Haeron's POV
Gino doesn't take it seriously, he doesn't pay attention to what I told him earlier. I was annoyed when he walked away from me, so I pulled him closer to me and locked him in my arms. I had a chance to see his face up close, so I took advantage of it and brought my face closer to his. I can see he's embarrassed, then he forced himself to struggle from me. But I did not let him go and moved my body closer to him even more. That caused him to bend down and avert his gaze from me. I smiled.
I realized and went back to my point. My emotions changed to seriousness and then I faced Gino again.
"What about you, Gino? How do you feel about me?” I seriously question him.
I don't know but, I want to know how he really feels. Even though we don't know each other that well, but for me, I've wanted him for a long time. I looked for him, and now that he was in front of me, I couldn't wait any longer. I want to know his answer, and if he doesn't want to, I'll start waiting there again.
"Huh? Wala, you're just working in my cafe and nothing else. So let me go, you crazy bast*ard!" he said.
So that's his answer. I know I'm in too much of a hurry, I also hurried to kiss him and I admit I was wrong. I decided, I won't bother him anymore. I will start again from the beginning, I will wait again. From now on, I will slowly do everything to get him and his heart.
"Yeah, that's right. Sorry," I apologized and let go of him.
"I am good now, thank you for taking care of me. I'm going to take my leave now," I said and vowed to him.
"W-wait! Your medicine. Take it before you leave," he said and gave me the medicine.
I took it and then drank it.
"Will you be able to drive?” he asked worried.
"Yes. I'll get going now," I said and smiled to him.
"Ah-, okay," he responded and he seems worried.
I took the key out of my pocket and started the car. I turned to him again but he still did not go inside. I waved goodbye to him and left.
Gino's POV
Ano bang problema ni Haeron at bigla na lang siya nagkagano'n? Umalis na lang bigla eh may sakit pa nga! Hindi ko dapat hinayaan 'yun eh, haysst!
Nagbago ang emosyon ko at naging seryoso.
Now I know Haeron is gay too. He just confessed to me now, and he seemed serious. I didn't take him seriously earlier because I know where it'll end. Alam kong sa huli, hindi niya rin gugustuhing magustuhan ako. I don't want to be affected by my past anymore. I promised myself after that day, that I will never be loved again. I don't want to love another man anymore because I don't want to be hurt again. Hindi ko na isusugal pa ang buhay ko sa alam kong isa na namang pagkakamali. Haeron is a good man, kaya ayaw ko siyang madamay.
I just took a deep breath after I clarified my decision. Tumingin ako sa relo kung anong oras na, it's past seven o'clock. Late na para mag-open ng Café ngayong umaga,
ite-text ko na lang si Haeron na mamayang 12 na kami magbubukas. Saka para na rin makapagpahinga ang lalaking 'yon. Napatingin ako sa dining table at nakita ko 'yung pinagkainan ni Haeron. Hindi niya man lang inubos 'yung soup na niluto ko para sa kaniya, tch! At bakit naman nakarating 'yung kutsara sa upuan?! Hayss, talaga nga naman. Niligpit ko na ito at saka hinugasan. Tinignan ko na rin 'yung sinampay ko sa labas, nando’n pa ang damit ni Haeron. Dalhin ko na lang siguro mamaya sa Café kapag natuyo na.
Naisip ko rin na gumawa ng poster para sa pagha-hire ng empleyado. Nahihirapan pa rin talaga kami ni Haeron kahit dalawa na kami sa Café. Nilagay ko dito 'yung number ko para sa'kin sila mismo tatawag. Speaking of number... Nakalimutan kong kunin 'yung number ni Haeron! Pano ko siya ite-text mamaya?!!!!! Arghh! Gino you're really a peachy man with good at forgetting!
Pano ko ngayon mako-contact si Haeron? Kainis naman! Hayaan na ngang ako na lang muna mag-isa mamaya at may sakit naman siya, hayy. Inasikaso ko na muna 'yung hiring poster bago ako magluto ng lunch.
Ilang oras ang nakalipas at nakapagluto na ako, nagluto ako ng roasted chicken at masaya naman ako dahil masarap naman ito. Pinakain ko na rin si Churos para sabay kami mag lunch. It's already 11 kaya medyo binilisan ko na. Muntik ko pa makalimutan 'yung damit ni Haeron kaya 'yun muna ang inasikaso ko bago ako maligo. Tinupi ko ito ng maayos at nilagay sa paper bag. Magagalit kaya siya kapag naamoy niya 'to? Nasanay kase ako na nilalagyan ng peach perfume ang damit ko bago tupiin, at aksidente ko namang nai-spray-an ang damit niya. Bahala na nga mamaya, basta malinis at mabago 'yan! Aba! Choosy pa ba siya?
Nagsimula na namang maglikot si Churos,kaya binilisan ko na at nilagay sa taas 'yung poster at paper bag para hindi niya sirain.
Mabuting dalhin ko na lang ang damit niya para kahit 'di siya dumating mamaya, sa Café niya na lang kukunin. Yosh! Pumunta na ako sa CR at naligo na dahil may 30 minutes na lang ako para makapag-prepare. Aalis ako ng 11:40 para maaga akong makapagbukas ng Café.
15 minutes ako naligo at nagmadali nang mag-ayos ng sarili. Minsan inaabot ako ng 20 mins pag naliligo dahil gusto ko maalis lahat ng dumi sa katawan ko. Ginagawa ko lang 'yon kapag maraming time sa umaga. Naglagay na ako ng sunscreen, syempre peach scented din. Hindi mawawala sa routine ko ang sunscreen, lalo na sa mukha ko. Kahit nga umuulan naglalagay ako eh, 'di ko alam basta nakasanayan ko na lang. Pagkatapos ay nagpabango na ako saka bumaba na para magpaalam kay Churos.
"Churos? come here to daddy," tinawag ko siya.
Lumapit naman ito at inamoy-amoy ako. Natuwa naman ako dahil ang cute niya. He has soft curly hair with khaki color. I adopted him when I saw him on the side of the road. He was inside the box then and he was still a puppy. I don't know why they threw this cute dog there then. But now he has a good life with me and I am also happy because he is with me.
"Be good here while I'm gone and protect our house, Churos. Haha," sabi ko habang hinihimas siya.
Umalis na ako sa bahay at nagmadali na pero bago 'yon, chineck ko muna 'yung mga dadalhin ko kung kumpleto na. 10 minutes before 12 nagmadali na ako.
In the Café...
Tama nga ako at wala pa si Haeron pagdating ko dito. Dinikit ko na agad 'yung hiring poster na na-print ko kanina sa may pinto. Maya-maya pa ay may customer na na pumasok at naging busy na ako dito.
May isang matandang customer ang lumapit at um-order.
"Isang Cappuccino at Honeypancake," sabi niya.
"Ok sir," sagot ko.
Ginawa ko na agad 'yung coffee bago nagluto ng pancake. Maya-maya ay inabot ko na ito sa matanda saka inasikaso 'yung mga cookies. Hindi ganoon karami ang customers at kaya ko lang silang asikasuhin lahat. Karamihan ang ino-order ay mga drinks dahil tanghaling tapat ngayon, pero 'yung matanda kanina ay nagkape pa. Napilitan tuloy ako gumawa ulit ng kape.
"Ano ba naman itong kape niyo! ang pangit ng lasa!" sigaw ng matanda.
Nagulat ako nang biglang sumigaw ang matanda. Lumabas ako kaagad para tingnan ang nangyayari. Bumungad sakin ang nagkalat na basag na baso sa lapag at natapon na kape. Ang mga tao ay nakatingin na sa matanda kaya pinuntahan ko na ito.
"Sir, ano pong problema?" tanong ko sa matanda.
"Yung kapeng binigay niyo sakin ang sama ng lasa!" sigaw niya sa mukha ko.
"Ay sige sir, palitan ko na lang po," sabi ko habang kinakabahan.
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, hindi ko alam na gano'n pala kasama ang lasa ng kapeng ginagawa ko for the past two years. Natatakot na ako dahil nagwawala na 'yung matanda, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinulot ko na 'yung mga nagkalat na bubong, sa sobrang kaba binilisan ko na kahit nakakamay lang ako.
"Sino ba ang gumawa sa kape ko?!" pasigaw na tanong ng matanda.
Natakot na ako dahil galit na galit na talaga 'yung matanda. Nanginginig na ako habang nagpupulot ng bubog kaya bigla akong nasugatan sa may hintuturo ko.
"Ah sir, ako po ang gumawa ng kape niyo," sabi ko habang nakayuko sa matanda.
"Hindi mo ba kayang gawin 'yan ng tama?! Nagtatrabaho ka dito tapos ganiyan ka kung gumalaw! Ang lamya-lamya ng kilos mo! Para kang babae eh may law*t ka naman!" sigaw niya sa akin.
Umiiyak na ako at lahat ng tao nagsisi-tinginan na sa amin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapatulan ngayon 'yung matanda. Nanguna ang takot ko kaya hindi ako makapagsalita.
"Sir wag na po kayo mag eskandalo dito," sabi ng isang babae sa gilid malapit samin.
"Siya ang mali dito! Bakit ako ang pinapatahimik niyo?!" lalong nagalit ang matanda at kumuha ng isang bubog. Nag-panic na ang mga tao dahil sa hawak niya. Lumapit siya sa akin sabay tinaasan ako ng kamay niya na may hawak na bubog. Natakot ako at yumuko. Naririnig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid namin. Naaninag ko na hahampasin niya na ako nang may biglang nagsalita.
"Sir, huminahon kayo. Hindi na tama ang ginagawa niyo,"
Narinig ko ang kalmadong boses at namukhaan ko si Haeron. Hawak niya ang braso ng matanda na may hawak na bubog. At hinarangan ako ni Haeron para protektahan sa matanda.
"Ano? Bakit ka ba nangingialam?!" sigaw ng matanda kay Haeron.
"Sir, para saan po ba ang pagkakape pagkatapos uminom ng alak? Natural lang na sasama ang lasa ng kape niyo. Kaya kahit saan niyo tingnan, kayo ang mali dito," mahinahong sabi ni Haeron.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ulit ng matanda.
tanda sabay alis.
"Amoy alak kayo sir. Kapag inereklamo ko kayo sa mga pulis, siguradong makukulong kayo," matapang na sabi ni Haeron.
Nakahinga ako ng maluwang pero hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng binti ko. Hindi tuloy ako makatayo.
"Gino, you're hurt!" nag-aalalang sabi ni Haeron sabay hawak sa kamay ko na nasugatan kanina.
"Can you stand?" tanong niya.
"Ah- I can't," sinabi ko ang totoo.
"Ok, it's alright. I'll carry you," he said calmly.
Binuhat niya ako na ang mga kamay ko ay nakakapit sa leeg niya. Para kaming magha- honeymoon sa pagkakabuhat niya sa'kin, nakakahiya tuloy sa mga tao dahil nakatingin sila sa amin. Pumasok kami sa kitchen area dahil do'n nakalagay 'yung first aid kit. Ibinaba niya ako ng marahan sa upuan at saka kinuha niya 'yung kit.
Kumuha siya ng bulak at binasa ng tubig, saka nilinis ang sugat ko. Pagkatapos ay sinunod niya ang bandaid at inilagay sa sugat ko.
"Ok ka na ba?" he said worried.
"Y-yeah," sabi ko naman.
"You're still trembling," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Sorry I came late because of the traffic," he continued.
Nagulat naman ako. Pano niya nalaman na magbubukas ako ng 12.
"Hindi naman kita sinabihan na magbubukas ako ngayon ah, pano mo nalaman?" tinanong ko siya.
"I just predicted you would open today," paliwanag niya.
"Ah- you're still sick, kaya bakit pumasok ka pa?" tanong ko.
"I told you earlier, I'm ok now," he said.
This man, he really knows when to show up.
"Thank you Haeron. Kung 'di dahil sayo baka nagsara na 'tong Café," I thanked him.
"It's alright, I'm always here and please don't joke like that," he said.
"Oo nga pala, pano mo naman nalaman na lasing siya? Di ko nga siya naamoy kanina kahit may aircon na eh," tanong ko.
"Gano'n talaga kapag magaling ka sa pagtitimpla ng kape, matalas ang pang amoy," he said proudly.
"Sus, nagmayabang na naman," I said.
"Totoo nga, haha," he said and smiled.
Gumaan na ang loob ko pagtapos ng pag-uusap namin. Naging ok na din ako at hindi na nanginginig. I'm with Haeron so I feel comfortable now. He also calmed the people inside the Café. Magaling siyang makipaghalubilo kaya naman ang laki ng itinulong niya.