“Ten million?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Tumango si Deckard, seryoso ang mukha. “Kapag kulang pa, sabihan mo lang ako.” “Ang laking halaga na no’n!” halos mapapiksi si Aviona sa kinauupuan. “Wala iyon, kumpara sa sakripisyong gagawin mo para sa akin at sa lola ko…” simpleng sagot ni Deckard. Hindi naman nakaimik si Aviona kasi hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gayunpaman, malaking halaga iyon para makapagsimula siyang muli. Kaya ko ba talagang iwan nang tuluyan si kuya? Kung sana ay susuko siya, baka mas maging magaan sa amin ang lahat. Sigaw ng puso at isip niya. “Aviona, huwag mo nang tanggihan. Think of it as a simple gift from me…” nakangiting saad pa ni Deckard dahil hindi nakaimik si Aviona. “Simple gift, sampung milyon? Kung magsalita ka, parang sampung libo l

