MAKABASAG pinggan ang ibinungad sa kaniya ni Jennie na isa sa malapit niyang kaibigan sa trabaho. Kasalukuyan silang nagre-retouch sa locker room nang mga sandaling 'yon at paunti-unting dumadami ang mga empleyado dahil na rin malapit na ang oras ng kanilang pagpasok.
"Sigurado ka ba talagang gusto mo nang mag-resign?" anito habang pinapahiran ng lipstick ang labi.
Napabuntong-hininga si Zionne bago pa man sumagot, "Kailangan, e. At saka hindi pa naman sa ngayon dahil hindi pa ako sigurado kung papayag si DM. Dipende pa rin 'to sa kalagayan nang ipinagbubuntis ko," mahina at kalmadong sagot niya. Pero hindi sinasadyang maririnig iyon ng grupo nina Ruzelle, Ella at Angel.
"Seryoso? Buntis ka?" Boses iyon ni Ella.
Hindi agad nakasagot si Zionne at sa halip ay hinayaan niyang makapagsalita pa si Ruzelle na animo'y hindi direktang sinasabi sa kaniya. "See? Kung sino pa itong tahimik, sila pa 'tong nasa loob ang kulo," wika nito. Sabay kinalabit naman ito ni Angel pero hindi ito nagpatinag at sa halip ay napa-irap lang sa kawalan. "I don't care, mas maganda nang marinig niya ang resulta nang kalandian niya!"
Gusto na sanang patulan ni Zionne si Ruzelle pero tila nawala ang inis na 'yon nang magawa siyang ipagtanggol ni Jennie. "Hoy, Ruzelle, watch your words, don't you think na nagre-reflect sa pagkatao mo ang sinabi mo?" ani Jennie. Doo'y sinamaan ito ng tingin ni Ruzelle at napatayo ito mula sa inuupuan.
"What the hell are you saying?" Sandali pa itong nagbalik ng tingin sa mga kaibigan bago pa panlisikan ng tingin si Jennie. "I guess, isa ka sa fan ni Zionne, 'yong magiging soon to be pregnant!" anito na naging ugat para magtawanan sina Ella at Angel. "And you." Inginuso nito si Zionne na pormal pa rin na nakatingin sa kaniya. "Anong pakiramdam na natikman mo na rin si Howard?" tila makahulugang anito.
"So it means may nangyari talaga sa inyo ni Howard?" dagdag pa ni Angel.
"Exactly! Magaling kang kumilatis, friend!" pagyayabang pa ni Ruzelle at saka hinawi-hawi pa ang buhok nitong mahaba kahit naka-pony tail.
Doon na nagsimulang magtalo ang isip ni Zionne, dala na rin siguro nang pagbubuntis ay mabilis na uminit ang ulo niya sa narinig. "Tama na!" napalakas na sabi niya habang todo naman ang pag-comfort sa kaniya ni Jennie.
"Zionne, umalis na tayo rito, don't mind them." At mabilis silang nakaalis ng locker room habang naiwan doong nagtatawanan ang tatlong magkakaibigan. Dahilan para maging usap-usapan si Zionne sa kabuuan ng locker room.
Samantala ay nakasabayan naman nina Zionne at Jennie si Paul na mag-in sa trabaho pero kagaya nang mga nakaraang araw ay naging malamig ulit ang pakikitungo nito sa kaibigan. At hindi maiwasang masaktan ni Zionne sa pag-iwas nito sa kaniya. "Hayaan mo na muna siya," pampalubag loob na sabi sa kaniya ni Jennie. Saglit siyang napangiti at napatango pero hindi niya maiwasang isipin ang nangyari sa locker room kung kaya't hindi siya makapag-concentrate sa pagtatrabaho. At para medyo makaiwas masungitan ng customer dahil sa paglutang ng kaniyang isip ay nagpasya siyang magpunta ng stock room. Subalit pagpunta niya ro'n ay hindi niya inaasahan na makikita ng dalawang mata niya na masayang nag-uusap sina Ruzelle at Howard. Ang mas ikina-inis pa niya ay ang makitang nakahawak pa sa braso ng kaniyang nobyo ang dalaga. Hindi niya masyadong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa pero nakikita niyang masaya si Howard sa presensya nito.
Napabitiw lang si Ruzelle sa pagkakahawak sa kaniyang nobyo nang makita nito ang pagdating niya. "O, Zionne--" natigilang sabi ni Howard na magpapaliwanag sana.
"Ah, excuse me, aakyat na rin ako, Howard," pagpapaalam nito sa kaniyang nobyo.
"Walang aalis," pag-uutos niya na ikinatigil naman ni Ruzelle. Sandali itong napairap bago pa man bumalik sa puwesto nila.
"At bakit? Mahalaga ba ang sasabihin mo para pigilan akong umalis?" anito habang pinagpapalitan lamang sila ng tingin ni Howard.
Napailing si Zionne bago pa man nilingon si Ruzelle. "Hindi ganoon ka-importante pero nasisiguro kong babaliktad ka riyan sa kinatatayuan mo," pang-iinsulto niya na nagpataas ng kilay ni Ruzelle.
"Teka, ano bang nangyayari? Kailan pa kayo naging magkaaway, hah?" singit ni Howard sa usapan.
"Simula lang naman nang makialam siya sa buhay ko," sagot ni Zionne nang hindi inaalis ang tingin kay Ruzelle. Doo'y piniling hindi sumagot nito at sa halip ay nag-ala-anghel ang mukha nito na kanina'y hindi makababa ang kilay. "Howard, sabihin mo nga sa harap nitong ilusyunada at ambisyosang babae na 'to na wala pang nangyayari sa inyo!" mariin ngunit mahinahong pagkakasabi niya na naging dahilan para matameme ang dalaga. Sa pagkakataong iyon ay ayaw niyang ipakita na mahina siya at basta-basta na lang nagpapatalo.
Napangisi itong si Howard at pinandilatan ng mga mata si Ruzelle. "What the hell are you saying, Ruzelle? At bakit naman ako papatol sa'yo? 'Ni hindi nga kita pinormahan!" sampal na sabi nito kay Ruzelle, dahilan para mapayuko ito. Batid kasi ni Zionne na walang naging relasyon ang dalawa pero gusto niya pa ring klaruhin kung may naging s****l i*********e pa rin sa kabila no'n. Pero sino ba namang manloloko ang umamin sa kaniyang sariling kamalian?
"Pero muntikan na--" natigilang sabi ni Ruzelle. Hindi inaasahan ni Zionne ang magiging katwiran nito kung kaya't namuo ang pagdududa sa kaniya.
Nagtangis ang bagang ni Howard at sa pagkakataong iyon ay napalakas na ang boses nito. "Dahil lasing ako at tinangka mo akong akitin! Ruzelle, may pagkababaero ako no'n pero for pitty's sake! Hindi ko kayang galawin ang isang babae lalo na't wala akong nararamdaman."
Napangisi lang si Ruzelle at saka nakatingin pa rin ng tuwid kay Howard bago sinabi ang mga katagang, "Sigurado ka? Baka kapag naghubad ako sa harapan mo ay kainin mo 'yang sinabi mo," pang-iinsulto pa nito na lalong nagpakunot ng noo ni Zionne.
I-iling-iling na tumingin sa kaniya ang binata bago pa nito muling hinarap ang nobya na malabo pa rin ang mga impormasyon na narinig. "Zionne, hindi mo ba nakikita na inaakit lang ako nito? Siya lang naman ang dikit nang dikit sa'kin, e."
"Ayon na nga, e. Inaakit ka na, gustung-gusto mo pa. Akala mo ba ay hindi ko nakita ang malaking ngiti mo kanina?" sabi pa ni Zionne.
"Zionne, ikaw lang ang mahal ko. Oo, maganda si Ruzelle pero ikaw lang ang nilalaman nito."
"Ikaw na ang nagsabi na maganda siya kaya hindi malabong patulan mo siya."
"Zionne--"
"Tama na! Hindi ko na alam kung sino ba ang paniniwalaan ko sa inyo, mahal kita, Howard, pero sana naman alam mo ang limitations mo kapag may nobya ka na-- at magiging ama na." At nang matapos niyang sabihin iyon kay Howard ay doon niya lang binalikan ng tingin si Ruzelle. Dahil hindi pa rin niya maiwasang mainis, lalo na't nagsi-sink in pa rin sa utak niya ang mga sinabi nito sa kaniya sa locker room. "At ikaw, kung makahusga ka sa'kin na malandi ako, e, ikaw pala 'tong mas malandi!" At doo'y padabog siyang umalis doon, naririnig pa niyang nagtatalo ang dalawa pero ipinagsawalang-bahala niya na lamang iyon.
-
Walang gana siyang kumain nang sumapit ang lunch break at kamukat-mukat ay nakita na naman niya si Ruzelle kasama ang mga kaibigan nito. Taas kilay na naman ito nang lampasan nito ang table niya. Mabuti na lamang at biglang dumating si Jennie.
"O, buti nakasunod ka kaagad," puna niya rito.
"Oo nga, e, alam mo naman kapag may matanong na customer, kailangan mong sunggaban ng sagot," wika pa nito na lalong nagpapagaan ng loob niya.
"Alam mo, Jennie, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo."
Namilog ang mga mata nito. "Teka, para saan naman?"
Napangiti si Zionne at saka sumagot. "Simula pa lang kanina sa locker room at.. ngayon."
"Naku! It's my pleasure at saka hayaan mo na nga ang mga gano'ng tao. Masyadong maikli ang buhay para pag-aksayahan sila ng oras." Pagkatapos sabihin iyon ni Jennie ay napuna naman nito na tila hindi nakikinig sa kaniya si Zionne at sa halip ay nahuli niya pa itong masama ang tingin sa grupo nila Ruzelle. "O, don't tell me, nagpapaapekto ka na naman? My goodness, Zionne, isipin mo rin ang dinadala mo, okay?"
Napabuntong hininga si Zionne at bago pa man siya makasagot ay isang boses ang nakapagpalingon sa kanila ni Jennie.
"Zionne, I'm really sorry, please forgive me.."
Napabitaw siya sa kutsara't tinidor na hawak at hinayaang umupo sa harapan niya si Howard. Nagawa pa nitong iabot ang black forest shake na paborito niya. Habang nagbigay naman ng nagtatanong na tingin si Jennie. "P'wede bang mamaya na tayo mag-usap, maraming tao," pakiusap niya rito nang hindi nililingon sa mga mata ang kasintahan.
Napabuntong hininga si Howard. "Okay, pero sana inumin mo 'yan." Inginuso nito ang shake na hindi pa niya ginagalaw. Napatango naman siya at saka nagpasya itong umalis. Hindi niya na ito nagawang tawagin kahit sa loob niya'y gusto niya pa itong makita.
Itutuloy..