Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, ni ang mga tuhod ko ay nginginig sa takot. "Stop, don't make any move now..." Kaharap ko ngayon si Zeil at nag lalabas siya ng kakaibang pheromones at napipilitan akong mag submit sa kanya. "Get back on your senses Zeiler!" Dahan-dahan parin siyang palapit sa akin, ang mga mata niya ay nag kukulay hazel, iba sa orihinal niyang kulay at parang halimaw ang kanyang titig. "...zeil." nanginginig sa takot ang tuhod ko. Kahit na gusto kong lumayo ay hindi ko magawa dahil nasa corner na ako ng opisina. Gusto kong tumakbo pero naka harang siya sa harapan ko at hindi ko na maigalaw ang mga paa ko. Kahit na gusto kong sumigaw, hindi ko naman mabuka ng malaki ang bibig ko. Parang may pumipigil sa akin. Nabasa ko ito sa isang article. Na pag ang isang omegang katu

