CHAPTER 4 : CONFESSION

2136 Words
Gino's POV Tumakbo ako sa taas papuntang kuwarto habang nanginginig ang buong katawan ko. Sinara ko ang pinto at ni-lock ito, sumandal ako sa likod ng pinto at saka napaupo. Hindi ko na nakayanan ang bigat ng katawan ko dahil sa kaba kaya napatumba na lang ako. Dahil din sa takot kaya hindi ko na napigilang umiyak. "What the heck is that?" sabi ko habang pinu-punasan ang mga luha ko. Hindi ko inakala na gagawin niya 'yon. Ano ba ang nasa isip niya at bigla niya na lang akong hinalikan? Hindi, lasing lang siya kaya niya 'yon nagawa. Tama! Kumalma ka lang Gino, alam mo namang wala siya sa normal niyang pag-iisip. Kaya bakit naman niya hahalikan nang basta-basta lang ang isang lalaking tulad ko? Hindi niya alam ang ginagawa niya! Oo, Gano'n nga! Pinilit kong tumayo dahil inaantok na ko at gusto ko nang humiga sa kama. Nalasing din siguro ako kaya ang bigat ng mga mata ko. Kumapit ako sa may paanan ng kama at saka tuluyang nakapunta ro'n. Humiga na ako at unti-unting ipinikit ang mga mata ko. Haeron's POV Nag-alala ako nang makita ko na umiiyak si Gino at hindi ko man lang siya nagawang habulin. Naiinis ako sa sarili ko, now that we are close to each other and then I made him angry again, I am really a jerk. Nakaramdam na ako ng antok sa sobrang kalasingan kaya humiga na ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakapikit na ang mga mata ko at saka nakatulog. Kinabukasan... Gino's POV Tumila na ang ulan, nagising ako sa sinag ng araw. 'Di ko pala naibaba ang kurtina kagabi. Bumangon na ako pero mabigat pa rin ang katawan ko at medyo masakit rin ang ulo ko. Hindi ko na ito ininda at pinilit kong tumayo na. Pagkakita ko sa pinto, nagtaka ako bakit naka-lock ito. Hindi naman ako naglo-lock ng pinto kaya napaisip ako. At saka bumalik ang mga alaalang nangyari kagabi. Oo nga pala, ang lalaking 'yon. Naiinis ako at gusto ko na siyang gantihan kaya bumaba na ako para turuan ng leksyon ang lalaking 'yon. Pagka-baba ko ng hagdan, sumalubong agad sa akin si Churos kaya binuhat ko ito para hindi na magligalig pa. Pinuntahan ko na si Haeron sa sala at bumungad sa akin ang nagkalat na lata ng mga beer. Si Haeron ay nakahiga pa habang yakap ang sarili. Hindi ko pala siya nabigyan ng unan at kumot at saka naisip ko rin na malakas ang ulan kagabi kaya sobrang lamig. Dali-dali akong bumalik sa itaas at kumuha ng kumot. Ibiniba ko muna si Churos dahil sobrang kulit. Kinumutan ko na si Haeron ngunit bago 'yon. Napansin kong medyo maliit sa kaniya 'yung pajama na ipinahiram ko. Napangiti na lang ako sa itsura niya ngayon. Ibinaling ko ang tingin ko sa mukha niya at pinagmasdan ito. Ang amo ng mukha niya pag tulog at hindi mukhang suplado. Pero kung tutuusin mabait naman siya sa 'kin, gentleman din naman kaya di ko maitatanggi 'yon kumpara no'ng unang pagkikita namin. Tinitigan ko ang mga pilik-mata niya, natawa ako dahil manipis at maikli ang mga ito kaya naman nagmumukha siyang singkit lalo. Nagulat naman ako nang bigla siyang gumalaw, naingayan siguro sa 'kin. Dahan-dahan akong lumayo mula sa mukha niya at saka tumayo. Niligpit ko na muna ang mga kalat sa table. Naisip ko na kumuha ng garbage bag para sa mga lata, kukunin ko na sana nang biglang may humawak sa kanang kamay ko. "Hmm, Gino..," sabi ni Haeron habang nakahawak sa kamay ko. "Angm songwi," dagdag niya pa. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, mukhang nananaginip pa ang lalaking ito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin at napansin kong mainit ang kamay niya. Nilapitan ko siya ulit at saka kinapa ang kamay niya, mainit ito kaya nilapat ko na agad ang kamay ko sa noo niya, mas uminit ito. Nilipat ko sa leeg niya para masiguro ko. Sobrang init niya nga talaga, kinabahan na ako at nag-aalala. Inisip ko na mas makakabuti na sa kama ko siya ihiga pero sa laki ng katawan niya syempre hindi ko kakayanin. Nilagyan ko na lang ng unan sa may ulo niya at pinaltan ang kumot niya ng mas makapal. Nagpakulo ako agad ng tubig sa heater para mas mabilis tapos ay nag-prepare na ako ng maliit na towel saka palanggana. Pagka-kulo ng tubig, inasikaso ko na ang mga kakailanganin. Bakit naman kasi ngayon pa siya nilagnat ng ganito, baka nag-aalala na ang pamilya niya dahil kagabi pa siya hindi umuuwi tapos ngayon naman nagkasakit pa, hayss. Pinuntahan ko na siya dala-dala ang maligamgam na tubig at towel. Tinanggal ko muna ang kumot niya saka damit niya. Papikit-pikit pa ako at halos namumula na ang buong mukha ko. Bakit ba nangyayari sakin 'to ngayon arghh. Tinapik ko ang mukha ko at nagsersoyo na, dahan-dahan kong pinupunasan ang katawan niya para hindi siya magising. Inumpisahan ko sa noo niya at sa leeg, sunod ay sa braso hanggang sa may kili-kili niya. Napansin kong kaunti lang ang buhok nito sa kili-kili at maninipis. Haystt ano ka ba naman Gino! Hindi ito ang oras para i-check mo lahat ng bahagi ng katawan niya ok. Mag-focus ka para matapos na 'toh. Huminga ako ng malalim at nagseryoso ulit, pinunasan ko na ang dibdib niya. Malaki ang dibdib nito at malambot, tapos ay tinuon ko ang pansin ko sa mga n*****s niya. Naging sanhi iyon ng pagpula ng ulo ko, naalala ko kasi bigla ang nangyari no'ng nakaraan at ayoko nang balikan pa. Sa totoo lang, hindi ako makapag-focus sa ganda ng katawan niya at nang papalapit na ang kamay ko sa may abs niya, napahinto ako saglit dahil nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ba. Wala naman akong masamang hangarin at pupunasan lang naman kaya bakit ako nagkaka-gan'to. Binilisan ko na lang at pinunasan ko na ito. Nadi-distract ako dahil kada punas ko ay may mga curve akong nadadama gawa ng abs niyang mala-bato sa tigas. Binihisan ko na siya agad pagtapos ko para hindi siya lamigin. Nahirapan ako sa pagbihis sa kaniya, ang laki kasi ng katawan at kahit braso niya ay sobrang bigat dahil sa muscles niya. Binasa ko ulit 'yung towel ng tubig saka inilapat sa noo niya at dumeretso na sa kusina. Nagpasiya ako na magluto ng corn soup para 'yon ang kakainin niya paggising niya. Chineck ko rin kung may gamot pa at buti na lang meron akong nakitang Paracetamol. Pumunta ako sa CR para kunin 'yung damit niya na nabasa ng ulan at labhan ito bago patuyuin sa labas. Kaya pala siya nilagnat dahil siya ang nabasa sa ulan kagabi at ako naman ang isinilong niya sa balikat niya. Nagi-guilty tuloy ako, binatukan ko pa kasi siya ng malakas kagabi eh at marami pang beses tapos paggising ko kanina, ang nasa isip ko ay gantihan ko pa siya. Kasalanan din naman niya kasi 'yon, bigla niya na lang akong hinalikan ng walang rason. Sabagay kasalanan ko rin pala dahil una pa lang, ako ang nag-alok sa kaniya na uminom muna ng beer bago matulog. Tch! Hayaan na nga at nangyari na basta ang mahalaga ngayon ay gumaling na si Haeron. Haeron's POV Pakiramdam ko parang may humahawak sa katawan ko, hindi ko pa maimulat ang mata ko dahil sobrang bigat ng ulo ko. Maya't maya pa, ramdam ko ang kamay na huma-haplos sa noo ko, it felt nice and warm. I feel like I want that hand to caress me even more. After a while it disappeared completely so I woke up. I slowly built myself up from lying down. Then I suddenly remembered Gino, I remembered what happened last night and I was very sorry for what I did to Gino. I immediately looked for him but I could not find him anywhere and I thought that maybe he was still upstairs and sleeping. When I went to the kitchen, I saw something that was being cooked on the stove so I approached to look, then suddenly remembered that Gino was awake. I went out to look for him but he was still not there. I went in because I felt dizzy, and suddenly someone ran into me. "Oh Haeron, anong ginagawa mo sa labas?" Gino said worried. Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari kagabi pero kailangan ko pa ring mag-sorry sa kaniya. "Gino uhm," I hesitated. "Hmm?" he listened. ”I'm sorry because I kissed you last night," sincerely I say. His emotions changed immediately and he still seemed angry with me. "You bast*rd! Of course I'm angry! But don't worry about that and just eat the soup I cooked so you can take your medicine," he shouted. I smiled because I know he's worried about me. I went to the table and sat down and I thought of teasing him. ”Why?" he asked. "My hand is too heavy, I don't have strength to move it,” I said. "Eh? Then I will help you, stay there," he said then took my soup. I'm glad it worked. I don't know but I just want him to worry about me and take care of me. I want him to always be by my side. He's feeding me the soup with care but I know he's not comfortable. Gino's POV Bakit naman kami nauwi sa gan'tong sitwasyon? Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya at hindi ako mapakali sa lugar ko. Hindi ko alam na gano'n na pala kalala ang lagnat lang at hindi na niya maigalaw raw ang braso niya. Baka naman nag-iinarte lang ang lalaking 'to at kailangan pa talagang subuan. Hayss pagbigyan ko na nga at may sakit naman. "Gino," he said. Nagulat naman ako at biglang nagsalita ang isang 'to. "What?" sagot ko. Pinagmasdan ko na siya at naging seryoso na ang mukha niya. "About the kiss," bigla niya na lang in-open ang tungkol do'n. "Huh?” hindi ko na lang pinansin. "How did you feel about my kiss?" seryoso niyang tanong. "Huh? Bakit bigla mo namang natanong 'yan?" nauutal kong sabi. ”I like you, Gino," he said. Napa-tulala na lang ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit nakaramdam na lang ako bigla ng inis. Hindi ko na maintindihan ang nasa isip niya, hindi ko siya mabasa. Pero hindi tama ang ganito, empleyado ko lang siya at wala ng iba. ”Anong pinagsasabi mo Haeron? Uminom ka na ng gamot," sabi ko saka tayo. Sinubukan kong ibahin ang topic dahil wala namang kahihinatnan ang usapang ito. "Gino, don't avoid me," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin at binigay na sa kaniya 'yung gamot niya. "I said I like you. Why are you avoiding me?" sabi niya. "Haeron naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo? We're both men! So stop that sh*t!" sigaw ko. "What's the problem then?" pagpupumilit niya. "Haeron please, just stop. You mentioned about the kiss? It's just a kiss and you're just drunk! at hindi mo dapat sinasabi 'yan ngayon," pilit ko siyang inilalayo. "I've known you for a long time and yes I've wanted you since then, now that I'm with you and I've met you, I want to tell you how I feel and that's how I want you," Haeron said. Huh? hindi ko maintindihan, ngayon ko pa lang siya nakilala at imposible ang sinasabi niya, naguguluhan na ako. ”What are you talking about?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya. "Your perfume, someone ran into me before and I didn't see his face, so I just remembered his smell and now that I've met you and smelled your perfume, I know you're the one I'm looking for," he told me. "What are you, in the fairy tale?" sabi ko naman. "Dahil lang do'n kaya ka nagkakaganyan? Ano ka ba naman Haeron, imposible 'yang pinagsasabi mo. Hindi kapani-paniwala," dagdag ko pa. ”I'm telling the truth, maniwala ka," pagma-makaawa niya. "Oh s'ya, sige na itigil mo na 'yang storytelling mo, " biro ko. " Can you just believe me? I have already said that what I am saying is true," he said. Hindi ko na siya pinansin pa at pupunta na sana ako sa sala nang bigla niya akong hinila at saka itulak ng marahan sa pader at kinulong ako gamit ang katawan at ang kamay niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at ramdam ko ang paghinga niya. ”What about you, Gino? How do you feel about me?" he whispered. "Huh? Wala, you're just working in my Café and nothing else so let me go, you crazy bast*rd!" I shouted. Hindi ako makawala sa kaniya, ang lalaking 'to talaga! Bakit ang lakas pa rin niya kahit may sakit siya, kung gano'n nag-iinarte lang pala siya kanina. This b*tch, he's really trying me huh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD