"Sir, I'm sorry. Pinigilan ko po siyang 'wag pumasok pero nagpumilit talaga," kinakabahang sabi ni Tanya. "Iwan mo muna kami." Pinasadahan niya ng tingin ang babaeng nasa harap niya ngayon. Nakasuot ito ng school uniform. Maiksi ang palda nito at nakatupi ang magkabilang manggas ng uniporme. Nakalugay pa rin ang mahaba nitong buhok at makapal ang kolorete sa mukha. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa kan'ya habang ngumunguya pa ng chewing gum. She seems like a truant student who cuts classes and has failing remarks in all her subjects. "What are you doing here?" nakapang-abot kilay na tanong ni Marcus. "Wow ha! Gan'yan ba mag welcome ng bisita? Ang informal mo," natatawang sabi nito. Inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng kan'yang opisina 'pagkuwan ay umupo sa visitor's chair na katapa

