PROLOGUE
"Hoy Gia,,isulatan mo nga ako pagkatapos mong magfill-up ng form" Utos ko kay Georgia na abalang nagsusulat ng schedule niya. Nagpapaenroll kasi kami ngayon at next week na yung pasukan,, napasarap kasi ako sa vacation ko sa bahay kaya hindi ko namalayan pasukan na. feeling ko tuloy bitin pa bakasyon. magclassmate pa naman kami apat kaya parepareho na kami ng kinuhang schedule at sa wakas 4th yr na rin kami next sem OJT na at hindi pa kami nakakapili kung saan mag OJT.
"Ayaw ko nga. Dito pa nga lang sa form ko tinatamad na ako tapos papasulatin mo nanaman ako..ano ka sinisuwerte?"puna nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Oo.. Ako talaga ang Suwerte sa pamilya namin kaya inuutusan kitang sulatan mo ako pagkatapos mo diyan." Hindi ko pa ba nasabi na bossy akong tao. Yes ngayon alam niyo na.
"Sinong may sabing swerte ka.. hindi kaya..wala ka nga lovelife eh!..panigurado malamig nanaman ang pasko mo sa darating na december..ilang taon ka na bang single mag20 years na ah! Ang tagal naman." pang-aasar nito saakin. kaya inirapan ko na lang ito aminado naman ako sa sinasabi niya pero hindi naman sana ipamukha saakin yun kasi alam ko naman..pero kahit hindi makulay ang lovelife ko basta masaya pa rin ako kahit nakikita kong may ibang nagpapasaya sa mga kaibigan ko.
"Bastos tong babaeng to! hindi ka tunay na kaibigan..tsaka masaya pa rin ang buhay ko kahit walang lalaking dumating saakin mga sakit lang sila sa ulo noh!."
"Sabihin mo bitter ka lang. dahil may girlfriend yung crush mo at nasaktan ka nung sinabing hindi ka niya type!" pang-aasar pa nito. kainis talaga tong babaitang to. isa pa yun naalala ko nanaman. alam mo yung nagconfess ako sakanya tapos malalamang kong may girlfriend na pala to. para akong tanga nun. nahihiya tuloy ako. Sino naman kasing mag-aakala na may girlfriend na yung tao kasi sweet niya sayo, caring, tas ang bait pa niya. yun pala ako lang nagbibigay ng meaning ng lahat ng ginagawa niya. yan tuloy asang asa na ako. buti nga sinabi ko sakanya agad kung siguro pinatagal ko pa yun baka nahulog na rin ako sakanya. kaya promise ko sa sarili ko hindi na ako aasa at hindi ko na bibigyan ng meaning lahat ng ginagawa nila saakin.
"Nga pala nasan ba yung dalawa? bakit hindi ko pa nakikita?" tanong ko kay Georgia, nasan naman kaya naggala yung dalawang makulay ang lovelife at iniwan nila kaming single dito..Oo single din yang si Georgia pero marami kasing kadate tinitignan niya baka sa mga makadate niya ay si Mr. Right kuno. yan isa rin yang ASAserang babae katulad ko Noon pero ngayon sinabi ko sa sarili ko I'm not going back to the way I was.
"Aba malay ko baka nasa mga Boyfriend at asawa nila.. see pati kakambal mo na unahan ka pa.'' sabi nito habang hindi pa rin nakatingin saakin.
"Ano ka ba! wag ka nga maingay baka malaman nilang may asawa na yung kapatid ko noh! ikaw ang lakas talaga ng boses mo kahit kailan." pinalo ko sa balikat pero hindi naman masakit.
"Yan tapos na ako..Wag ka ng magpapaenroll kasi tamad ka." sabay tayo nito at kinuha ang gamit.
"Eh! sige na kasi..tinatamad talaga akong magsulat wala ako sa mood kasi kakatxt niyo lang saakin kanina na magpapaenroll na kayo." pagpipilit ko dito,, itong mga to kasi ngayon lang nila sasabihin kung kelan tinatamad ako tapos hapon na kaya dapat natutulog ako ng ganitong oras.
"Kasalanan pa namin. Ikaw nga itong late ng pumunta dito. may sarili ka namang kotse. di ba balak mong tumakbong bilang President? wag na. ako ng nagsasabi sayo. kawawa lahat ng officers mo sayo.'' sabi nito, oo nga pala gusto ko sanang tumakbong president nitong school year dahil sa isang rason. at yun ay gusto kong makalaban si Angelica yung umagaw sa crush ko. charot lang!! pero hindi lang dun. kasi nagfefeeling reyna na ito ngayon at akala mo kung sino di hamak na mas maganda ako, mas matalino, at mas mayaman ako sakanya noh. nung nalaman kasi nito na gusto ko pala yung bf niya parati na niya ako inaasar akala mo naman kung sino.
Gusto ko kasing ipakita sakanya na kahit makuha niya si Ian, sisiguraduhin kong hindi niya makukuha ang magreynareynahan dito sa University na to dahil ako ang uupo sa panahong yun.
"Hoy! for your information di hamak mas diserving pa ako na maging president kompara kay Angelica noh. for sure ako rin ang iboboto mo hindi dahil kaibigan mo ako kundi dahil ayaw mo rin siya'' hate niya rin kasi ito lahat kami actually mainit ang dugo namin sakanya dahil kala mo kung sino.
"Oo na! diyan ka lang ipapass ko lang tong form ko.." Sabi nito at iniwan ba naman ako ng gaga na yun pano na ako ngayon..hindi pa ako nakakapagsulat. bakit kasi sa monday na agad yung pasukan nakakainis.
..................................
................................
Naglalakad kami ni Georgia ngayon papuntang cafeteria dahil tinext daw ito ni Kei na nandun daw sila for sure kasama nanaman nila yung boyfriend at asawa nun. hindi ba sila nagsasawa parati na silang magkasama halos araw-araw lalong lalo na yung kapatid ko kasama niya na nga pati sa bahay nila hindi pa rin nagsasawa. samantalang ako sawang sawa na sa pagmumukha nila. sabihin mo lang bitter ka sabi ng subconscience ko. sa totoo naman talaga!..pag ako ang nagkaboyfriend ayaw ko ng ganun masyadong sweet nakakadiabetes kaya. anong gusto mo maging tuod kayong dalawa sabi nanaman ng subconscience ko.. hindi naman yung normal lang yung sakto lang hindi yung mga nakikita kong masyado ng pabebe rin minsan.
"Hoy! dito yung cafeteria saan ka ba pumupunta." sabay guyod nito saakin, hindi ko namalayan lumalampas na pala ako.
"Isa ka rin sa mga lutang ngayon,, alam mo may ibig sabihin saakin iyang mga ganyan,,yung mga nawawala sa sarili." sabi nito ng makapasok na kami sa cafeteria.
"Ano?" tanong ko dito..
"Ano pa edi ibig sabihin makakalovelife ka na rin.!!!" at tuwang tuwa na pa habang sinasabi nito.
"Gaga..pwede namang nag-iisip lang anong konek nun sa lovelife..shunga talaga minsan" tinaguriang deans lister ang babaw pag dating diyan.
"hindi mo ba alam diyan nag-umpisa si Kei at Amanda bago sila magkalovelife marami kasi silang iniisip at iniisip nila ay yung magiging future nila paano kapag ganito pano pagganya..ganun yung mga iniisip nila. wag mong sabihin hindi mo rin iniisip na pano kung nagkaroon ka ng boyfriend."
"Hindi, ba’t ko naman iisipin yung walang kwentang bagay na yan..buti lang naman kung ikayayaman ko yan." pagsisinungaling ko.
"Naku wag kang ganyan masyado..baka magtampo si god sayo hindi ka na talaga bibigyan tumanda ka pang dalaga bahala ka diyan."
"Ewan ko sayo diyan ka nga." iniwan na siya pero alam kong nakasunod ito saakin,,nakita ko naman yung dalawa at himala hindi nila kasama yung dalawang bodyguard nila.
"Oh! nasan yung mga bodyguard niyo?" tanong ko sakanila at umupo ako sa harap nila katabi ko naman si Georgia.
"Ha?...you mean si Tristan at Sydric?" sabi ni Amanda.
"Oo"
"Yun palang tawag mo sa mga bf namin Miranda ah..si Tristan kasama yung mga barkada niya nagpapaenroll pa at si Sydric naman ay Hayun." sabay turo sa malapit sa pintuan kasama rin ng mga kateammates niya nag-aasaran. kaya pala maiingay nung pagpasok namin dito dahil sila yung nasa malapit sa pintuan.
"Ano sis sabay mo na tayong umuwi sa bahay..hindi kasi uuwi sa bahay namin si Tristan kasi uuwi siya sa bahay nila may importante kasi siyang gagawin kaya sa bahay muna ako matutulog." bulong naman ni Amanda saakin. hindi kasi pwedeng basta basta sabihin dahil sikreto lang yun. kami palang ang nakakaalam ng status talaga nila. at hindi naman pinagsabi ni Tristan sa mga kaibigan niya ang alam nila magbf/gf silang dalawa.
"Oo na..dahil ako ang gagawin mong driver mo ibilihan mo ako ng makakain ko. kanina pa ako nagugutom na pagod akong nagpaenroll."
"Hoy! anong napagod..nakaupo ka nga lang dun. ako ang pina- enroll mo kanina. wag mo yan sundin namimihasa na eh! kanina pa utos ng utos. kawawa magiging asawa nito." sabat naman ni Georgia. kaya tinignan ko ito ng masama pero benilatan lang ako nito.
"Yan Sis paki bilihan na kami ng makakain..napagod rin kasi kaming naghintay sayo dito sa school." sabi ni Amanda sabay ngiti nito saakin.
"Oo nga. Ipakita mo na deserving ka para maging President..Para makita nilang mabait ang magiging susunod na president sa school." asar naman ni Kelsie saakin isa pa to nagkalovelife lang dumaldal na masyado good for her. mas madaldal pa kasing boyfriend niya kesa sakanya kaya yan nahawa tuloy.
Nakakainis parang ngayong taon ata ako ngayon tampulan ng asar,,parang dati lang si Kelsie yung inaasar namin ngayon feeling ako na ang inaasar nila.. hayst! baka guni guni ko lang yun.
"Lagot kayo saakin ah!..makakabawi rin ako sainyo sa mga pinagkakagawa niyo saakin ngayon. hindi ko ilalabas ang pagiging maldita ko ngayon..at magiging mabait ako ng pansamantala." at ngumiti ako ng pagkatamis tamis este pagkaplastic sakanila. at ang mga loka ngumiti rin kaya mas lalo akong naaasar sakanila.
"Ok lang yan! mas maganda kung araw arawin mo malay mo maging anghel ka na talaga." pang-aasar naman saakin ni Georgia. tumayo na ako at naglahad ng kamay anong akala nila akong bibili ng pagkain nila ako na nga ang bibili ng pagkain nila ako pang gagastos no way!
"Treat mo na saamin miss president.. di ba sabi mo mabait ka ngayon."
"Hindi..may limitation lang ang pagiging mabait ko kaya sorry kayo. bilis nangangawit na ang kamay ko pag nainis ako hindi ko kayo ibibilihan." sabi ko, nagsilabasan naman sila ng pera,,pero mukhang labag pa sa kalooban nila itong iabot saakin. kaya na pangisi na ako at umalis hindi naman masyadong marami ang bumibili dahil maghahapon na rin at kukunti lang rin ang students dito. hindi naman sa kaunti talaga hindi gaya tuwing school days.
Dala dala ko na yung order ko nasa likuran ko naman yung isang crew na dala yung order nung tatlo. Sabi ko nga sainyo mabait ako ngayon kaya dinagdagan ko yung mga pagkain namin kaya tuwang tuwa ito mga loka loka na to.
"Pag katapos natin samahan niyo akong bumili ng gamit ko para sa pasukan ha!." sabi ni Georgia habang kumakain ito.alam naming hindi gamit sa school ang bibilihin niya yan asa pa. tumango na lang kami dahil wala namang kaming gagawin ngayon. Mayamaya lang may kumalabit saakin kaya naistatwa yung dalawang nasa harapan ko at tumingin na rin si Georgia at ganun rin ang itsura niya sa dalawa. kaya tumingi ako sakanya nagulat rin ako dahil hindi naman madalas na may lumalapit saaking mga lalaki. Hindi sa pangit ako pero parang takot sila pag tinatarayan ko na sila. pero aaminin ko hindi lang doon kaya ako nagulat sino ba namang kasing hindi eh! sa gwapo ba namang nakatayo sa harapan ko at hindi lang basta –basta, because its like a goddess that descended from the sky? nakakaintimitate yung pagkakatingin niya dahil ako yung nakatingala sa kanya.
Dahil dun nabalik ako sa sarili naalala ko hindi na pala maging katulad ng dati erase!erase siguro may kailangan lang ito. tinaasan ko ito ng kilay para hindi niya malamang na nagwapuhan ako sakanya at napanganga na rin.
"What?'' tanong ko dito, maldita mood ako ngayon kaya tinaasan ko siya ng kilay baka katulad rin siya ng ibang lalaki at manginginig sa pagsasalita. pero nagkamali ako dahil tumingin siya ng deretso sa mata ko. kaya medyo naconscious ako sa pagkakatingin nito saakin. ngayon ko lang napatitigan ng mabuti yung mukha,napatingin naman ako mata niya, hazel pala ito..Sa mata kasi ako unang naaattract kaya nainis naman ako dahil maganda yung mga mata talaga niya. Umubo naman ito ng kunti kaya bumalik ang maldita mood ko.
"What's your name?'' tanong nito, hindi ko alam kong matutuwa ako dahil namaintain nito na hindi nabubulol o kabahan. at isa lang ang masasabi ko ang lalim nang boses niya medyo nakakatakot parang kasi inunutusan niya akong sabihin yung pangalan ko.
“Why would I tell you? Am I supposed to know you?'' wow as in wow buti at na maintain ko rin na hindi mabulol sa harap niya at wag ka nakatingin pa talaga ako sa mata niya kasi nga nagagandahan ako. mapapaenglish ata ako ng wala sa oras dahil kay kuya.
" I ask you one more time, what's your name?'' he look really serious kaya bigla akong natakot pero isinantabi ko iyon. Medyo may pagkabossy rin ang isang ito. Bigla tuloy akong nainis sakanya. Ang pangit na agad ng ugali niya para saakin dahil namimilit siya.
" Why do you want to know who I am?'' seryoso ko rin siyang tignan akala niya bibitiw sa pagtitig sakanya dahil gusto ko talaga yung mata niya at hindi ko alam kong pano bibitaw.
" Just tell me your name. that's it. No further question. ” at ngumiti ito pero parang may mali sa ngiti niya dahil hindi naman genuine yun. mukhang napilitan lang.
"Ah! wait nga lang ha! masyado kayong hot na dalawa.. nagkakainitan kayo nang dahil lang sa letseng pangalan na yan. Her name is Miranda Ok na? ..you may go." sabi naman ni Georgia. kaya inirapan ko lang siya. Bakit niya ibinigay halata nga na ayaw ko. Itong babaeng ito nagpaapekto sa itsura ng lalaki.
"Nice to meet you Miranda, I'm Sionne." ngumiti ito at kinuha ang kamay ko at nakipag shake hands feeling ko tuloy nakukuryente ako. humarap naman ito sa mga studyante at sa mga kasama niya which yung teammate nila Sydric. " Listen everyone because from now on, Miranda will be my girlfriend." He proudly said with a smiling face and told the student, so I was shocked when he said it and he let go of his hand. His teammates shouted, and some students clapped while others whispered to each other. The four of us were still in shock.
Nahimasmasan naman ako sa sinabi niya kaya tumayo ako para ipagtangol ang sarili ko sa kabaliwan nitong lalaking to " Ah! wag po kayong maniwala sakanya..nagbibiro lang siya" at ngumiti sa mga tao mawawalan pa ako ng reputasyon sa ginagawa niya. pinalo palo ko naman yung likod medyo malakas para sana bawiin yung sinabi niya. pero ang walang hiya hinawakan pa yung kamay ko at hinalikan ako sa pisngi. Para naman akong tuod dahil shock pa rin ako.
"I'll see you again..My love." tumingin siya saakin at ngumiti at hindi ko inanaasahan yung ginawa niya hinalikan niya ako sa pisngi at bumalik na ito sa mga kasama niya narinignaming nagsigawan sila at may sinasabing kung ano-ano. nagsiaalisan naman na sila pagkatapos ng hindi ko alam kong ano yun.
"that was..EPIC!.hahaha'' basag ni Georgia
"No it was Breath taking" sunod naman ni Kelsie
"OMG! that was sweet.'' pigil kilig ni Amanda
"No!! It was B*llsh*t.. I'm gonna kill that guy." sabi ko, humanda saakin yung lalaking yun pag nagkita kami. Hayst! nakakahiya yun.. sino ba yung lalaking yun? akala mo kung sinong magsasabi ng basta basta na lang ganun.
"Gosh! Sis ampula pula mo." sabi niya sabay tawa nito.
"Siguro kinikilig hahaha." Sabi naman ni Georgia
"Hindi kilig ang nararamdaman ko. Nanggagalaiti ako. Sino ba yun!? akala niya kung sino siya..napahiya tuloy ako sa harap ng mga students, mapapatay ko ang lalaking yun." galit na galit na sabi ko pero nandoon pa rin ang pagkontrol ko sa sarili ko dahil hindi ko kung anong pwedeng ko gawin ko sa mga oras na yun.
"Ang alam ko.. tranferee lang siya at nagtry out sa Basketball at nito lang nakuha na siya..New member nang Basketball team." sabi ni Kelsie.
"Wala akong pake kung varsity na siya ngayon humanda siya sakin pag nagkita kami..hindi ko pa naranasang mapahiya sa harap ng maraming tao..tapos nagawa niya sa isang Miranda ZaineYue " Tumayo na ako at kinuha ko na yung mga gamit ko. hindi ko na pinansin yung tatlo na tumatawag saakin bahala sila diyan wala na akong time pumunta sa mall. bigla akong tinamlay at sa totoo lang naiiyak ako dahil feeling napahiya ako kanina at pinagkakatuwaan lang ako. mababaw kong iisipin pero yun kasi yung nararamdaman ko.
I am the type of person who scrutinizes my actions and carefully chooses my words because I fear making mistakes or saying something wrong. I am a perfectionist, afraid of making errors, even though they say it's okay to make mistakes because no one is perfect.
For me, we were not raised that way. I am the eldest among my siblings, so every move, every word I utter is observed by my parents. I only get to be genuine with my friends and siblings. Pagdating ko sa parking lot binuksan ko lang yung aircon ng kotse ko. May kumatok sa bintana ng passenger seat kaya binuksan ko yung pinto. Sumunod pala saakin si Amanda naramdaman siguro nito na nawalan akong ng mood.
"Ok ka na?" tanong nito, hindi ako umimik dahil alam niyang hindi pa. kaya tumahimik na lang ito.
"Sinabi pala ni Georgia silang dalawa na lang ni Kei ang pupunta sa mall." pag-iiba niya ng topic. tumango lang ako at pinaandar ko na ang kotse. walang umiimik kahit nang makarating na kami ng bahay. Nadatnan namin sila mommy na nag-uusap ni Dad kaya nagmano na lang kami sakanya hinalikan ito sa pisngi.
"How's your enrollment?'' tanong ni mommy
"We already finished before cut the off." buti na lang may spoke person ako ngayon dahil wala talaga ako sa mood magsalita. Tumango lang si Dad at mommy, mukhang nahalata ako ni Dad kaya tumingin ito saakin.
“Is everything all right, Miranda?” tanong ni dad saakin kaya napatingin na rin si Mommy saakin at nagtatanong rin yung mga tingin niya. Binalingan ko naman si Amanda para saluhin ako buti na lang at naintindihan niya ito agad.
“Ah! Medyo maiinit kasi kanina kaya, medyo masakit ang ulo ni Mira,, Dad. Let her rest na lang po.” Sabi nito. Kaya nagpaalam na ako at si Amanda ng kumausap sa parents namin. You're my savior, Amanda, but when you leave again, there won't be anyone to defend me.