Nahinto saglit ang oras ko noong makita siya. Mag parang humihila sa akin patungo sa kanya. Kahit na naka tayo lang siya mag isa sa tabi ng school wall at naka tunoon ang kanyang pansin sa kanyang telepeno. Alam kong pinag titinginan din siya ng ibang babae. Dahil mukha siyang celebrity or isang anak ng mayamang lalaki na may-ari ng kumpanya.
Sinampal ko ng mahina ang aking sarili. Ano ba yan. Eliot! Umayos ka nga. Kaibigan mo siya, eh ano naman kung pinag titinginan din siya ng iba. Lumapit ako sa kanya para ipaalaam kong andito na ako. "Yo! Zeil!" Nilingon niya ang pansin niya sa akin at ngumiti. "Hi!" Kinaway naman niya sa akin ang kanyang kamay.
Sa ilang araw naming hindi nag kita, feeling ko tumangkad siya. Ganto ba kabilis ang metabolism ng tao pag nag bibinata bakit parang hindi ako na apektuhan ng metabolism na yon. Parang noong nakaraan lang ay mag kasing tangkad kami.
"Kanina ka pa ba nag hihintay?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, kararating ko lang din." Sagot niya.
"Ahh. Tara na sa loob." Sabay turo ko sa loob.
"Tara." Sabay ngiti sa akin.
Nauna na akong nag lakad sa kaniya, sinusundan niya naman ako. Agad kaming pinapasok sa entrance dahil kasama ko naman siya at inabot ko ang entrance ticket na binili ko para sa kanya.
Sa loob ng open area ng aming quadrangle ay marami ng tao, may nag kukumpulang mag kakaibigan o mag jowa sa iba't ibang parte ng venue. Bigla ko tuloy na isip si Zeil dahil wala siyang kasama ngayon ay baka malungkot siya dahil mamaya ay kinakailangan kong umalis. "Tara, duon sa harapan merong upuan." Hinawakan ko ang kanyang kamay para hindi siya mawala dahil kinakailangan naming dumaan sa maraming tao. "Ang lamig ng kamay mo ah." Sabi ko sa kanya dahil napansin kong ang lamig ng kanyang kamay para yelo ang pag kakaiba lang ay hindi ito basa.
"Siguro dahil malamig ngayong gabi." Sabay tawa. Natawa rin ako para sa kanya.
Sa gilid ng stage ay may nakita kaming bakanteng upuan. Hindi naman masyadong crowded ang banda roon at malapit lang sa location ng backstage kaya pwede na rin siya siguro doon. Patuloy kaming nag lakad kung nasaan ang tinutukoy ko. Huminto kami ng nakarating na kami dito at binitawan ang kamay niya
"Sigurado ka bang wala ka talagang kasama?" Muli kong tanong. "Nag aalangan kasi akong iwan ka dahil may trabaho ako sa loob."
"Ayos lang ako dito." Sabay ngiti niya sa akin.
Feeling ko hindi siya okay. Paano kung may Alphang lapitan siya. Tapos tabihan at hilahin.
"Eliot!" Tawag sa akin ng isang familiar na boses. Lumingon naman ako para tignan kung sino iyon.
"Violet!" Si violet iyon na patakbong lumapit sa akin kasama ang iba niya pang mga kasama. Mukha silang taga ibang school.
Pag kalapit niya ay sinimulan na niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya. "Eto nga pala si Joe at Hanna, mga classmate ko sila at eto naman si Cassy, Kelly, at Billy mga kaibigan ko na taga-Clinton University." Sabay naman silang nag 'hi' sa akin at nag-'hi' din ako sa kanila pa balik. "At eto naman si Eliot. Yung kinekwento ko sa inyong kaibigan ko." At bigla siyang tumawa na parang nang aasar at masama ang kinikwento niya tungkol sa akin sa mga kaibigan niya, ningitian ko nalang siya. "Hehe."
Nakalimutan ko... "Eto nga pala si Zeiler, childhood friend ko." Matipid kong pag papakilala kay Zeil. Nasa tabi ko pala siya. "Sa Clinton University din siya nag aaral." Nag ngitian naman sila.
"Actually, kilala namin siya." Sabi noong Kelly. "Athlete ka sa school deba?" Dugtong noong Cassy. Ngumiti naman si Zeil sa kanila. "Ou, ako ngayon." Matipid nitong sagot.
"Kami nga pala yung sa kabilang section." Nag ngitian sila, "ako si Kelly." Pag papakilala noong Kelly na inulit lang. Inabot naman niya ang kamay niya para makilag kamay at nakipag kamay din si Zeil sa kaniya. Sunod sunod namang nag pakilala ang iba pa. Mukhang kilala talaga si Zeiler sa University nila ah at mukhang interested din si Kelly kay Zeil. Hmmm.
Sabay humawak sa braso ko si Violet. "Wow. Kung ganon okay lang ba na iwan na namin kayo dito? Kasi may gagawin pa kami ni Eliot sa loob. Siguro hinahanap narin kami, mga coordinators pa naman kami haha." Sabay tumawa siya. Ou nga ! "Okay lang ba na iwan ko sila dito sa pwesto niyo, Eliot?" Tanong sa akin ni Violet.
"Syempre naman, pwedeng pwede." Mas pabor nga ako doon atleast alam kong hindi ko maiiwang mag isa si Zeil.
"Okay!" Nag paalam na kami sa kanila bago niya ako hilahin papuntang backstage. Napapadalas ata ang panay kapit sakin ni Violet.
Time check: 6:00 pm. Nag simula ng umakyat ang host ng programa na ka-member din namin sa student council para sa pag sisimula ng event. Ang atensyon ng madla ay napunta sa host, nabuhayan sila dahil sabik din silang nag aabang ng amin programa, refreshment narin ito bilang pag tatapos ng aming pangatlong exam.
Marami pa ang nasa labasan para makapasok, sila yung mga late na nakarating. Kaya't kahit na marami na ang nasa loob ng quadrangle ay kaya padin silang i-accomodate ng aming mga ka-team.
Sa unang parte ng programang ito, may 12 participants na mag ba-battle. Merong nanggaling dito sa aming school at meron ding ibang member na nanggaling sa labas. Iba't iba ang genre na kanilang i-peperform, meron rock, acostic, R&B, at iba pa. Kaya masaya ito! Pag katapos nilang mag perform ang susunod naman ay ang ininvite naming sikat na bandang 'A:Kings'. Alam ko mahal ang talent fee nila pero nagawa paring ibitahan sila ni Press.
Nag tuloy-tuloy ang programa ng maayos. Naging sunod-sunod din ang mga participant ng walang naging problema.
Time check: 9:29 PM. Muling nag salita ang program host sa entablado. "Thank you so much, group number 10, Mr.Why oh Why. Oh wow Napaka gandang pangalan. Okay! Ngayon naman ay iniibitahan namin pangalawa sa huling grupo! Oxi:jen!" Pag katawag sa pang labing isang grupo ay nag sihiyawan ang mga tao. Mukha din sikat, karamihan din sa mga sumali ay mukhang nakikipag laban talaga. Pag kaakyat nila sa stage ay ginabayan ko naman sila kung ano ang mga dapat gawin. Pero mukhang alam naman na nila kung saan dapat i-sasalpak ang mga wire na kailangan nilang gamitin. Pagkatapos nilang gawin ang mga dapat nilang gawin ay bumaba na ako.
Mula sa malayo ay may natanaw akong parang nag kukumpulan. 'Ano kayang meron doon.' Medyo malapit ito sa backstage, kung saan nag papahinga ang mga natapos na participants at waiting area ng mga susunod ng participant. May isa namang ka-team kong lalaki ang hingal na hingal na lumapit sa akin. "ELIOT! MAY NAG AAWAY SA TENT NATIN. Ako lang ang nandoon kanina. Kailangan ko ng back up."
"Ano!" Dali-dali akong tumakbo sa location ng gulo. May dalawang lalaking nag susuntukan, mukha silang malalaki at matapang. Isa sa kanila ay participant ng battle of the band at ang isa naman ay hindi ako familiar.
Tumakbo ako sa pagitan nila. "Itigil niyo yan!" Itinulak ko ang lalaking participant ng event namin dahil alam kong siya ang mas kaya ko. Ang ka-team ko naman ay pinigilan mula sa likod ang lalaking malaki. "Hay*p ka Dio! Hindi pa ako tapos sayo." Sigaw noong pinatumba ko dahil sa lakas ng tulak ko.
"Bakit hindi nalang natin tapusin ngayon ito dahil wala narin namang babalik sayo!" Sagot noong lalaking malaki. Patuloy siyang pumapalag sa ka-team kong naka hawak sa kanya. Nabitawan naman niya ito dahil hindi niya rin kinaya.
"Itigil niyo na iyan!" Biglang may lumapit na babae na naka shoulder bag at casual sexy dress sa lalaking tinawag na Dio para pigilan siya. Pero itinulak niya din ito at natumba siya sa sahig. "Don't touch me hoe."
Halatang nasaktan ang babae sa ginawa niya at may namuong dugo sa tuhod at kamay niya. "Ouch!"
Nilapitan ko naman ito para tignan siya. Wala sa planong may mag kasakitan sa event.
"G*gu ka pala eh!" Susugurin na sana ng maliit na lalaki si Dio pero may mga taong pumigil sa kaniya. Napahawak naman ako sa nahulog na bag ng babae, binitbit ko ito at napansin kong medyo mabigat pala ito. Hindi parin sila natigil sa ambaan at palitan ng mga masasamang salita.
Kaya kong palampasin ang gulong ginawa nila sa event pero ang manakit ng babae ay... "SINABI NANG ITIGIL MO YAN!" hinapas ko ng napakalas ang mukha ng matangkad na lalaki gamit ang bag na hawak ko dahil hindi siya nag titigil sa pag hahamon ng away. Ang lahat naman ng taong naroroon ay napa tulala dahil sa nagawa ko.
GASP. gulat na gulat din ang lalaking ka-team ko na pumipigil sa kaniya. Natumba ang lalaking nahampas ko sa mukha pero hindi ito nawalan ng malay. Nag dugo lang ang bunganga niya at nag kasugat. Dumura siya sa gilid at mukhang natanggalan siya ng isang ngipin. May isang lalaking humila ng kwelyo ko at inangat ito. Hindi ko na iwasang tumingin sa mga mata niya at galit na galit. "G*gu ka ah! Sino ka sa tingin mo para mang hampas nalang ng bag sa mukha ng boss namin!" Sigaw sa mukha ko ng julalay na may hawak ng mahigpit sa pwelyo ko.
Hindi ako nakapag salita ng biglang nag si datingan ang mga SSG at volunteers para awatin ang gulo na involve ako.
"Itigil niyo yan! Anong gulo ito, Eliot?" Lumapit naman si Pres sa amin para bitawan ang pag kakahawak sa akin ng lalaki. Inayos ko ang suot kong damit. "May away po kasi, pinigilan ko lang sila." Matipid kong sagot.
"Eh bakit ka niya hawak-hawak at yang bag, kanino yan?? At may dugo!" Tinignan ko kung nasaan ang dugo. 'Ou nga noh. May dugo.' ... "nahampas ko sa mukha niya." Itinuro ko yung lalaking nasa kaliwa ko, yung lalaking nang hahamon ng away kanina at napaka sama ng ugali. Pero ngayon mas masama ang tingin niya sa akin.
"Kay Dio Montemayor?" Banggit ni Pres at mukhang mag kakilala sila.
Maya-maya ay tinulungan siyang tumayo ng mga SSG. "Sige dalhin niyo na yan sa medical tent at ikaw James, i-kwento mo sakin akin ang nang yari. Eliot. Bumalik ka na sa loob at kailangan ka ni Violet doon."
"Opo." Ipinunas ko sa black pants ko ang kaunting dugo bago ibinalik sa babae ang bag niya. "Sorry nadumihan ko ang bag mo." Mangiyak-ngiyak parin ang mukha niya pero mahina siyang nag sabi sa akin ng "Salamat." bago siya tinulungang buhatin ng mga medical staff para dalhin sa tent. Gayon din ang ibang sugatan at ang mga tao ay mag kanya-kanya ng alisan. Ganoon din ako, tumakbo na ako pabalik sa pwesto ko para gawin ang trabaho at tulungan si Violet.
Tapos na pala ang battle of the bands. Mabuti ay hindi napansin ng maraming tao ang gulong nang yari. Nag simula ng magpakita ang A:Kings sa back stage. Nag hiyawan ang mga tao at ako ay napa tulala sa kanila dahil isa sila sa mga iniidolo ko at ngayon ay abot kamay ko na sila. Sila ay grupo ng mga binatang lalaki na may edad 20-25. Magaganda ang kanilang mga mukha at ang kanilang amoy ay humahalimuyak sa bango. Nag niningning sila ngayong gabi at paniguradong meron nanaman silang panibagong performance na ipapakita. Sa tuwa akong makita sila ang nangyari kanina ay nakalimutan ko na.
Nag simula ng mag salita ang host para sila ay ipakilala sa madla, "Mic check! Mic check! Ngayon! Sana ay hindi pa kayo pagod pero kung pagod man kayo ay andito na ang mga nag gwa-gwapuhang lalaki para ibalik ang mga lakas na naubos niyo. Eto na ang pinaka hinihintay ang lahat. Ang A:Kings!!" Nag hiyawan ang mga tao habang pa-akyat amg bandang A:Kings. Isa isa silang nag kumakaway sa mga tao habang sinasalpak sa speaker ang mga guitar na hawak nila. Chine-check din nila kung maayos naba ang tunog ng mga guitara habang ang vocalist ng grupo ay ine-entertain ang madla. Sobrang kampante nilang makipag interact sa madla at parang chill lang. Nakaka tuwa silang panoorin iba sa mga videos na napapanood ko, halatang mga professional.
"Uy! Eliot!" Tapik sa akin ni Violet mula sa likod. "Kanina pa kita hinahanap, saan ka galing?" Pag aalala ni Violet na medyo may inis.
"Ah. May nag away kasi kanina, pinigilan ko lang." Banggit ko sa kanya...
Hinawakan niya naman ang baba ko at iginalaw ng pa-kanan. "Bakit ka may kalmot sa leeg?" Hinawakan ko naman kung saan ang tinutukoy niya at pansin kong may kaunting dugo. Kaya pala medyo makati dahil nag kasugad ako sa pag hawak sa akin ng lalaki.
"Medyo napa-away din kasi ako kanina." Sagot ko sa kanya. Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay. "Tara sa student council office, may band aid ako doon lalagyan kita." Banggit ni Violet sabay hila sa akin pero hinila ko din siya. "Hindi tayo pwede umalis sa pwesto." Paalala ko sa kanya.
Ang location namin ay malayo sa student council office kung saan may sarili kaming room doon na pinag lagyan namin ng aming mga personal na gamit. Sa loob pa iyon ng building A sa pangatlong palapag, mas malapit kami sa building B.
"Okay lang yan. Lahat naman sila nag pa-party party na. Hindi na nila mahahalatang umalis tayo." Casual nitong sinabi. "At saglit lang tayo may gagawin din ako sa taas." Pabulong nitong sinabi.
"Okay.. sige." Sabay nag lakad na kami papunta sa building A at paakyat sa hagdan. Binuksan namin ang pintuan ng office at kung gaano ka ayos ang mga gamit namin pag ka alis ay ganto din ito ka-ayos sa aming pag dating. Dumaretso si Violet sa kanyang bag at binigyan ako ng basang towel, ointment at salamin sa maliit. "Oh. Gamitin mo ito pang linis."
Kinuha ko naman ito idinikit sa leeg kong may kalmot. "Eto pa, band aid." Saba abot niya sa aking ma-cute na band aid. Napa-ngiti naman ako. "Hindi ba nakaka takaw attention pag nag ganto pa ako? Haha" kulay indigo ang band aid at may mga maliliit na ice cream design ito. "Ipang takip mo nalang yan. Tutal pag nakita nilang may kamot leeg mo mag tataka pa din sila. Haha" sagot niya sa akin at nag tawanan kaming dalawa dahil alam namin na iba ang iniisip namin.
"Punta lang pala akong comfort room ah. Hintayin mo ako dyan." Paalam niya. Ngayon na intindihan ko na kung ano ang ibig niyang sabihing may gagawin siya rito. Dahil ang mga student council membera ay may sariling cr at locker room sa dulo ng building na parang mga teacher, ang totoo niyan ay may resting area din kami dito.
Pag katapos kong kinompress ang basang towel sa leeg ko ay inalis ko na ito para lagyan ng oinment.
Bigla namang nag bukas ang pinto ng student council office nang napaka lakas. BOOM! "Ugh! Hu! Ugh!" Nag pakita sa akin ng lalaking hingal na hingal dahil nang galing siya pag takbo.
"Eliot!" tawag nito sa akin.
"Zeil! Bakit ka tumatakbo?" Lumapit ito sa akin para umupo sa aking tabi. May maliit kasi kaming bench sa loob ng opisina para tambayan.
"Kanina pa kita hinahanap. Sabi ni Violet nawawala ka daw kaya nag alala ako." Banggit nito at isinandal niya ang likod niya sa pader. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa pag aalala niya.
"Ah si Violet. Kanina lang mag kasama kami." Tumayo ako para kuhaan siya ng tubig sa water dispenser. Inabutan ko siya ng isang basong tubig, "oh inom ka muna." Tinanggap niya naman ito at ininom. Unti unti ay bumagal ang hingal niya.
Bumalik ako sa kanyang tabi para umupo, "kanina kasi may nang yaring gulo sa tabi ng tent, karugtong ng backstage, pinuntahan ko para tumulong pigilan sila" pag kwe-kwento ko sa kanya kung anong nangyari ngunit parang nasa iba ang atensyon niya. "Ano yang nasa leeg mo?" Seryoso niyang tanong.
Tinakpan ko ito ng aking palad, parang may kakaiba sa mga mata niya. "Ah eto? May lalaki kasing humila nang kwelyo ko kaya nakalmot ako sa leeg." Tumayo ako sa aking kina-uupuan para mag tungo sa pinag lalagyan ng bag ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ako ng kaba katabi siya. Nag si taasan ang mga balahibo ko sa biglang pag palit ng ihip ng hangin.
Naramdaman kong nag lakad din siya palapit sa akin. "Did you let other man touch your neck?" Mas sumeryoso ang tanong niya at nag iba ang tono ng pananalita niya, nakakapanibago. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang naging mas possessive.
Inikot ko ang aking katawan para harapin siya pero kakaibang Zeil na ang kaharap ko ngayon. Hindi na siya ang Zeil na kilala kong Omega.