Chapter V. Preparation

2080 Words
Tatlong araw, naging abala kami sa pag sagot ng mga exam na inilatag sa amin ng aming mga guro. Tatlong araw din kaming namahinga sa pag aasikaso ng Music Festival na gaganapin sa Sabado ayon sa utos ng aming Presidente na si Jamicah. Hiling niyang maka pag-review kami ng maayos at makapasa sa exam. Kaya pala hindi narin gaano kabigat ang mga trabahong meron kami ngayon dahil nagawa na last week habang ako ay may sakit. Nakakalungkot na hindi ako masyadong naka tulong noong mga panahong iyon. Time: 5:00 pm, natapos ang exam ng saktong oras, ngayon ang huling araw ng pag sasagot namin ng exam. Lahat ay natutuwa at ang iba ay nadidismaya sa pag aalala ng mga kanya-kanya nilang sagot. "Eliot! Anong sagot mo sa Test 2, B.?" Ang huling exam namin ay Physics Problems, isa sa mga branch ng Science na sumusukat sa velocity ng isang bagay. "30.4 m/s." "Ughhh!!" Ang kaklase kong nag tanong sa akin ay nag pakita ng pag ka dismaya. May mga kaklase rin akong nakikinig sa usapan namin na natuwa sa sagot ko. Parang inaasahan nilang tama iyon. Well. Confident naman akong tama yon, wag lang sanang mag kaiba kami ng test paper dahil baka mag kaiba din kami ng problem. "Eliot!" May isang tinig ng babae ang sumigaw mula sa labas ng classroom namin. Ito ay si Violet. Naka taas ang isa niyang kamay habang kumakaway sa akin at ang mga kaklase ko naman ay napatingin sa kaniya. Tawag atensiyon ang kanyang ginagawa kaya hindi na nakakapagtaka. "Ka-close mo si Violet?" Tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Sinagot ko naman siya nang, "Ka-member ko siya sa student council at ka-team sa gaganaping Music Festival." Pag papaliwanag ko dahil ayaw ko ng malisya at chismis. "So ibig sabihin lagi mo siya nakakasama?!" Pabulong niyang banggit kahit na gulat na gulat siya. "Nakaka-hang out mo ang pinaka maganda at sikat na babae sa school?! Napaka-swerte mo Eliot!" Pag pupuri niya sa akin, at ipinag tataka ko dahil ang alam ko lang ay siya ang pinaka maingay sa 3rd year. Bumase rin ako sa napapansin ko sa kaniya sa tuwing nag kikita kami sa loob o labas ng meeting room. Siguro tapos naman na siya mag salita, mag papaalam na ako. "Sige. Alis na ako." Ngunit bigla niya akong pinigilan, "Alam mo bang pinopormahan siya ni Hans." Hindi ko alam ang impormasyon na ito kaya't nagulat ako sa kanyang sinabi. Ako at si Hans ay nasa iisang classroom kaya't alam kong nakita niya din si Violet. Ni-lingon ko ang paligid at iyon! Natagpuan ko si Hans sa isang upuan sa likod at masama siyang naka tingin sakin. Ang balita ko ay marami namang nag kakagusto sa kanya, bakit sa hindi pa siya gusto. Napa-ngiti ako ng patago. Si Hans ay morenong lalaki, makapal ang kilay, may magandang mga mata at manipis na labi. 6'11 ft ang kanyang taas at siya ang madalas na inilalabas sa mga patimpalak ng mga Mr.&Ms. aming school kung kinakailangang. Naging sanhi ito para makilala siya sa buong school at pag kaguluhan ng mga babae. Ang kanyang pagiging mapag mataas ay alam ng buong school pero hindi ito naging hadlang para sa kanya upang umangat. Pero makita siya ngayong mukhang nang gagalaiti sa galit ay nakaka-tuwa. Alam kong iba din sa mga kaklase ko ay nakiki-sangayon sa akin dahil ang iba sa kanila ay may lihim na galit sa kaniya dahil sa kayabangan niya. "Psst!" Paswit sakin ni Violet na pumasok na pala sa klasrum. "Ang sabi ni President, sunduin daw kita. Tapos na ba lahat ng exam mo?" "Oo." Sagot ko sa kaniya at nilalapit niya ang mukha niya. "May gagawin ka pa after this??" Habang nilalapit niya ay naka tingin siya sa mga mata ko. Ang mukha ko naman ay kusang lumalayo sa kaniya. "Wala na." Sagot ko ulit sa tanong niya. "Okay!" Bigla siyang ngumiti. Minsan hindi ko rin siya maintindihan, iba't ibang mukha ang pinaparamdam niya sa akin, hindi ko alam kung sa akin lang ba siya ganto dahil omega ako o ganto din siya sa iba regardless ng secondary gender nila. "Tara na!" Hinila niya ang bag kong naka patong sa mesa at binuhat. "Kaya ko namang gawin yan." Nag lakad siya palayo at sinundan ko siya. Sabay kaming nag lakad sa hallway habang hila-hila ko ang bag ko sa kanya. Ngayon ay patungo na kami sa open space area ng school. "Bakit tayo andito?" Tanong ko kay Violet. "I-memeet natin yung coordinator ng event bukas. Sila din mag susuply ng mga equipement at decoration. Makinig lang daw tayu sa sasabihin..." bulong niya sakin. "Kinakausap siya ngayon ni Pres. Ayun sila oh." Tumakbo naman kami para lumapit. Ngayon ay abalang nag uusap sina-Pres. at ang babaeng coordinator ng event. Ang babaeng ito ay mukhang professional sa trabaho niya. Naka suot siyang black vest and black skirt. Makinis ang kanyang kutis at bakat ang hugis ng kanyang napaka kurbang katawan. Hindi siya malapad, ni hindi rin siya napaka payat ang totoo niyan pang modelo ang kanyang katawan at halatang pinag pala ang kanyang dibdib. Ang kanyang make up ay napaka nipis kaya't nag mamanifest ang tunay niyang ganda. Mukha siyang simple at mahinhin na dalaga. "Ang ganda niya noh." Biglang kapit sakin ni Violet habang binubulingan ako. Alam kong parehas lang kami ng tinitignan pero, maganda din President. "Si President?" Banggit ko, at tinignan niya naman ako ng masama, sabay baling ang tingi sa babaeng coordinator. "Siya." Sabay turo nito gamit ang labi sa dalaga. "Ang ganda niya noh..." ulit niyang banggit. "Pero maganda rin naman si Pres..." pag papaliwanag niya, "pero mas maganda si Ms. Maxine." Para kaming nag chi-chismisan lang. "Kilala mo yung babaeng coordinator?" Ginamit niya ang pag tango bilang sagot. "Dati siyang kaibigan ng ate ko. Grumaduate siya sa Clinton University at marami narin siyang experience sa pag buo ng event kahit sa anong theme. Marami siyang resources at staff. Matalino din siya at ma-abilidad. Mostly sa mga event na inorganize niya is from international, lalo na ang Victoria's secret.. Siyempre meron din dito sa Pilipinas tulad ng Binibining Pilipinas. Mga Event sa Malacaña." Banggit sakin ni Violet na may halong pag mamalaki. Napag isip-isip ko namang, "Buti mayroon tayon malaking budget para i-hire siya?" Tinignan niya ulit ako sa mata. Nag tinginan kami, "Ano sa tingin mo sa funds student council natin? Poor?? Bente-bente laman?" She smirk. "I got it. Wala tayong problema sa money and resources noh hahah ako ata nag hahandle nun. Marami akong kapit at si President. Ughh napaka yaman. " Sabay pag pupuri sa sarili at pag hanga kay President. "At isa pa, meron tayong discount sa kanya." She giggles. "Enough para ma-maximixe natin ang budget para lalong gumanda ang event. I'm so excited!" Pag tutuloy niyang sabihin at bumabakas ang tuwa niya sa mukha. Habang kami ay abalang nag uusap, napansin naman kami ng dalagang coordinator. Lumingon siya sa aming direction at ngumit sabay kaway. "Ikk!" Napasinok naman si Violet at napahigpit ang hawak. Napalingon ako sa kanya, alam ko namang si Violet ang kinakawayan niya dahil hindi niya ako kilala. Itinaas lang ni Violet ang kanang kamay niya bilang pag sagot sa kaway ng dalaga. Hmmm. Naka-simangot siya habang namumula. Medyo pinag papawisan din siya kahit nasa labasan kami sabay tago siya sa likod ko. Could it be... "do you like her?" "What? No." She asked. "You like her. Hehe." I repeated in different form of expression. Natahimik naman siya. "Do I look so obvious?" She asked again. And I told her, with a genuine smile, "so obvious." I continued, "as if you stalking her for so long sa mga descriptions mo. "Ikk." Muli siyang sininok habang namumula ang mga pisngi niya. Siguro ganoon lang talaga siya pag kinikilig. Lumipas ang mga oras at nag gabi na. Lahat kami naging abala sa araw na ito at excited sa gaganaping event bukas dahil kami ang unang nakaka-alam ng ma-aaring mang-yari. Sa unang pag kakataon, sabay-sabay kaming umuwi. Kinabukasan, maaga akong ginising ng aking Tiyahin para isama sa panaderya nila. Kahit kaylan ay hindi naman ako niyaya nito na mag-trabaho duon ngunit bakit ngayon pa? Bakit kung kailan may gagawin akong mahala sa school. Iba't ibang utos ang ipinagawa sa akin ng aking Tiya, tulad ng pag lilinis ng mga stainless na tray, sahig, pag display ng mga gawang tinapay at iba pa. "Hindi ba't ginusto mo din ang tumulong Eliot?" banggit ng aking Tiya, pero wala akong maalalang sinabi ko iyon. "Sinabi sa akin iyon ni Hans kagabi, gusto mo daw sumama sa panaderya." Ah si Hans. Naiinis ako galit, pero mas ramdam ko ang galit ni Hans kaya niya nagagawa ito. "Ah! may sinabi din po pala sa akin si Hans. Puntahan ko daw siya ng..." tinignan ko ang orasan. 9: 15 am na! "ngayon na. Puntahan ko daw po siya ngayon sa school. Madali kong inalis ang suot kong apron at nag lakad papalabas ng panaderya. Hindi ko naman na narinig ang mga iba pang sinabi ni Tiya Madel dahil nag lakad na ako papalayo. Nang maka-rating ako sa kanya ay kumaripas na ako ng takbo dahil ang call time namin ay 8 AM at late na ko. Ayaw ko pa sanang magalit sa akin si President at si Violet. Ayaw ko sana siyang abalahin pa inatasang trabaho sa akin, baka sakupin niya lahat. Muli akong tumingin sa orasan. 10 na ng umaga, napatagal ako dahil walang bus na dumadaan. Malayo ang school namin mula sa Market City ng Moreland kaya't kinakailangan kong sumakay, kesa naman takbuhin ko pa eh sobrang pagod na ako. Makalipas ang ilang segundo, natanaw ko na ang bus na paparating sa amin. Mukhang walang masyadong tao sa loob kaya paniguradong makaka-sakay ako. Himinto sa aking harapan ang pinto ng bus at kusang nag bukas ito. Pinauna ko munang bumaba ang iilang pasahero bago ako umakyat. Sa saktong lugar ay bumaba ako sa tapat ng school namin. Dahil weekend ngayon ay wala kaming mga klase pero merong iilang istudyante dito para tumulong. May mga tao narin sa loob lara mag assemble ng stage and equipment para mamaya. Pumasok na ako sa loob para makita ko talaga ang tunay na nangyayari. May mga teacher akong nakikita at abala rin tulad ni President Jamaicah... Sniffing... A pattern of sniffing suddenly appeared beside me. Si violet, inaamoy ako! "I though you are in heat, and lovely-dovey with your boyfriend. Kaya ano ginagawa mo ito?" tanong niya. "what do you mean kung anong ginagawa ko dito... tutulong ako." pag tataka ko lang ay, "and what do you mean in heat? ako? saan mo naman na-- ah.. si Hans, siya nag sabi sayo niyan noh?" Tumango siya, andito siya kanina, kakapalayas ko lang. "wow buti naman" "kanina pa kasi siya nang-gugulo. Sunod siya ng sunod. May pagka-aso ba yang pinsan mo?" sabay buntong hininga. "Hindi ako sigurado, dahil ang alam ko lang ay may saltik talaga siya.." uh. sa tingin mo ikaw lang ang pwedeng manira ah. "True den. Buti nalang iba ka sa kanya." pahabol niyang commento. "Dahil siguro hindi kami mag-pinsang buo kaya ganoon." sagot ko sa kanya. "ohhhhh it make sense now." tumango siya bilang pag sang-ayon. "tara na nga, marami pa tayong gagawin. Tinap niya ang braso ko at sabay kaming nag tungo sa student council office. Naging maka-buluhan ang araw naming iyon. Ang lahat ng naging preparation ay naging maayos at malinis kaya nakaka-tuwang malaman. Oras na nang gabi. May mga iilang istudyante naring pumapasok sa loob ng school para manood. Ako naman ay nasa back stage, sinisiguradong okay ang mga mag peperform at wala silang problema. Ang mga gagamiting instrument ay naka handa narin. Sinigurado kong lahat ng kanilang gagamitin isa-isa ay naka line-up na. Maya maya ay tumunog ang aking telepono... tumatawag si Zeiler. 'Zeiler Moon' ang pangalan niya sa aking caller ID. Haha Sinagot ko ito. "Andito na ako sa labas. Pupuntahan mo pa ba ako? pwede naman akong bumili nalang dito ng ticket.." suggestion niya. "wait! hindi! pupuntahan kita saglit lang." Bigla akong nataranta para sunduin siya. "hintayin mo ako." banggit ko sa kanya. Mabilis akong nag lakad papalabas ng backstage at palabas ng school. Natagpuan ko agad si Zeil na naka tayo sa gilid at nakaka akit siyang tignan. Kahit na ang mga random na tao ay pasimpleng tumitingin sa kanya. Hindi na nakakapagtaka dahil kahit na simpleng casual shirt, pants and black jacket lang ang suot niya ay mukha parin siyang nakaka akit tignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD