bc

The Omega's Revenge (Omegaverse Story)

book_age18+
295
FOLLOW
1.0K
READ
revenge
dark
mate
brave
omega
bold
pack
mpreg
mxm
intersex
like
intro-logo
Blurb

[Alpha | Beta | Omega] In this world, everyone has a role to play. Omegas are meant to submit, and to be useless while Alphas are superior and strong. In the other hand, betas are brave and independent.

Its so sick and toxic society! Is there any chance to destroy this social system?

I am Eliot Schaumburg, an Omega and a victim of this twisted system. Alphas once destroyed my life, and now is my time to destroy what they had. Justice is for the privileged so I create mine. Hatred runs to my blood. Could I still deserve to be loved? We'll see in the continuation of the my story...

NOTE: Mpreg/Omegaverse AU, Filipino-English Story and Matured Content.

chap-preview
Free preview
Chapter I. What?
Ngayon ang araw ng pag bibigay ng resulta sa naganap ng gender test. Ang bawat mag aaral ay ini-isang tawagin para pumunta sa harap at kunin ang puting envelope na inaabot ng guro. Ang lahat ay kinakabahan at nag iingay malibang sa nag iisang istudyante. Ang istudyanteng ito ay nanatiling tahimik at kalmado habang hinihintay na tawagin ang kanyang pangalan. Sa ganitong mundo ang mga tao ay may dalawang uri ng gender, ang tinatawag na "first gender" at "second gender". Ang "first gender" ay ang kasarian nila simula sa kanilang kapanganakan hanggang sa lumaki sila, ito yung parte na pisikal nating nakikita. Ang "secondary gender" naman ay malalaman lamang sa pag sasailalim ng isang pag susuri o dahil din sa pag babago ng kanilang pangangatawan at pag kilos. Ang "secondary gender" ito ay nahahati sa tatlong magkaka ibang klase, ito ay ang "Alpha", "Beta" at "Omega". Ang mga "Alpha" ang tinatayang pinaka mataas at pinaka magaling sa antas ng kahit anong larangan tulad ng larong pang pisikalan at verbal. Sila rin ang tinuturing na leader o boss sa kahit ano mang grupo, institution o kahit na pang pulitika pa. Karamihan sa kanila ay mga naninirahan sa mga high class city at may kakayanang mag payaman dahil sa kakayanang nitong mag excel sa lahat ng bagay at kumita ng limpak-limpak na salapi. Mabilis din silang mapansin ng mga tao dahil sa lakas ng dating nito o "charm" sa pang hihikayat at gawa ng pag babago sa paligid nito. Malaki ang advantage nila sa lipunan at lahat ng maaari nilang magustuhan ay kanilang nakukuha. Mula sa mga materyal na bagay hanggang sa mga omega o mga babaeng kanilang natitipuhan. Ngunit meron lamang sampung porsyento (10%) sa mundo ang tinatayang may ganitong klase ng "secondary gender". Ang mga "beta" naman ay tinuturing na mga normal na tao, at sila ang mga karaniwang tao na nakikita sa paligid. Sa mundong ito, sila ay tinatawag na average sa lahat ng larangang kanilang tinatahak, mula sa pisikalan hanggang sa intelektwal. Hindi nila kayang humigit pa sa mga Alpha o mas bumaba pa sa mga Omega. Wala din silang kakayanang makaramdam ng kahit ano mang pag babagong pisikal na nararamdaman ng mga Alpha at Omega. Tinatayang mayroong walongpung porsyento (80%) ng tao ang itinuturing na "beta". Ang "omega" naman ang pinaka mababa sa lahat. Kung baga sa animal kingdom, sila ang tinuturing "prey" at ang kanilang "predator" ay ang mga alpha. Ngunit hindi na sa panahon ngayon dahil binibigyang importansya ang kanilang parte sa mundo. May kabuuang sampung porsyento (10%) ng populasyon ang merong omega sa mundo. Tulad nang nakakarami, sila rin ay may angking kakayahan makipag sabayan at makipag tunggali sa mga nasa itaas ngunit sa patuloy na diskriminasyon at pag mamaliit sa kanila, madami parin ang ayaw na lumaban na para bang walang naging saysay ang mga pag sasakripisyo ng kanilang mga ninuno at binalewala na lamang ito. Marami padin ang nag dudusa sa ganitong sistema at pag iisip dahil sa limitado kaalaman at pag tanggap sa lipunan. May mga karanasan ding kung ikaw ay mapag alamang isang omega, hindi ka agad papapasukin sa trabahong iyong napili lalo na't kung ikaw ay nag aapply sa malaking kumpanya. Madalas din ay ang posisyon mong matatanggap o iaalok ay mas mababa pa sa sumasahod ng minimum wage kahit na may maganda ka namang skills and training. Hindi ito isang magandang pag trato dahil ang pagiging omega ay hinahalintulad sa isang asawang babae na walang ginawa kundi manatili sa tahanan, mag alaga ng mga anak at habang buhay na mag silbi sa asawa. Kung mamalasin ay maaari ka nilang ma-ibenta sa black market bilang isang prostitute or slave, kahit na ito'y isang illegal na gawain, marami padin ang walang awa na kayang gumawa nito para sa pera at kapangyarihan. Ang babaeng omega o ang lalaking omega ay may kakayahang mag produce ng isang supling na maaaring alpha o omega ang maging "secondary gender", at ang makakagawa lamang nito ay sa pamamagitan ng isang sperm cell ng isang alpha. Ngunit ang babaeng omega ay maaari ding mabuntis ng isang beta na lalaki, pero maliit ang porsyento na makaka tulong ito sa kanilang "heat cycle". Ang "heat cycle" ay nang yayari sa mga omega lamang kung saan nag lalabas sila ng napaka lakas na pheromones na nakakaakit para sa mga alpha. Tinatayang nagaganap ito dalawang beses sa isang taon at tumatagal ng hindi hihigit sa isang linggo. Ang mga beta naman ay hindi na aapektuhan ng ganitong pang yayari o may kakayanang mag produce ng pheromones. Ngunit dahil sa teknolohiya, naimbento ang tinatawag na "suppressant". Ito ay isang uri ng gamot o injectable fluid na kung saan napipigilan nito ang pag lala ng kanilang "heat cycle" o ang pag tagal nito ng isang linggo. Ang pagiging omega ay itinataya ring isang sumpa, dahil kung ikaw ay makagat sa batok o ang tinatawag na "mark", "marked" on the nape ng isang alpha, habang buhay ka ng naka tali sa kanya. Isa din sa mga kahinaan ng isa Omega ay ang tinatawag na "rut" ng mga Alpha, para din siyang heat cycle ngunit sila ay mas aggressive at violente once dinatnan sila nito, malaki din ang porsyentong sila ay maka sakit sa ganitong sitwasyon. Pero hindi dito nag sisimula ang ating storya. Isa alamang itong pasilip na impormasyon na maari ninyong ma-encounter. At sabihin narin nating isa itong babala na kung saan si Eliot at ang resultang kanyang matatanggap ay napaka halaga dahil dito nakasalalay ang pag babago ng kanyang buhay. Ngunit ang resultang matatanggap niya ba ay isang biyaya na makakapag pabago sa takbo ng mundong kanyang ginagalawan ngayon at mag dudulot ng mabuting pag trato sa kaniya o isang sumpa na lalong mag papahirap sa kiniya bilang isang ulilang individual kahit na ang hangad niya naman ay makaroon lamang ng isang masaya at tahimik na buhay? Posibilidad parin kayang may mag mamahal sa kaniya sa kabila ng mga sakit at pighati na kanyang naranasan noong wala pang tao ang gustong tumulong sa kaniya. Halina't sabay-sabay nating alamin sa mga susunod na pahina. Huston Learning School Si Eliot ay nanatiling kalmado sa kabila ng mga bulungan at ingay sa kanyang paligid. Ngayon na araw na itinakda upang malaman nila ang kanilang "secondary gender". Ang totoo niyan hindi naman ito isang impormasyon na dapat malaman ng lahat ngunit dahil sa iilang pag kakataon ay nag dadala ito ng iisang panganib na dapat iwasan o protektahan ng magkaparehas na class group. Kung ikaw ay mapag alamang omega, nararapat na protektahan mo ang iyong sarili at kung ikaw naman ay isang alpha ay dapat mong iwasan ang mga omega dahil sa nadudulot nitong epekto sayo sa oras ng panganib. Kaya't may mga pag kakataong hinihiwalay sila ng mga klasrum. Paunti-unti ay tinatawag na ang mga natitirang kabataan upang kunin ang kanilang resulta, at sa pag kabukas ng kanilang mga envelop upang silipin ang loob nag sisipag ngitian ang kanilang mga labi at galak sa kanilang mukha. Marahil nakamtam nila ang inaasahan nilang resulta, maari ito'y isang pagiging beta at alpha. Ang pagiging alpha sa kahit ano mang paaralan ay makapag papanatili sayo ng magandang atensyon galing sa mga guro at may autoridad. Ganon din ang mga beta ngunit tulad ng isang ordinaryong studyante, kinakailangan mong pag hirapan ang lahat. Sa mga omega naman ay meron lamang limitadong pag bibigay ng atensyon at kaalaman. Hindi pinapahintulutan ang ganitong sistema sa paaralan ngunit dahil sa mga impluwensya ng kanilang mga magulang at mga kayang gawin nito, merong favoritism ang nagaganap. Ang mga guro ang nag papasimuno sa ganitong pamamalakad at pikit-matang hinahayaan ito ng kanilang punong guro. Si Eliot ay hindi galing sa mayamang pamilya, ngunit naka tanggap siya ng scholarship dahil sa angkin nitong talino sa Mathematics at English. Labis itong ikinatuwa ng kanyang mga magulang ngunit sa hinding inaasahang pang yayari, nag karoon ng isang malalang aksidente at si Eliot lamang ang naka ligtas. Ang kanyang Ama, Ina at batang nasa sinapupunan nito ay hindi pinalad na makaligtas mula sa rumaragasang truck na bumunggo sa kanila. Tatlong buwan ang lumipas bago maka-recover si Eliot mula sa physical injury na kanyang natamasa. Kahit na walong taong gulang pa lamang siya noon, bukas na ang kanyang isipan na siya lamang ang nakaligtas nung panahon na yon at sa kanyang musmos na edad ay kinakaylangan niya nang gumising ng umaga na walang ang kanyang mga magulang at tinatawag na sariling pamilya. Ngunit meron siyang tiyahin na half sister ng kanyang Ina, Tiya Madel ang madalas na tinatawag sa kanya at siya lang din ang nangangalaga sa kaniya sa ngayon. Tulad din ng kanyang Ina, ito ay may sariling pamilya narin, tulad ng asawa at isang anak na lalaki na kasing edad lang din ni Eliot. Ang kanyang tiyuhin naman ay dating nag mamay-ari ng isang maliit na pagawaan ng tinapay sa marketplace, ngunit nag sara ito dahil sa pag nanakaw ng pondo na siya mismo ang may gawa para ipang sugal. Mabait naman ang pakikitungo nila kay Eliot, ngunit sa una lamang ito para ma-appruvahan lang ang adoption papers ni Eliot sa kanyang Tiyahin dahil sa napag alaman nitong yamang na naiwan ng kanyang mga magulang as security fund para kay Eliot. Kahit na para ito sa kinabukasan ni Eliot, walang konsensya pading kinimkim ito ng kanyang tiyahin upang buhayin muli ang kanilang munting negosyo at ipagawa ng bahay. Ginastos niya rin ito ng sa mga walang ka-kwenta kwentang bagay at hindi man lang tinabihan si Eliot ng kahit kakaunting perang pinag hirapan ng kanyang magulang para sa kanyang kinabukasan. Lumipas ang taon, napanatili parin ni Eliot ang mag aral sa Huston Institute Learning School habang siya ay nasa elementarya parin. Labing dalawang taong gulang na siya ngayon at alam niya nang wala siyang maaasahan sa pamilya nang kanyang tiyahin. Inaalispusta rin siya ng mga ito at ginagawang katulong o "boy". Hindi rin siya tinuturing na parang isang pamilya dahil sa tinatagong inggit ng kanyang Tiya Madelsa kanyang pumanaw na Ina. "Eliot Schaumburg" tinawag na ang kanyang pangalan. Oras na upang tanggapin ni Eliot ang resulta ng kanyang secondary gender, tumayo siya sa kanyang ikina-uupuan at lumapit sa kaniyang guro. Nang ito'y lumapit, bumulong ang kaniyang guro at sinabing, "I have to talk to your guardian tomorrow, I want them to meet me in the office, between 2pm onwards. okay?" sabay hawak niyo sa balikat at ningitian ng walang halong malisya, parang ngiti ng isang magulang na nag aalala. Pero sinawalang bahala lang ito ni Eliot at tumango na lamang siya bago bumalik sa kanyang ikinauupuan. Ang guro naman ay tumayo na sa kanyang 'teacher's desk' para simulan ang susunod na klase. Tulad ng araw-araw na pangyayari, ito ay nag sasambit ng mga salita tungkol sa aralin at kasabay na niyon ng pag papaalala tungkol sa ang iba't ibang bagay na dapat gampanan ng isang pagiging alpha, beta at omega tulad ng dapat iwasan at bigyang pansin sa kanilang paligid dahil simula sa araw na iyon at nararapat lamang na maging responsible na sila sa kanilang mga sarili at desisyon sa buhay kahit na mga bata pa lamang sila. Kung kaya't maraming mag aaral ang gusto siyang maging guro, dahil sa maayos nitong pakikipag usap at lagi niya ding ipipaalalahanan ang mga kanyang mag aaral tungkol sa maraming bagay. Siya rin ay karespe-respeto kahit na minsan ay parang kaibigan o kapatid ang trato niya sa mga iilang estudyante. Oras na ng uwian, ang lahat ay nag si alisan na bitbit ang mga kanya-kanyang bag. Tulad ng dati, si Eliot ang huling tao sa kanilang silid-aralan upang ayusin ang mga librong ginulo ng kanyang mga kaklase. Pag katapos nitong mag ayos, ay bumalik ito sa kanyang upuan. Napansin niya ang envelop na kanya pang hindi nabubuksan. Marahil hindi siya intirisado dahil alam niya namang parehas na beta ang kanyang mga magulang kung kaya't ang tansya niya ay isa rin siyang beta. Dahan-dahan niya itong binuksan at binasa ang resulta. Eliot Schaumburg, Omega. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag karoon ng agam-agam sa kanyang puso. Hindi siya nakapaniwala sa nabasa. Omega? Tumakbo sa kanyang isip ang mga tanong na, Bakit? Paano nang yari ito? Hindi ma-aari...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
59.1K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
283.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook