Eliot's Point of View
Mag isa akong naglalakad sa kanto patungo sa aking tahanan. Hindi parin mawala sa aking isipan ang naging resulta ng aking secondary gender test. Ang totoo niyan, meron naman talaga akong sapat na kaalaman tungkol sa mga Alpha, Beta at Omega ngunit ang ipinag tataka ko lang ay ayon sa aking pag aaral ay imposibleng mag kaanak ang dalawang beta ng isang omega. Possible kayang isa ako sa mga maliit mg chance na iyo o baka hindi nila ako tunay na anak. Wag naman sana...
Ngayon ay na iintindihan ko na kung bakit gustong kausapin ng aking guro ang aking Tiya Madel. Marahil ito ay tungkol sa aking resulta at nag aalala siya para sa akin.
Hindi ko namalayan ang paligid, nasa tapat na pala ako ng aming tahanan. Dahan dahan ay pumasok ako rito at dumaretso sa hapag kainan kung saan natagpuan ko ang aking tiyahin na nakatambay kasama ang kanyang nag iisang anak na si Hans. Sila ay nag kwe-kwentuhan tungkol sa naging resulta ng secondary gender test niya, at ang pag kakarinig ko ay isa raw itong beta ngunit ang mga kapwa niya mag aaral ay hindi naniniwala dahil may mga kakayanan siya kaya pang higitan ang isang may dugong Alpha.
Tuwang tuwa naman ang kanyang Ina sa mga ganto nitong storya dahil nararamdaman nitong tama ang pag papalaki niya rito. Sobrang proud siya. At napabuntong hininga nalang ako.
Naalala ko ay araw-araw niya itong binibigyan ng masasarap at masusustansyang pag kain, hindi tulad ng ipinapakain niya sa akin na puro tira-tira. Kahkt sa perang natanggap niya sa pag aalaga sa akin ang nakapag patuloy ng nalulugi nilang negosyo wala man lang siyang itinira para sa akin o para sa kinabukasan ko. sigh..
"Auntie, naka uwi na po ako." Lumapit sa kanya upang yumuko sa harapan bilang pag galang.
"Auntie," nag aalinlangan akong sabihin ang pinapasabi ng aking guro baka kasi magalit nanaman siya kahit na parati naman siyang galit.
"Ano yon Eliot?" Masungit nitong tanong na akala mo nang away ako sa school. Pero paniguradong iyon ang kanyang iisipin.
"...." napalunok ako, sabihin ko muna ba ang resulta ng aking second gender test or papuntahin ko nalang siya sa school "... gusto po kayong maka usap ng aking guro. Kinakailangan ka niya daw po makausap sa kanyang office. Bukas." Muli akong yumuko at napakagat sa aking labi habang yakap yakap ang aking sarili.
"Nag sisimula ka na bang gumawa ng gulo Eliot? Kailan ka pa natuting makipag basag ulo?" sambit niya sa akin. Sabi ko na nga ba iyon ang kanyang iisipin.
Umiling na lamang ako bilang sagot sa kanyang. Sa liit kong ito, mukha ba akong nakikipag away? Isa pa. Maayos naman akong nakiki tungo sa mga kapwa ko mag aaral at dahil don nag karoon din ako ng mga kaibigan at magandang reputasyon.
"That's good. Huwag kang gagawa ng gulo sa paaralan mo, kung hindi ma sisira image ko don at imahe ng aking anak." Pag mamayabang niya sabay lingon sa kanyang pinaka mamahal na anak. "De bale, pupunta rin naman ako bukas, dahil gusto ko rin siyang makita at maka usap tungkol kay Hans," pag papaliwanag niya. "Mabuti pa't mag bihis ka na Eliot at pag baba mo, handaan mo kami ng pag kain, masyado nang mahaba ang tayo mo riyan. Bilis!" Sabay mahinang tulak sa akin para bilisa ko ang aking kilos papa alis.
Eto ang araw araw na gawain ko sa tahanang ito, ang mag linis, mag handa ng kakainin at maging alipin nila. Kahit na mag kakadugo kami ay isang basahan o katulong ang turing sa akin.
Nag simula nang mag dilim, oras na para mag hapunan. Mabilis kong inihanda ang mga plato at kubyertos na gagamitin nila Tiya Madel sa hapag kainan kasama ang buo nitong pamilya. Ako narin ang nagsimulang mag salop ng mainit na caldereta na kanilang ulam ngayong gabi. Ako narin ang nag salop ng isang platong kanin na umaapaw sa daming inilagay ko dahil ubod ng takaw ang kanyang anak at asawa. Kaya't hindi naiiwasang nakakatulog ako ng walang laman ang tiyan dahil lagi nila akong inuubusan ng pagkain.
Maayos kong inihanda ang hapag kainan, dapat ay malinis at kumpleto para hindi ako mapagalitan. Ilang minuto nalang ay mag sisipag datingan na sila rito para kumain. Eto na nga... Sabay-sabay ang naging matunog ang kanilang mga pang-yapak. Hudya't na kailan ko nang umalis sa dining table sapagkat sila ay nagagalit pag nakikita ako roon habang kumakain. Maaari lang akong mag pakita tuwing tatawagin nila ako para utusan.
Tumakbo ako sa likod ng kusina para naman ihatid ang isang pitsil ng juice at kanilang mga baso. Maayos na inihatid ko ito sa hapag kainan bago nag madaling bumalik na sa likuran ng kusina.
Rinig ko mula sa likod ang masayang usapan ng buo nitong pamilya at hindi ko naiiwasan mag isip at makaramdam ng inggit at pang hihinayang sapagkat ganito rin ang karaniwang nang yayari noong nabubuhay pa ang aking Ama't Ina.
Flashback
Tandang tanda ko pa noong tuwing alasyete ng gabi ay umuuwi ang aking ama na may dala dalang pasalubong na sorbetes. Sa oras na makita ko yon ay na papawi ang lungkot ng mga oras na wala siya sa aming tabi ni Mama. Labis niya kaming napapangit at tulad ng isang normal na pamilya sama sama kaming nag lalaro, gumagala at natutulog. Sabay sabay din kaming kumakain bilang pangunahing bonding namin at lagi kami pinapatawa roon ni Papa. Tuwing araw ng linggo naman ay sama sama kaming pumupunta sa simbahan upang manalangin at sa parke para mag saya kasabay ng mga batang bago ko palang na mga kakilala. Ang aking Ina ay may natagpuan ding bagong kaibigan roon kaya't minsan ay naiibitahan din namin sila sa aming bahay upang kumain at ganoon dim sila tuwing may mga kaarawan.
End of Flashback
"ELIOT ! Ang sabi ko ! Isa pang bowl ng ulam!" biglang nagising ang aking diwa sa sigaw ng aking tiyahin para sa isa pang bowl ng ulam. Dali daling kong kinuha ang bowl na lalagyan niya ng ulam sa hapag kainan at sinandok ang natitirang ulam. "Dalhin mo na mismo dito yung kaldero ng kanin, nagugutom pa si Hans." kuda ng aking Tiyahin.
"Okay po, Auntie." sagot ko naman.
Eto na ang huling serving para sa ulam at kanin, mukhang hindi nanaman ako makakakain ngayong gabi.