Chapter 9

1583 Words
NAALIMPUNGATAN si Zionne nang namumugto ang mga mata. Pasado alas onse na ng gabi pero sariwa pa rin sa kaniya ang pinag-usapan nila ni Howard pagka-out sa trabaho. Aaminin niyang nagkataasan sila ng boses nito at labis iyong nagdulot ng kalungkutan sa kaniya, dahilan para umiyak siya nang umiyak nang makauwi sa apartment na tinutuluyan. Pinili rin niyang hindi na magpahatid sa nobyo kung kaya't wala siyang ideya kung nasaang lupalop ito naroroon. Tumayo siya upang kumuha ng maiinom sa refrigerator. Ilang saglit pa ay tumunog ang kaniyang cellphone at isang notification mula sa f*******: ang kaniyang nakita. Habang umiinom ng tubig ay sinabay niyang pagtagpuin ang kaniyang mata at ang cellphone na hawak. Lulan nang pagtataka ay nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita-- dahil isang post iyon mula kay Ruzelle na lalong nagpa-curious sa kaniya. Mabilis na tumambad sa kaniya ang litrato na ni-post nito. At kahit nanliliit ang kaniyang mga mata dahil sa pamumugto nito ay malinaw pa rin niyang nakita ang picture ni Howard at Ruzelle na magkasama sa iisang lugar, subalit hindi lamang sila ang magkasama kundi ang halos lahat ng empleyado mula sa ibang department. Sa litrato naman ay makikitang hindi naglalandian ang dalawa dahil hindi naman ito magkatabi sa litrato, marahil ay isang staff sa bar na 'yon ang kumuha ng picture. Nadismaya siya sa nakita at bago pa man siya tuluyang makabalik ng kuwarto ay muli na namang tumunog ang kaniyang cellphone. Howard is calling.. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at mabilis na sinagot ang linya. "Saang bar ka nag-iinom?" bungad niya kaagad dito at isang pagbuntong-hininga ang narinig niya mula sa nobyo. Kamukat-mukat ay nakakarinig din siya nang tahulan ng mga aso mula sa labas. "N-nandito ako sa labas," wika nito na halatang lasing na. Nagtaka siya kung bakit naroon agad si Howard sa labas gayong kakakita niya lang ng post ni Ruzelle. Pero naisip din niya na baka kanina pa ang litrato na 'yon at ngayon lang naisipang i-post. Ibinaba na niya ang linya nang walang kahit anong binitawang salita. Dahan-dahan siyang bumaba upang pagbuksan ng pinto ang nobyo. Dahil siguro sa kalasingan ay hindi na nito naalalang may duplicate ito ng susi ng kaniyang apartment. Pasuray-suray na ito sa paglalakad kung kaya't kahit may kaunti silang alitan ay nagawa niya pa rin itong alalayan hanggang sa makapasok sila sa loob. "Bakit ka ba kasi nag-inom nang sobra? Kita mo, hindi mo na pala kaya," wika niya habang pinupunasan ang suka na idinulot nito sa sahig. Alas-siyete pa ang oras ng out nila sa trabaho pero hindi niya akalain na magagawang mag-inom nito sa kabila nang hindi nila pagkakaintindihan. Kaya lalo siyang nakararamdam nang pagkasuya sa nobyo. "Zionne, m-mahal na mahal kita," tonong lasing na wika nito na kahit malayo ang sagot sa sinabi niya ay nagdulot iyon ng kaunting kiliti sa puso niya. Hinubad niya ang uniporme nitong nasukahan at kumuha ng oversized shirt na sasakto sa katawan ng nobyo. Nang binibihisan na niya si Howard ay hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha nito nang magdikit ang kanilang katawan dahil sa pag-ayos niya ng damit sa katawan nito. Nalanghap niya ang amoy alak na hininga nito maging ang init na dulot niyon, animo'y mas naaakit pa siyang titigan ang nobyo sa kabila ng inis na nararamdaman dito. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ito kung kaya't nagpasya siyang sa apartment na niya patulugin ang nobyo dahil sa kalasingan nito. At kahit nagtatalo ang kaniyang isip at puso na gawaran ito ng simpleng halik ay nanaig pa rin ang kaniyang pagmamahal para rito. Doo'y dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa labi nito at nang sandaling magdikit ay hindi niya inaasahang tutugon ito. Sandali siyang natigilan subali't sadyang malakas si Howard para hatakin siya papalapit muli sa mga bisig nito. "Howard.." tanging nasambit niya habang dahan-dahang gumagalaw ang labi nito mula sa labi niya. Hanggang sa napapikit na siya at tumugon na rin sa halik na 'yon. Mabagal at madiin ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi. No words needed just to prove how much they really missed and wanted each other. Sapat na ang sinasabi ng kanilang mga mata at pagtugon ng kanilang katawan sa kanilang tunay na nararamdaman. A night with eagerness between love and hate, a night that was made of intensity, heartfelt dedication and foundation of love. Oo, nagawa niyang patawarin si Howard kahit hindi pa klaro sa kaniya ang mga natuklasan. Dahil sa nangyari ay nagdesisyon ang dalawang magsama kahit na wala pa silang ideya sa buhay may asawa. At para makatipid na rin sa gastusin ay pinili nilang tumira sa ipinamanang bahay kay Howard ng kaniyang lola sa isang bayan ng Mandaluyong. May ilang mga gamit na naiwan doon katulad na lang ng upuan na gawa sa narra sa may salas at maging lamesa at upuan na yari sa plastic sa may kusina. Sa mga gamit naman na kakailanganin sa pagluluto ay wala na silang po-problemahin dahil may ilang mga gamit doon na sinadyang iwan ng kaniyang lola. Sadyang pinaghandaan talaga nito ang magiging buhay may asawa ng apong si Howard. "Howard, ang mga magulang mo, nasaan pala sila?" pagbubukas ni Zionne ng usapan habang nagwawalis siya sa loob ng kuwarto. Kahit minsan kasi ay hindi nabanggit ng kasintahan ang tungkol sa magulang nito sa kaniya. "Matagal nang patay si papa, si mama naman ay may iba ng pamilya," malungkot na wika nito na nagpahabag kay Zionne kung kaya't sandali itong napatigil sa ginagawa. "I'm sorry, wala akong ideya na broken family ka na pala at-- wala na ang 'yong papa." Tipid na ngumiti si Howard. "Ayos lang, at saka ayoko naman matulad ang nangyari sa pamilya namin sa pagsasama natin." Doo'y napangiti si Zionne at aaminin niyang mas lalo pa siyang na-inlove kay Howard matapos na marinig 'yon. Kaya naman lumapit siya sa nobyo at napayakap sa mga bisig nito. "Hindi mo alam kung gaano kasaya ngayon." "Ako rin." At nagpalitan sila ng ngiti sa isa't isa. Ipinagbigay-alam agad ni Zionne sa kaniyang best friend na si Wena ang kanilang naging desisyon. Kung kaya naman ay hindi maiwasang makarinig siya ng komento mula rito. "No offense, best, hah? Pero hindi talaga ako kampante kay Howard, e. Tingin ko ay lalabas pa ang ugali niyan, pero ano pa nga bang magagawa ko? Mahal mo, e," anito mula sa kabilang linya. Naiintindihan niya naman kung bakit ganoon ang nasasabi ng kaniyang matalik na kaibigan, dahil ayaw lang naman nito na mapasamâ ang buhay niya. "Salamat, best. Tama ka naman, pero wala naman sigurong masama kung susubukan namin, e. Kung mag-work edi maganda, kung hindi, edi tanggapin ko na lang." Malungkot ang tonong aniya pagkasabi ng huling tatlong salita. "Hay naku, basta, palagi mong tatandaan, kung may mangyari man na hindi maganda, 'wag kang mahiyang magsabi sa'kin, hah? Alam mo naman, I'm only one call away friend!" Napangiti siya sa sinabing iyon ng kaibigan at aaminin niyang na-appreciate niya ang presensya nito kahit pa linya lang ang nag-uugnay sa kanila ngayon. Katulad ng ibang mag-asawa ay masaya ang unang buwan ng kanilang pagsasama. Nasa ikatlong buwan na si Zionne nang pagbubuntis at malapit nang matapos ang first quarter niyon, ramdam niya pa rin ang pagkaselan sa pagbubuntis lalo na kapag hindi niya nagustuhan ang lasa at amoy ng pagkain. Sa kabila no'n ay nagiging maingat naman siya pagdating sa trabaho, advice rin kasi ng kanilang department manager na hindi niya kailangang pagurin ang sarili at kung kailangang magpahinga ay gawin kahit sa oras ng trabaho. At kahit maselan ang kaniyang pagbubuntis ay thankful naman siya dahil malakas ang kapit ng bata kung kaya't nagwo-work pa rin siya, isa pa ay nag-e-enjoy naman siya sa trabaho. Hindi na rin nagtugma ang pasok nilang mag-partner dahil naging closing si Howard kung kaya't bihira na lang silang magtagpo sa bahay. Tanging sa gabi na lang kung saan ay oras na ng pahinga at sa umaga kapag mag-aalmusal. Tila nasanay na lang si Zionne na piliing matulog ng maaga kaysa ang mabugnot kakahintay sa pagdating ni Howard. Subalit isang araw.. Naalimpungatan siya kaya napabangon siya mula sa kama at laking pagtataka niya nang makitang wala pa rin si Howard sa kaniyang tabi. Pasado ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin umuuwi si Howard. Kung anu-ano nang pumasok sa isip niya at ang pagkabalisa sa kabila nang pag-aalala. Hanggang sa sumapit ang alas tres ng madaling araw at natunugan niya ang pagdating nito. Naamoy kaagad niya ang halimuyak ng alak at nagkunwari siyang tulog habang pinapakiramdaman ang paggalaw nito. Hanggang sa tuluyan na itong makahiga sa tabi niya. Wala naman siyang naramdamang kakaiba maliban na lang sa sobrang kalasingan nito na naging ugat para makaramdam siya ng galit dito. Kinaumagahan ay gising na siya pero mahimbing pa rin na natutulog si Howard kung kaya't nagawa niyang silipin ang cellphone nito. At halos mawindang siya sa huling mensaheng nakita mula sa isang unknown number, "Par, next week daw ulit, kila Bob naman tayo. For sure sasama ka, hah?" Naging palaisipan sa kaniya iyon kung bakit nagagawang hindi magpaalam ni Howard sa mga lakad nito na tila wala siyang karapatan na malaman 'yon. Kakalikutin niya pa sana ang mga naunang conversation nito pero nakita niyang gumalaw si Howard dahilan para dahan-dahan niyang nailapag ang cellphone. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD