"Sorry "di na ako nakapaglinis." Dali-daling isinilid ni Kyle sa basket ang mga pinaghubaran niyang damit na nagkalat sa sahig. May mga pinagkainan pa siyang hindi nahuhugasan at nakatambay lang sa labado. Gulo-gulo ang kama niya at may tatlong bote ng beer pang nakapatong dito. "Hindi, okay lang Ky." "Ilagay mo na lang diyan sa gilid 'yong mga gamit mo tapos bukas mo na ayusin. Nakatambak pa kasi 'yong mga damit ko sa kabinet 'di ko pa naaayos. Pero wag kang mag-aalala malaki pa ang space niyan kasya lahat ng damit mo." Tumungo si Camille sa kama at kinuha ang tatlong bote ng beer. "Naglalasing ka, Ky?" Kaagad namang kinuha iyon ni Kyle sa kamay ng dalaga at diretsong inihulog sa basurahan. "Hindi, ano lang… 'di kasi ako nakakatulog minsan kaya ano… kailangan kong uminom," pagsis

