Aviona’s POV Nagising si Aviona sa mahina ngunit tuloy-tuloy na liwanag ng umaga na sumisilip mula sa malalaking bintana ng hotel suite. Sandali siyang nanatiling nakahiga habang nakatitig sa kisame, tila sinusubukang alalahanin kung nasaan siya. Hindi iyon ang kisame ng apartment nila. Hindi rin iyon ang silid niya. Unti-unti, bumalik sa isip niya ang nangyari kagabi… ang pagtakas niya mula sa apartment, ang muntik na pagkakabangga sa kaniya ng isang sasakyan, at ang pagkikita nila ni Deckard pagkatapos ng maraming taon. At ang desisyon na ginawa niya. Ang pagpayag niyang makasal dito upang pagbigyan ang huling hiling ng lola nito. Napapikit siya sandali, saka dahan-dahang bumangon mula sa kama. Nakasuot pa rin siya ng maluwag na damit na ibinigay ng hotel kagabi. Tahimik ang buong

