THE MORNING started to shine as Camille went out from her apartment. Sinadya niyang gumising ng maaga dahil dadaan pa siya ng bangko upang makapagwithdraw. Hindi na siya nag-abala pang gisingin si Kyle dahil mahimbing na mahimbing pa itong natutulog. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili at ihanda ang almusal ng kaibigan ay nagmadali na siyang lumabas ng kan'yang apartment. Kung kailangang iwithdraw niya ang lahat ng kan'yang naipon ay gagawin niya. Wala siyang ititira sa kan'yang sarili basta't makabawi lang kay Kyle at matulungan ito. Sa katanuyan ay kulang pa nga siguro ang lahat-lahat ng pera niya kompara sa naitulong nito sa kan'ya. Kaya panahon niya na ngayon upang makabawi rito. She will do her best to make it up to him. Gustuhin man nito o hindi. Pagkapasok na pagkapasok niya pa la

