Chapter III. Meet Zeil

1339 Words
Nasa gitna ako ngayong ng dalawang babaeng nag uusap, ito ay ang aking Tiya Madel at guro na si Binibini Cruz. Kanina pa sila nag uusap tungkol sa estado ng aking posisyon ngayon sa aming paaralan dahil nabanggit na nito na isa akong Omega na hindi ko nabanggit kay Tiya Madel kagabi. "Ang totoo talaga po niyan Mrs. Mabuting bata po talaga si Eliot at wala pong ka-proble-problema siya rito." pag pupuri sa akin ng aking guro. "kaya lang dahil nga sa naging resulta ng secondary test niya, kinakailangan niya po ng ibayong pag iingat araw-araw at kinakailangan niyo din po siya laging paalalahanang uminom ng gamot." sabay na pag aalala niya sa akin. "Totoo po, mabuting bata po talaga si Eliot at alam ko pong kayang kaya niya ang kanyang sarili at andito naman kamj ng Tiyo niya para alagaan at gabayan siya." pa kunwaring pag pupuri at pag aalala sa akin ni Tiya Mabel. Hinahawak-hawakan niya ang aking kamay na para bang nag papakitang tao lang siya sa harap ng aking guro at ang guro ko naman ay pangit-ngiti nalang. Muling nag patuloy ang kanilang pag uusap tungkol sa mga bagay na maari kong ikaharap sa mga susunod na araw tulad ng pag babagong pisikal at nararamdaman. Kunwari pa ang aking Tiya Madel na aalala siya sa akin dahil ang totoo niyan ay may patagong galit siya dahil bakas sa kanyang mukha ang disappointment. Iniisip niya sigurong wala akong magiging pakinabang sa kanila o mananatiling pabigat nalang. Kasabay ng kanilang pag uusap, ipinaliwanag din ng aking guro ang mga dapat gawin sa oras na nag simula na akong mag pakita ng mga senyales sa pagiging Omega, tulad ng pag papakalat ng pheromones at pag dating ng heat cycle na makakatulong naman ang pag-take ng suppressant para hindi na tumagal pa ito. Ang gobyerno at mga ampublikong paaralan sa highschool ay nag bibigay ng libreng suppressant ngunit hindi ito isang napaka gandang klase. Buwan buwan ay binibigyan ang bawat school ng libreng supply ng suppressant upang magamit ng mga estudyante pero hindi kami pwedeng mamili ng brand na gusto namin. May mga libreng kunsultasyon din para sa mga omega ngunit sa mga piling lugar lamang at pampublikong clinic. Kaya't hindi mo din maiiwasang maiisip kung ang gobyerno ba'y gustong tumulong o napipilitan lang. Napabuntong hininga naman ang aking tiyahin dahil sa maaaring gastos na kanya haharapin. Sa mga mukha nito, ayaw niya mag aksaya ng panahon sa akin kung kaya't noong inalukan siya ng aking mga gamot ay agad agad niyang itong tinanggap kahit na pangit ang klaseng gamot ito ayon sa mga review ng mga iba pang omega na naka ranas na. Siguro kung isa lamang akong pusa ay matagal na akong iniligaw ni Tiya Madel. Kung hindi siya nakinabang sa akin noon ay ipag kakait niyang isa ako sa mga pamangkin niya. Maya maya ay napunta na sa iba ang usapan ng dalawang babae na ito, ang naging sentro ng usapan ay tungkol naman kay Hans. Naging maging masigla bigla ang aking tiyahin ng marinig niya ang pangalan ng kanyang anak. Puro papuri ang natatanggap nito tungkol sa kanyang Anak mula sa guro. Mabuti pa sigurong umalis na muna ako. Nag simula na akong mag paalam muna upang mag banyo. Pinahintulutan naman nila ako at pina alis na. Alam ko rin namang gusto rin ma-solo ni Tiya Madel si Bb. Cruz para sumipsip sa kaniya. Pag kalabas ko ng opisina ay nag tungo agad ako ng banyo at sinadya ko talagang magtagal roon. Napag isip-isip ko, umuwi na kaya si Zeil? Sana hindi pa. Si Zeiler or Zeil isang lalakeng omega at ang nag iisa kong kaibigan, isa siyang matalino at masayahing tao. Araw araw ay sabay kaming umuwi dahil tulad ng aking Tiya, ang kanyang Ama ay strict din sa pag didisiplina Ang mahabang oras na aking ginugol sa pag iisip at pag mumuni muni ay naging makahulugan. Nag karooon din ako ng mapayapang oras, muntik na nga akong maka tulog eh. Pero kailangan ko ng bumalik. Oras na para bumalik sa opesina, ngunit sa aking pag lalakad ay nakasalubong ko ang aking guro at sinabing na naka alis na nga ang aking Tiya Madel at sinasabi nitong dapat narin akong umuwi. Tumango naman ako sa kaniya at mag paalam narin para umuwi. Hiling ko sana maayos ang naging mga huling usapan nila para sa ganon ay hindi ako mabigwasan ni Tiya Madel. Third person Point of View Lumipas ang anim na taon. Si Eliot ay labing walong taong gulang na. Kahit sa gantong edad ay nag aadjust parin siya sa pag babagong mararanasan ng isang omega. Katulad na lamang ng sitwasyon niya ngayon. Masama ang pakiramdam ni Eliot, hindi niya lubos na maisip kung bakit. Pero feeling nito ang bigat bigat ng katawan niya. Kahit pilit nitong bumangon ng umaga ay hindi niya magawa. Mabuti na lamang ay Sabado noong araw na iyon at wala siyang pasok. Ang plano niya ay mahiga nalang ng buong araw. *knock* *knock* May biglang kumatok sa bintana ng kanyang kwarto na dating garahe ng kanilang bahay... "Eliot!" pabulong nitong tawag. Kahit masakit ang buong pangangatawan ni Eliot ay pinilit niyang tumayo sa kama para pag buksan ng garage door si Zei. Sa tagal na nilang magkaibigan ni Zeil ay parang mag kapatid na ang turingan nila sa isa't isa dahil sa parating nasa tabi nila ang isa't isa. Kung ang isa ay may kailangan o problema, ang isa ay handang tumulong at sumuporta. Ganoon ka-tibay ang relasyon nila. Inabot nito ang isang bag ng gamot, specifically suppressant na brand recommended niya. "Oh! kunin mo mga gamot." Dahil walang pang bili ng gamot si Eliot ng mga ganitong brand, kumukuha siya sa fund na binibigay ng kanyang mga magulang para maka bili ito. Lingid sa kaniyang kaalaman ay aware si Eliot dito at hangad lang din makatulong ni Zei. "Salamat pero hindi ko matatanggap yan." pag tatanggi ni Eliot. Marahil ay ayaw niya ang idea na umasa sa iba... "pero binili ko yan para sayo!" pag pupumilit ni Zei. "please! inumin mo na!" Ramdam ni Eliot ang pag mamalasakit nito sa kanya ngunit sa simula pa lamang ay itinakda na ng kapalaran ang kanilang hinaharap. Malungkot na ngumiti ito kay Zei, alam niyang hindi siya ang tamang tao para sa kanya pero masaya sila tuwing mag kasama. Si Eliot lang ang nakaka alam ng pagiging childish ni Zei. He is a persistent and playful person. He is friendly and brave too. He has a pretty face and slim body, and he is quite popular in his school. Iba talaga ang nagagawa ng pag kakaroon ng ma-impluwensyang pamilya despite ng pagiging omega niya. Ngunit dahil nga lang ba sa impluwensya ng kanyang magulang kung bakit siya sikat? o may iba pa itong tinatago. "Ang sinabi ko lang naman ay hindi ako sayo makakasabay umuwi dahil hindi pumasok, paano mo nalang na malapit na ako mag heat." Pag tataka ni Eliot. Umiling siya ng tingin, "syempre, isa din akong omega at alam ko kung paano mag calculate ng heat cycle. Isa pa... napansin ko rin yon kahapon." Pag mamaang-maangan ni Zei. Well... may point naman siya. Omega knows Omega? Kahit na nag hiwalay sila ng school at mayroon ng mga bagong kaibigan si Zei, nag bibigay parin siya ng oras pumunta sa kay Eliot at sinasamahan pa siyang umuwi o kung samahan kahit sa anong lugar. Siguro dahil parang magkapatid narin ang turingan nila sa isa't isa. Walang kung ano-ano ay biglang inilapag ni Zeil ang bag ng gamot sa kanyang table at mabilis na tumakbo papalabas. "Siguraduhin mong iinumin mo yan ah at isara ang pinto! Mag kita nalang tayo sa susunod na linggo!" malakas na boses ang kanyang ginamit para paalalahanan si Eliot bago isara ang pinto at habang tumatakbo papalayo ay kinakawayan niya Eliot mula sa bintana. Bumuntong hininga na lang si Eliot at kinuha ang gamot na iniwan ng kanyang kaibigan. Masaya siyang may taong nag aalala sa parin sa kanya at masaya siyang si Zeil iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD