Kabanata 2: Lakbay

1199 Words
Ang Sarap sa pakiramdam ng hangin at bawat hampas nito sa akin ay napaka lamig, langit at dagat ang aking nakikita at napakasarap nito sa aking pakiramdam. Ako ay naka higa sa buhangin habang nakatitig sa liwanag ng buwan at bituin habang nag iisip ng kung ano ang aming uulamin para bukas, ng biglang may narinig akong kaluskos sa mga puno at napatayo ako ng mabilis dahil sa takot, tinitignan ko lang ang bahaging madilim sa mga puno at tinitigan ko lang ito kung may lalabas ba na hayop at ako ay nag handa ng isang bato na malapit sa akin para maging handa ako kung ano lalabas sa punong iyon , nagulat ako ng may makita akong isang lalaki na papalapit at wala itong saplot dahil kita ko ang balat nito kahit na madilim ang paligid. " S-sino po kayo?" ramdam ko ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman ko habang ako ay nag tatanong. Tumigil ito ng mag salita ako at nagkatitigan kaming dalawa, hindi siya nag sasalita at ako ay natatakot na dahil gabi na rin at hindi ko makita masyado ang mukha niya kahit na may buwan pa sa langit, hindi ito sapat para ma aninag ko ng sobra ang mukha niya. " A-ah sino ho ba kayo?" pag ulet kong tanong sakaniya. " Y-Yrana?" nagulat ako dahil sinabi niya ang pangalan ko kahit hindi ko pa siya nakikita kaya grabe na lamang ang kabog ng dibdib ko at mas dumoble pa ito ng marinig ko ang pangalan ko. " B-bakit po? " tanong ko. Papalapit na sana siya at ako ay handa ng umatras para kunin ang bato, pero nagulat na lamang ako ng siya ay matumba at mawalan ng malay sa kaniyang kinatatayuan, kaya agad ko siyang nilapitan para tignan ang kaniyang lagay ng makita ko ng buo ang kaniyang mukha, nagulat ako sa aking nakikita kasabay pa nito ang pag liwanag ng buwam sa kalangitan kaya nakikita ko ng maliwanag ang kaniyang mukha, mahaba ang buhok niya at alam kong hindi siya taga dito sa amin dahil may mga marka ang kaniyang katawan at para itong sulat na hindi ko maintindihan. Tinapik tapik ko ang pisngi nito at hindi talaga ito na gigising kahit na malakas pa ang ang pag tapik ko saknaiya na halos sampal na ata ang ginagawa ko, ako ay hindi rin maka hawak sa katawan ng lalaki lalo na at hubo't h***d siya at ako ay tatakbo na sana pauwi para sabihin kila papa na may dayuhan na nawalan ng malay sa dagat, pero nagulat ako ng hawakan niya ako sa aking palapulsuhan. Nakita ko ang kaniyang mukha na parang kailangan niya ng tulong kaya sinubukan ko siya kausapin pero hindi siya nag sasalita, kaya ang ginawa ko na lamang ay kumuha ng dahon pang takip sa kaniyang pag ka lalaki at hindi ko naman ito tinignan kahit isang sulyap dahil masama iyon, pinaupo ko siya at naka tingin lang sa akin ng parang hindi niya alam kung nasaan siya. " Taga saan ho ba kayo?" pag tanong ko sakaniya at baka magkaroon ako ng pagkakataon na mapasalita ko siya at umupo ako sa tabi niya para damayan siya at mukang hindi naman siya masamang tao. Wala siyang reaksyon at dito ko na naisip na baka siya ay may sakit ng pagkawala ng memorya kaya hindi ko nalang siya tinanong, pero paano naman nangyari na alam niya ang pangalan ko. " Bakit mo alam ang pangalan ko?" tanong ko sakaniya at hindi pa rin talaga siya nag sasalita kahit na ilang beses kona siya tinatanong. "Ganda ng pangalan ko noh..Yrana.." mahinang sabi ko habang ako ay nakaupo rin sa tabi niya. " Mama ko nag pangalan sakin niyan pero sanggol pa ako nung huli ko makita si mama" pag dugtong ko sa sinasabi ko. " Yrana.." Nagulat ako ng marinig ko na sinabi miya ang pangalan ko. " Oh bakit alam mo ang pangalan ko??" nilapit ko ang mukha ko sakaniya para tanungin siya ng maigi. " Y-yrana.." ulit niyang bigkas sa aking pangalan. " Oo ako si Yrana ikaw sino ka naman? " tanong ko sakaniya at baka sakaling alam niya ang pangalan niya. " K-kkay" halos hindi siya maka salita at siguro siya ay na aksidente kaya hindi niya ma alala ang pangalan niya, parang yung sa telenobela na pinapanood namin ni lolo kaya hindi ko siya pinilit ng tanungin pa. " O sige hindi na kita pipilitin mag salita at pag iisipan na lang kita ng pangalan." pag sabi ko sakaniya at agad ako nag isip ng i-papangalan sakaniya at bigla ko naisip ang sinabi ni papa tungkol sa bituin na ang pangalan ay tawin at sa tingin ko ay bagay sakaniya dahil sa manilaw nilaw niyang balat dulot ng liwanag sa buwan kaya napag desisyunan ko nalang na tawin ang i-pangalan ko sakaniya. " Tawin nalang pangalan mo ha" pag sabi ko sakaniya. "T-tawin.." mahina niyang bulong. " Oo tama ikaw si tawin." pag sabi ko sakaniya at baka siya ay nakaka salita lamang ng maiiksi tulad ng pangalan, pero saan kaya niya nalaman ang pangalan ko o baka kaya siguro sa pag sigaw ni lolo sa pangalan ko sa bahay, pero hindi naman abot ang boses niya dito sa dagat, habang ako ay nag iisip nagulat ako ng may tumunog at iyon ay ang tunog ng tiyan niya at nakita ko na hinahawakan ni tawin ang tiyan na at hinahaplos haplos, ibig sabihin siya ay gutom na. "Naku baka di ka pa nakain, sandali lang at may tinapay ako sa bahay kukunin ko sandali." hinawakan niya ako para pigilan pero tinanggal ko ang kamay niya at tumakbo ako ng mabilis para maka kuha ng tinapay kong tira kaninang umaga. "Oh anak matutulog kana?" pag tanong sakin ni papa pag ka pasok ko sa bahay habang sila ni lolo ay nakahiga na. " Nako papa hindi pa." pag sagot ko. " Oh ano nangyari sa kamay mo at puno ng gintong kulay." tanong ni papa at hindi ko rin alam kung saan ito nang galing pero hindi ko na ito pinansin at agad ko ng kinuha ang isang tinapay sa bag ko na tira ko kaninang umaga at agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa dagat para bigyan ng tinapay si tawin. Ng maka balik ako nagulat ako ng wala na akong madatnan na tao at nilingon ko ang lahat ng sulok sa puno at wala talaga akong nakita. " Tawin??" pag salita ko ng malakas at na kumpirma ko na wala na siya rito at nakita ko ang dasto ng isang buhangin na makinang at kulay ginto ito na kaparehas ng nasa kamay ko, at kung matatandaan ko ay doon umupo si tawin pero ngayon ay wala na siya. Dahil wala na siya at baka umuwi na, ako naman ay umuwi na rin at dala dala ko ang tinapay ma ibibigay ko sana sakaniya, nahiga na lamang ako at napaisip kung sino kaya siya o makikita ko pa kaya siya, nakaka awa ang kaniyang itsura at mukhang malungkot rin siya parang katulad ko lang din kaya kinausap ko siya, makikita ko pa kaya si tawin sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD