"Oh! he's coming," sambit ni Lex. Biglang nanigas ang katawan ni Camille at hindi siya makagalaw sa kan'yang kinauupuan. Nakadikit lamang ang mga mata niya sa pagkaing nasa kan'yang harapan, ni hindi niya magawang tingnan o sulyapan man lang ang direksyon ni Marcus. "Marcus!" nakangiting tawag ni Lex sa kaibigan. Nang makalapit si Marcus ay agad na pinulupot ni Valerie ang mga kamay sa braso ng binata na para bang pinapakita nitong pagmamay-ari niya ito. "What are you doing here?" tanong ni Marcus kay Lex na hindi inaalis ang mga mata nito kay Camille. "I came here to try their food and it's a coincidence meeting this lovely woman beside me," nakangiting sagot nito. Valerie rolled her eyes that made Lex chuckled in silence. "Why don't you join us? Kakasimula lang din naming kumain,"

