KABANATA V

2850 Words
Isang linggo na ang nakalipas ng huli naming pagkikita ni Jessy.  Isang linggo na ngunit hindi pa din siya nawawala sa isip ko hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kasi habang tumatagal ang mga araw mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya alam kong hindi pwede at talagang hindi pwede ang nararamdaman ko sa kanya kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko na maalala siya. Anong gagawin ko? Bawat oras na natutulala ako siya ang nakikita ko kapag natutulog ko hanggang panaginip ko siya parin ang kasama ko. Ngunit sabi nga nila kahit pa gaano mo kamahal yung tao ay meron pa ring hangganan ito. Kahit pala sinabi mo na sa sarili mo na mag babago ka na pero kung sobrang lakas ng temptation sayo nakakagawa ka pa rin ng kalokohan. Magalit na kayo sa akin wala akong pake pero nahahati na sa dalawa ang puso ko. Sinusubukan ko na nga ngayon na wag isipin si Jessy kasi ikakasal na kami ni Bea ngayong taon. Alam ko si Bea pa rin naman ang laman ng puso ko siguro nag kakaroon lang ng pwesto si Jessy. Si Bea naman talaga ang dapat makapag okupa ng buong pwesto sa puso ko sadyang may mga bagay lang na nag papagulo ng emosyon ko. Bea, diba ikaw lang naman talaga laman nitong puso ko? Diba? Diba siya lang naman talaga? Medyo magulo na ang utak ko at ang puso ko. Hindi ko na talaga alam ang dapat na pakiramdam ko ngayon pero siguro kung walang nangyari samin ni Jessy wala lang siguro 'to.  Baka init lang ng katawan ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi kaya kaya sobra ang affections ko sa kanya ngayon dahil nakadama ako ng init ng katawan sa kanya. Siguro hindi love? Baka Nag care lang siguro ako sa kanya dahil sa nasa malungkot na aspect ng buhay niya siya ngayon kaya siguro nadala ako? Nakaupo ako sa harap ng computer ko ng mga oras na ito na naka kalumbaba. Medyo magulo talaga ako ngayon pero kailangan kong ayusin ito. Binuksan ko ang computer ko at agad na inopen ang Skype ko para tawagan si Bea. "Miss na miss ko na 'tong babae na 'to as in sobrang miss ko na!" sambit ko kasabay ng isang malalim na hinga. Naka ilang try muna akong kontakin si Bea pero hindi siya sumasagot sa tawag ko hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay siya na ang tumawag sa akin. Nakatitig lang ako sa litrato niya sa skype hanggang sa lumabas ang button ng call sa skype. Agad kong sinagot ang tawag niya. "Hi babe! Kamusta ka? Sorry kung hindi ko nasasagot mga tawag mo. Nag-cr kasi ako," sambit ni Bea sa akin habang nakangiti. "Aah... Ok lang Babe! Kamusta ka? Na mi-miss na kita ng sobra Babe! Matagal ka pa ba diyan sa America?" tanong ko sa kanya. "Medyo Babe! Kasi busy pa ako sa company. Candidate kasi ako sa promotion Babe. Sayang naman yung position kung di ako mag papakitang gilas sa boss ko," sambit niya sa akin. "Wow Babe! Congrats! Wag mong papabayaan ang sarili mo aah. Kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako tawagan mo ako agad aah. I miss you so much Babe! I love you!" nakangiting sambit ko sa kanya. "I love you too Babe! Behave ka dyan aah baka naman kung sino-sino na dine-date mo aah. Yari ka sa akin!" pang-babanta niya sa akin. "Hindi po Babe (taas-taas ang kanang kamay ko sa kanya) Ikaw din Babe wag na wag kang mag papaligaw diyan. Tssss ... Nako!" sambit ko sa kanya habang nag ta-tantrums. "Ano kaba Babe? Ang gaganda ng mga babae dito. Anong palag ko dun sa mga yun? Tsaka may Marco na ako ang pinaka gwapong lalake sa balat ng lupa!" pang-aaliw niya sa akin. "Sabi mo yan aah," sambit ko. "Opo babe. Sige na babe matulog kana at mag wowork na ako. Para sa future! I love you," malambing na sambit niya sa akin. "I love you too." malambing na tugon ko. Pagkatapos ng panandaliang aliw ni Bea sa akin sa skype ay nag log out na siya para bumalik sa trabaho niya. Naging masaya naman ang mood ko ngayon dahil sa nakausap ko na naman si Bea kaso may kulang pa rin kahit na nag uusap kami lagi sa skype. Iba pa rin ang pakiramdam kapag personal mong kasama ang mahal mo sa buhay. "Magti-tiis ako! Malapit na din naman 'to matapos!" sambit ko habang umaasa na mapapabilis ang pag uwi ni Bea. Pagkatapos naming mag usap ni Bea sa skype ay tinapos ko muna ang trabaho na inuwi ko mula sa opisina. Ilang oras din ang lumipas bago ko natapos ang trabaho ko habang nag papahinga ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ~ ~ ~ Naglalakad ako sa isang mall ng mga oras na ito ng may biglang tumawag sa pangalan ko. "Marco!" Sigaw ng isang babae. Sa una, Hindi ko muna pinansin ang pagtawag niya sa akin kasi iniisip ko na baka kapangalan ko lang yun kaya hindi ako agad lumingon sa kanya. Patuloy ako sa pag lalakad ko hanggang sa paulit-ulit siyang sumisigaw ng pangalan ko kaya napatingin nalang ako sa likuran ko at nakita ko ang isang kilalang babae. Ang babaeng matagal ko nang kinapapanabikan, Ang babaeng nagpapasaya at nagpapalungkot ng puso ko si Bea. Nakatitig lang ako sa kanya habang nag madali siyang lumapit sa akin. Para akong istatwa hindi ko alam bakit hindi ko magalaw ang katawan ko ng nakita ko siya. "Surprise!" sambit niya sabay halik niya sa  labi ko. , " I told you mabilis lang ang panahon at makakauwi na din ako," masayang saad nito sa akin. "Kailan ka pa nakauwi?" nagtatakang tanong ko sa kanya. , "Tsaka paano mo nalaman na nandito ako sa mall?" tanong ko muli sa kanya. "Kanina lang ako nakadating. Dumiretso ako agad sa inyo kaya nalaman ko kay tita na nandito ka sa mall kaya nag bakasakali na akong makita kita at ayun nga! Suprise! Nagulat ka ba na nakita mo ako ngayon? Masaya ka ba?" nakangiting tanong niya sa akin. "Syempre sobrang saya ko kasi makakasama na kita. Akala ko ba uuwi ka dito kapag malapit na ang kasal nating dalawa. Bakit hindi ka nalang nag hintay sa akin sa bahay para naman makapag pahinga ka? Ano ba naman yan Bea. Baka mag collapse ka sa ginagawa mo," pagsusungit ko sa kanya. "Ang OA naman nito! Malamang hindi ako mag ko-collapse! Jetlag lang 'to Marco wag masyadong OA!" inis na sambit niya sa akin. "Sige na nga! OA na kung OA pero syempre hindi mo mawawala sa akin ang pag aalala. Uwi na tayo? para makapag pahinga ka din," sambit ko sa kanya na may pag aalala. "Ayoko pang umuwi. Ngayon na nga lang ako nakapunta ulit ng mall papauwiin mo na agad ako sa bahay. Kain muna tayo ng masarap," paanyaya niya sa akin. "Ikaw nalang kakainin ko," natatawang sambit ko sa kanya. "Ano! Bakit ako kakainin mo?" inis na sambit niya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo na natingin sa akin. "I mean, Ano! Tara Kain na tayo? Baka gutom ka na? treat ko," utal-utal kong sambit sa kanya habang nakangiti. Hindi ko na alam yung mga pinag sasabi ko pero isa lang ang clear sa akin ngayon. Sobrang miss na miss ko siya at dahil sa sobrang miss ko na dito sa babaeng 'to ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Sobrang higpit na yakap! wala akong pake kung sino ang makakita sa aming dalawa pero sobrang miss ko na 'to. "Sobrang na miss mo ba talaga ako? Kaya ganyan ka makayakap?" tanong niya sa akin. "Oo soooobraaaa! Itaya ko pa lahat ng bulbol ko! Sobrang miss kita! Miss na miss!" masayang sambit ko sa kanya. "Kadiri ka talaga Babe!  Ok na ako sa na miss mo pero wag mo naman itaya pati urrgghhh! Kadiri! Saan ba tayo kakain?" tanong niya sa akin. "Ikaw? Saan ba gusto mong kumain? Kahit saan pa yan ako ng bahala?" pabalik na tanong ko sa kanya. "Hmmmm... Saan ba masarap kumain?" tanong niya muli sa akin. "Kahit saan nga! Gusto mo para makatipid tayo ako nalang kainin mo. Masarap din naman ako," pang aasar ko sa kanya. "kalokohan mo na naman Marco! Tigilan mo ko sa kakaganyan mo. Iiwan kita dito!" pag babanta niya sa akin. "Bili nalang tayo ng makakain natin tapos uwi nalang tayo sa bahay para makapag pahinga kana. Ano gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Sige! lutuan ko nalang kayo ng dinner ni Tita Pero babe! Pwede ba gala muna tayo dito? Na miss ko kasing gumala eeh," sambit niya sa akin. "Saan mo gusto pumunta? Gusto mo nuod nalang tayo ng sine? Panoorin natin mga gusto mong palabas. Diba mahilig ka sa mga horror movies?" pang aanyaya ko sa kanya. "Movies? Ano bang updated na palabas ngayon dito sa pinas? Kasi sa amerika lagi kaming nag mo-movies ng team dahil mahilig sa palabas yung boss namin," "Tingnan nalang nadin yung mga palabas ngayon para makapili ka din." Hinawakan ko sa kamay si Bea at pumunta na kami sa cinema para makita kung anong mga updated na palabas ngayon. Pag dating namin sa cinema ay agad kaming tumingin kung anong mga palabas na pwede naming panuorin. "Gusto mo comedy? Mukang nakakatawa itong palabas na 'to ooh?" sambit ko kay Bea habang tinuturo yung mga listahan ng palabas sa labas ng sinehan. "Ang korny ng palabas na yan napanuod na namin yan eeh. Ito nalang ooh!" habang tinuturo yung board ng mga palabas. "Ok! sige ok sa akin yang palabas mo." Pumunta na ako sa counter para bumili ng ticket at ng makakain namin sa loob ng sinehan. Pagkatapos kong bumili ng ticket at pagkain ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. Madilim ang kapaligiran at sobrang ingay sa loob dahil sa mga patalastas na pinapalabas sa wide screen. Grabe yung sound effects sa loob ng sinehan sobrang nakakakilabot at nakakatakot . Panigurado akong mapapayakap si Bea sa akin nito. "Babe, Sa dulo tayo ng row na 'to tapos sa pinakalikod na column," nakangiti  kong sambit sa kanya habang tinuturo ang direksyon sa kanya. "Malayo talaga kinuha mo Babe?" inis na tanong niya sa akin. "Oo malayo talaga Babe ubusan kasi ng pwesto ngayon, Today kasi ang showing nito," nakangising sambit ko sa kanya. Natahak na namin ang pwesto namin at nakaupo na rin kami sa upuan namin. Ilang segundo nalang ang lilipas at simula na ng palabas. Ten. Nine. Eight. Seven. Six. Five. Four. Three. Two. One. "Yes! Start na ng palabas!" masayang sigaw ko. Hindi pa lumalabas yung multo o yung anek-anek na yan nag titilian na ang mga tao dito kwera sa katabi ko. "Babe, Hindi ka ba natatakot sa palabas o sa tunog man lang?" tanong ko sa kanya. "Hindi Babe, Medyo common na yung sound na ganyan pero check ko kung mapapataas niya yung balahibo ko. Baka natatakot kana aah. Mamaya may katabi ka ng babae diyan," pang aasar niya sa akin. "Ok lang ba sayong may katabi akong babae?" tanong ko sa kanya. "Kung multo pwede naman sa akin pero kapag babaeng haliparot baka i-nail cutter ko kayong dalawa para killing me softly," inis niyang sambit sa akin. "Aah ganun ba? Syempre hindi ko naman gagawin sayo yun baka mahal na mahal kita," nakangiti kong sambit sa kanya. "Sssshhhhh... Wag kana nga maingay hindi ko na naiintindihan yung palabas dahil sayo." inis niyang sambit sa akin. Hindi na ako nagsalita pa dahil nasasayang na din yung binayad ko dahil sa ingay ko. Nanuod nalang din ako ng palabas. Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng nag simula ang palabas. Palabas-labas na din ang mga masamang elemento sa palabas at umiingay na din ang sinehan dahil yung mga  ibang babae sa sinehan takot na takot na at nakayakap na sa mga partner nila pero ako? Waley parin dude! Malamig na ang pakiramdam ko sa loob ng sinehan siguro dahil sa malakas ang aircon o dahil sa natutuwa na din ako sa pinapanuod ko. "Babe, Giniginaw ka ba?" tanong ko kay Bea. "Hindi Babe, Nasanay na ata yung balat ko sa malamig na klima," tugon niya sa akin. "Ayy ganun ba? natanong ko lang naman kung nilalamig ka," malungkot na sambit ko sa kanya  Itinuon ko nalang sa panunuod ang atensyon ko dahil sa ugaling pinapakita ni Bea sa akin. Mahirap bang sabihin na nilalamig din siya kahit hindi naman para lang mayakap ko siya sa loob ng sinehan? Bakit parang ang lamig-lamig niya sa akin mula ng nagkita kami simula kanina? Habang nanunuod kami ay hindi ko maiwasang makaisip ng kalokohan kaya hinawakan ko si Bea sa hita niya na lagi ko namang ginagawa sa kanya noon. "Babe?" sabay hawak sa hita niya na sobrang lambot. "Babe, nakikiliti ako tsaka ang ganda ng palabas ooh? Pwede ba wag ka muna mang istorbo?" galit na sambit niya sa akin. "Ok! sabi ko nga maganda yung palabas nakakatakot sobra!" bulong ko sa kanya habang naiinis. Nasa climax na ang palabas sobrang creepy na niya to the fact na naglilipat-lipat na siya ng ibanga katawan para makapatay. Sumusanib siya sa iba't ibang tao tapos papatayin niya. Naboboring na ako sa palabas kasi hindi ko na siya nasusubaybayan dahil sa madaming kalokohan na pumapasok sa utak ko. Wala nanuod nalang talaga muna ako sa palabas mukang walang pag asa maka iscore dito sa sinehan. Ilang minuto ang nakalipas. SA WAKAS! NAKATULOG SYA! Dali-dali kong hinawakan yung mga hita niya at pinisil pisil ng... Biglang bumukas ang ilaw. TAPOS NA ANG PALABAS! "Arrgghhh! Wrong timing naman ooh. Kung kailan nandun na eeh!" inis na sambit ko. Nakabusangot ang mukha ko ng ginising ko si Bea. "Babe, Tapos na yung palabas," sambit ko habang niyuyugyog ko siya. Dahan-dahang iminulat ni Bea ang mga mata niya at tumingin sa akin. "Ay ganun ba Babe? Sorry naka idlip ako maganda ba yung palabas?" tanong nito sa akin. "Oo Babe! Sobrang ganda nung palabas. Enjoy na enjoy akong manuod!" sambit ko habang masama ang loob ko sa kanya. , "Tara uwi na tayo?" paanyaya ko sa kanya. Nag madali akong lumabas sa loob ng sinehan at pumunta na kami ni Bea sa grocery para mamili ng mga kailangan niya para sa putaheng lulutuin niya at pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay para makapag luto ng dinner si Bea at makapag pahinga siya. Tinulungan ko siyang magluto ng ulam para mabilis ang trabaho at pagkatapos naming magluto ay tinawag ko si mama para kumain. "Ang sarap naman ng luto mo Bea," masayang sambit ni Mama kay Bea. "Salamat po tita." tugon ni Bea. Sobrang sama talaga ng loob ko kaya hindi na ako makapag focus ngayon. Lamon ang ginawa ko at hindi kain hindi ko alam sa pag kain ko nalang ata ibinuhos yung pag-kaasar ko kasi hindi ako maka i-score.  Pagkatapos naming kumain ay nilinis ko ang hapag kainan at naghugas ako ng mga plato na pinag gamitan namin.  Pagkatapos kong magligpit ay pumasok na ako sa kwarto para magpahinga. Pagpasok na pag pasok ko sa kwarto ay ni lock agad ni Bea ang pinto at galit na kinausap ako. "Ikaw Marco! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pinag gagawa mo sa sinehan kanina aah! Kala mo hindi ko nararamdaman yung ginagawa mo. Sasapakin kita dyan eeh!" galit na sambit niya sa akin. Galit na galit si Bea sa akin na tila ba  ay nag hahanap siya ng WORLD WAR III "Sorry na," sabay talikod ko sa kanya. , "Sobrang namiss lang naman talaga kita kaya ganun ako sayo," paawa ko sa kanya. "Kinakausap kita! Marco! Humarap ka dito!" galit na samibit ni Bea sa akin. Natakot ako kay Bea kasi nanlilisik yung mga mata niya. Kakagaling palang niya sa amerika pero parang beastmode na agad siya dito sa pinas. Tinawag niya muli ang pangalan ko at this time galit na galit na siya kaya humarap ako agad sa kanya. Pagharap na pagkaharap ko sa kanya ay nakita ko ang dalawang nag lalakihang bundok sa aking mga mata. "Is this real?" habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. "Anong sa tingin mo? Fake?" habang naka pamaywang na nakatingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil na excite na ako ng sobra nang nakita kong hubod- hubad si bea sa harapan ko. "Tara! Let's take a shower together." paanyaya niya sa akin. Wala nang imik-imik pa HUBAD kung HUBAD. Sabay kami naligo ni bea sinabunan ko siya at sinabunan din niya ako. Ang sarap sa piling nito syempre hindi naman sa ligo lang mag tatapos ang lahat. Pag katapos naming naligo ayun na. Binanatan ko na siya niromansa ko muna siya bago ko siya inangkin ng tuluyan. "Na miss ko to Babe! Sobra!" malanding sambit ko sa kanya. Sa sobrang sarap ng aking nadarama ngayon ay tila ba'y nagiging asong ulol ako! Sobrang sarap sa pakiramdam. Ang bawat amoy ng kanyang katawan ay kumakapit sa akin katawan. Sobrang nakakabaliw! Habang nag tatalik kami ay biglang may hindi inaasahang pangyayari. Nakapatong na ako sa kanya nito ng biglang... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD