapambahay ko na iyon pero wala naman akong pakialam. Chaperone lang naman ako ni Mommy. Gagawin niya lang akong tungkod niya. Itinali ko lang rin ang buhok ko sa isang messy bun. Walang suklay-suklay. Walang ligo at walang make-up. Hindi ko naman kailangan mag-effort para maging maganda? Saka sinong papagandahan ko roon? Mga may sakit? Mga nanghihina? Baka ubuhan lang nila ang ganda ko roon. Inalalayan ko si Mommy papasok sa sasakyan. Nakahinga ito nang maluwag nang makaupo ito sa loob ng sasakyan. I could see that her back was really aching. Hindi ko na lang napigilang mapailing. Baka signs of aging na talaga ito. Hindi ko lang sinabi kanina dahil baka mabatukan ako bigla. Pagkarating sa ospital nagpakuha na lang ako kaagad sa driver namin ng wheelchair para hindi na mahirapan si Mommy sa paglalakad. Ang driver muna namin ang nagtulak sa kanya hanggang sa makarating kami sa entrance ng ospital. Kinailangan ko munang ilista ang pangalan namin ni Mommy roon sa record book saka kami hinayaan na pumasok. Naglakad ako habang maingat na tinutulak ang wheelchair ni Mommy papalapit sa bakanteng upuan. Mukhang doon kasi ang waiting area. May mga nakikita akong nurse na lumalapit sa mga naroon at hihintayin na lang namin na kami na ang mapuntahan para masabi ang problema ni Mommy. Medyo maraming tao kaya’t kapansin-pansin na tumatagal ang paghihintay namin. Abala si Mommy sa kanyang cellphone habang ako naman ay tinatawag na ng kalikasan. “Mom, I’ll just go to the bathroom, okay?” paalam ko rito. Tumango ito nang hindi manlang tumitingin sa akin. Aba, busy! Mukhang ka-chat ang kanyang boyfriend. Nakatingala ako habang abala sa pagtingin sa signs kung nasaan ang malapit na banyo. Ramdam na ramdam ko na ang nalalapit na pagsabog ng pantog ko. Habang nakatingin ako sa taas ay hindi ko na masyadong napansin ang dinadaanan ko kung kaya’t nabangga ako ng kung sino. “I’m so sorry…” mahinang saad ko sa kaharap. Bumaba ang tingin nito sa akin at wala pang dalawang segundong sumulyap bago seryosong tumango at nilagpasan ako. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. He was wearing a long, white coat and a stethoscope around his neck. He was walking gracefully. Kitang-kita ko ang pagsunod ng mga mata sa kanya ng mga babaeng nalalagpasan niya. Hala bakit? Gwapo ba? Hindi ko masyadong natignan ang mukha niya! Sayang naman kung gwapo at hindi ko manlang natitigan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD