Umaga na ulit at handa na kami ni papa pumunta sa bukid kung saan siya nag tratrabaho, ilang oras din kami maglalakad papunta kaya dapat ay may pagkain kami palaging dala, si lolo ang palagi nag hahanda ng baon namin kaya hindi na kami na mromroblema sa pagkain ni papa.
" Ingat kayo sa pag lalakad." pag papa alala ni lolo sa aming dalawa ni papa.
" Opo lolo at maliwanag naman po ang daan na dinadaanan po namin." pag papaliwanag ko kay lolo.
" Sige po una na po kami ni Yrana at malayo layo pa po ang lalakarin namin." pag papa alam ni papa kay lolo.
Nag simula na kami maglakad ni papa papunta sa kabilang bundok para makapag araro agad kami, habang naglalakad ay nabanggit ko sakaniya ang tungkol kagabi na naka kita ako ng isang lalaki na hindi ko kilala pero pinaliwanag ko naman na wala itong ginawang masama sa akin.
" Papa nakita ko lang siya sa madilim tapos hindi siya nag sasalita nakakatakot pero alam ko naman kung ano ang dadamputin ko kung sakaling may masama siyang intensiyon" pag papaliwanag ko kay papa.
" Sa dagat mo ba siya nakita?" tanong ni papa na ikinagulat ko.
" Paano niyo po nalaman papa?" sagot ko sakaniya.
" Ah eh doon kalang naman natambay kaya naisip ko na baka doon mo siya nakita." pag sagot ni papa sa tanong ko.
" Sabagay doon nga lang naman papa. " mahinang sabi ko.
Tahimik kaming nag tra-trabaho ni papa at halos sumapit na ang tanghalian ay hindi pa rin siya nag sasalita at nakaka panibago ito para sa akin dahil hindi naman siya ganito.
" Pa Gutom kana ba?" tanong ko sakaniya.
" Di pa anak, kain kana muna kung gusto mo." sumagot siya sa tanong ko pero hindi ito tumitingin sakin.
" Pa may problema po ba kayo?" hindi ko na natiis at nagtanong na ako sakaniya kung may problema ba siya.
" Wala naman anak bakit?" sagot niya pero hindi pa rin ako panatag sa kaniyang kinikilos.
"Ano ba iyon papa?" pag ulit ko sakaniya.
" Wala anak napag isipan ko lang na baka nahihirapan ka sa pag lalakad natin araw araw." pag papaliwanag niya sa akin.
" Nako papa huwag mona ako isipin at napaka tagal na natin nag lalakad kaya bakit po ako mahihirapan? " pag tanong ko sakaniya.
" Pasensya kana anak kung ganito ang trabaho ko ha. " pag sabi sakin ni papa habang siya ay malungkot.
" Papa hindi naman ako nahihirapan at hindi porket babae ako ay mahina na ako, aba papa kaya pa kita buhatin pa uwi. " pag papaliwanag ko kay papa para kahit papaano alam niya kung ano ang totoong nararamdaman ko, bilib rin kase ako sa aking sarili dahil napaka lakas ko at hindi rin ako agad napapagod kapag dating sa lakaran at buhatan.
" Sige na papa kain na tayo ng sabay." pag aya ko sakaniya at siya ay sumunod naman agad sa aking aya at kami ay kumain ng pang tanghalian.
" Yrana." pag tawag sakin ni papa.
" Bakit po papa?" pag sagot ko.
" Gusto ko lumaki kang malakas at palagi lumalaban anak. " biglaang sabi ni papa sa akin habang ako ay nakain.
" Opo naman papa lalo na kung alam ko ang tama na dapat gawin, lalaban at lalaban ako lalo na para sainyo ni lolo. " pag sagot ko.
" Lagi ka din dapat maging magaling sa pag dedesisyon at isipin mo ang bawat pipiliin mong kapalaran, dahil kapag nag kamali ka ng napili kailangan harapin mo ang malaking pagsubok sa buhay mo tulad ko. " pag papaliwanag ni papa sa akin.
" Opo pa alam konaman po iyon. " tugon ko.
" Darating ang panahon na kailangan mo mamili sa dalawang kapalaran at isa lamang doon ang tama. " pag papa alala ni papa habang siya ay nakatingin sa akin.
" Ama mo si Geno kaya dapat maging kasing lakas kita anak, babae ka pero alam kong mas kaya mo pa ang ginagawa ko ngayon kaya tinuturuan kita na maging matapang at matibay. " sabi ni papa sa akin.
" Papa malakas na ko kita mo ngang mas nakakapaglakad pa ako ng malayo kaysa sayo." pang loloko kay papa.
" Bawat hakbang anak nagiging malakas ka at natututo, malalaman mo ang mga bagay na hindi mo pa alam pero alam kong kakayanin mo ito kapag dumating na ang tamang panahon. " ang sabi ni papa na hindi ko masyado maintindihan pero baka sinasabi niya lang sa akin ito para mapangaralan niya ako habang ako ay 17 taong gulang palang.
" Opo papa dahil lahat naman ng nangyayari ay may dahilan kaya ang kailangan ko lang ay lumaban." pag sagot ko sa kaniyang mga pangangaral.
" Isa ka talagang Cestia anak, matapang na palaban pa." sabi niya at sabay g**o ni papa sa buhok ko habang ako ay nakain pa.
" Darating ang panahon na mawawala si papa at dapat palagi mo ihanda ang sarili mong tumayo sa sarili mong paa." dugtong niya sa kaniyang sinabi.
" Opo papa alam ko naman yun pero hindi pa dapat ngayon dahil makikita mo pa akong ma aabot ang pangarap ko sainyo ni lolo. " sagot ko dahil ayoko ang tema at punto ni papa sa mga sinasabi niya ngayon.
" At huwag kayo mag sabi ng ganiyan dahil parang nag papa alam kayo papa. " madiin ang boses ko dahil ayoko malungkot sa sinasabi ni papa.
" Oo naman anak, sinasabi lang ni papa." pag akbay sakin ni papa at pag papaliwanag.
Para sa akin hindi pa dapat umalis sila papa at lolo dahil may gusto pa akong tuparing pangarap sakanila at hindi ako papayag na may manakit sakanila dahil sila ang tumayong pamilya sa akin, kahit na wala si mama sa tabi namin naging kumpleto ako naging matatag kahit kulang pa ako, biyaya sa kalangitan ang taglay kong lakas ngayon kaya gagamitin ko ito para maging maayos ang buhay namin at matulungan ko ang mahal ko sa buhay ko.
Hindi dahilan ang pagiging mahina minsan para sumuko kaya kahit minsan malungkot ako pinipilit ko ngumiti dahil alam ko at naniniwala ako na ginagabayan ako ng tawin sa aking pag lalakbay kaya hindi ako basta basta para sumuko.