bc

Cassiopeia

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
fated
goodgirl
princess
drama
bxg
mystery
moon goddness
realistic earth
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Bituin sa langit na palaging nag niningning, ano kaya ang dahilan kung bakit sila palagi nasa dilim at ano nga ba ang ba ang tunay na dahilan kung bakit may bituin.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Bituin
Ang bituin ay nag niningning tuwing sumasapit ang gabi,pero lahat ng mga tao ay nag sisimulang mag tago dahil nag sisimula na gumabi sa lugar namin, karamihan ay may mga kwento na nakakatakot tungkol sa gabi pero na i-iba ako dahil hindi ako natatakot sa dilim at palagi ako tumititig sa mga bituin dahil nag bibigay ito ng lakas para sa akin, at pinapa alala nito na kahit na ganto lang naman kami ng aking pamilya na hindi gaano may pera pero nakukuha pa rin namin ngumiti tuwing kami ay mag kakasama. Gabi na naman at tapos na ang mga tao sa kanilang pag tratrabaho sa bukid ng halos buong araw, tinulungan ko rin ang aking ama na mag araro sa sakahan kahit na babae ako dahil kapag dating sa trabaho wala naman sinabing bawal ang mga babae mag trabaho sa bukid at higit sa lahat biniyayaan ako ng taglay na lakas kaya ginamit ko ito para makatulong sa aking tatay. " Pa kwentuhan mo pa ako tungkol sa mga bituin." Pag aya ko sa aking tatay dahil tuwing kami ay maglalakad pauwi, palagi niya ako kinukwentuhan tungkol sa mga istorya tungkol sa bituwin kahit na dalaga na ako gusto ko pa rin ang kwento niya simula noong bata pa ako. " Oh sige anak ano namang gusto mo ulit malaman sakanila?" tanong niya sa akin habang ako ay inaalalayan niya ang kamay ko sa pag lalakad dahil maputik ang tinatahak naming daan. " Gusto ko papa tungkol sa kung sino gumawa sa mga bituin." sagot ko sakaniya habang ako ay nakangiti sakaniya. " Ah.. Sino nga ba anak sa tingin mo?" pag tanong niya. " Di ko alam papa" ang sagot ko. " Ang bituin ay ginawa o nagawa tuwing may isinisilang na isang sanggol, sila ay katumbas ng bawat tao, nakalimutan mona ba anak yung kwento ko? ." pag sagot ni papa. " Panong katumbas papa nalimutan ko na eh?" tanong ko para maging malinaw ang kaniyang kinukwento. " Bawat isang tao ay nabiyayaan ng isang bituin. " sagot ni papa " Ahh... Ano naman papa ginagawa ng bituin sa mga tao? " tanong ko. " Ang butuin anak sila yung mag babantay sa taong nakatakda na dapat nila bantayan sa buong buhay nila." pag papaliwanag ni papa. " Pano yun papa? Parang Guardian angel po ba?" pag tanong ko. " Oo anak parang ganon nga pero tawin ang tawag sakanila, simula ng isilang ang isang tao ang butuin ay isinilang din sa kalangitan at kung ano ang edad ng tao ayun din ang edad ng bituin. " pag papaliwanag niya. " Pano naman papa kung mamatay yung isang tao? " pag tanong ko muli. " Kapag nawala ang kanilang kapares sa lupa o tao ibig sabihin ay sila ay mawawala rin, sila ay sasabog sa kalangitan at magiging alikabok na lang na pa lutang lutang sa kalawakan." pag sagot ni papa. " Ang galing papa, edi ako rin may guardian star din? " namamangha kong pag tatanong. " Oo anak pati ako, lahat tayo meron. " pag sagot niya at nakita ko sa kaniyang mukha ang magandang ngiti. " At alam mo ba anak na kapag malungkot ka ay magiging malungkot din ang tawin mo at siya ay manghihina." habang sinasabi niya iyon itinuro niya sa akin ang mga bituin na hindi masiyadong nag niningning sa kalangitan. " Kita mo yan anak napaka hina ng pag ningning, ibig sabihin malungkot ang wari ng tawin, kaya dapat palagi kang masaya para maging masaya rin ang tawin mo at nang mag ningning ito ng maliwanag." pag papaliwanag niya. " Papa ano yung wari?" tanong ko dahil hindi ko maintindhan ang mga ibang sinasabi ni papa. " Tawin anak ay ibig sabihin bituin at ang wari naman ay ang tao, ibig sabihin ang tao ay malungkot kaya hindi nag niningning ang tawin o bituin." pag papaliwanag ni papa. Habang nag lalakad kami ni papa napa tingin na lang ako sa mga bituin at napaisip kung tinitignan ba ako ng aking tawin at sinusubaybayan sa aking buhay, alam kong hindi totoo at kwento lamang ito ni papa pero parang totoo pa rin ito para sa akin. " Papa nasaan na kaya si mama sa tingin niyo?" pag tatanong ko kay papa. Nakita ko ang pag dilim ng mukha ni papa at nakita ko na lumungkot siya, kami lang kasi ni papa at ni lolo ang mag ka pamilya, kaya kami lang tatlo ang mag kasama sa maliit naming bahay kubo. " Nako nak baka nandiyan lang yan si mama mo, hindi ko alam kung nasaan pero alam ko na nandiyan lang siya." sagot ni papa na medyo hindi ko maintindihan ang kaniyang punto sa sinasabi niya. " Ang mahalaga anak ay magkasama tayo at mayroon kang ako, pero wag mong kalimutan na mahal na mahal ka ni mama mo anak. " pag harap niya sa akin at sabay hinaplos ang aking mga pisngi habang nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni papa. " kamukha mo talaga ang mama mo anak ano ba iyan. " pag tawa sa akin ni papa at agad na kami nag lakad para makauwi na dahil gabi na at baka nag hihintay na si lolo sa bahay namin. Nag lakad kami ni papa ng halos isa't kalahating oras para makauwi na sa bahay at kahit na bahay kubo lang ang aming bahay ramdam ko pa rin dito ang saya tuwing kami ay makaka uwi na, nag luto rin pala si lolo ng itlog at iyon ang aming u-ulamin ngayong gabi. " Oh Yrana ang tagal ninyo ng papa niyo, kuluntoy na itong pinirito kong itlog dahil nahanginan na." pag bungad sa amin ni lolo. " Itay ang dami po naming ginawa eh, pasensya na po kayo." pag hingi ng paumanhin ni papa kay lolo. " Opo lolo ang dami naming inararo kaya po natagalan kami ni papa. " pag dugtong ko sa sagot ni papa kay lolo. " O sige na at kumain na agad tayo." pag aya ni lolo sa amin ni papa. Masaya kaming kumain kahit na simple lang ang aming ulam dahil para sa amin basta't kami ay mag kaka sama kami ay masaya na at kontento sa buhay, maliit man kinikita ni papa pero hindi pa rin niya kami pinapabayaan ni lolo sa mga kailngan namin. Natapos na rin kami kumain pagkatapos ng ilang minuto at alam na nila papa at lolo kung saan ako pupunta kahit gabi na. " Papa diyan lang po ako" pag papa alam ko. " Sige basta huwag kang lalayo." pag papa-alala ni papa sa akin bago ako lumabas. Lumabas na ako at agad na ako pumunta kung saan ako palagi tumatambay tuwing gabi, masaya ako sobra kung ano ang meron kami ni papa ngayon kahit na malayo sa amin si mama at kaya sa pamamagitan ng pag titig ko sa mga bituin para akong hinehele ni mama ang pakiramdam kapag ako ay natingin sakanila at dama ko kung gano kaganda ang kalangitan kahit na madilim ito. " Ma uwi kana samin ni papa kahit ilang araw lang ma" pag hiling ko sa mga bituin kahit na alam kong hindi na makakuwi pa siya sa amin dahil ilang taon na rin ang naka lipas at baka siya ay may iba nang pamilya, mahirap mang isipin pero kailangan tanggapin pa rin namin ni papa ang katotohanan at reyalidad na pangyayari sa buhay namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook