Third Person POV Maagang dumating si Arvill sa Aguilar estate kinabukasan. Hindi siya ang tipo ng taong nale-late sa trabaho, lalo nan ga at unang araw niya bilang isa sa personal bodyguards ni Marcus Aguilar. Hanggang ngayon ay namamangha siya sa lawak ang bakuran ng mansyon. May mga armed personnel sa gate. May CCTV sa bawat sulok. Disiplinado ang kilos ng mga tao sa loob. Hindi basta-basta makakalapit sa lalaking iyon. Sa loob ng security quarters, walong mas batang bodyguards ang bagong batch at kasama siya roon. Lahat nasa late twenties hanggang early thirties. Matitipuno. Sanay sa paggamit ng armas. Mukhang maalam din sa surveillance. Pero bukod sa kanila, naroon din ang mas nakatatandang mga tauhan… nasa kwarenta at singkwenta na. Mga beterano na sa ganitong larangan. Mga l

