SWEET 2

2253 Words
Tapos na ang klase ko kaya inanaayos ko na ang mga gamit ko. “Mauna na ako, asa labas na sundo ko.” Sabi ni Kelsie, at napatingin kami sa labas tama nga at nadun rin si Tristan na hinihintay ang kakambal ko. Buti na lang at fraternal twins kami ni Amanda kung sakali man na Identical kami mahihirapan silang identify kung sino kami. Napairap na lang ako at tinuloy ang ginagawa ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta pag katapos nito ayaw ko pa kasing umuwi. For sure wala rin akong madadatnan dun mga katulong lang parati kong kasama. “Sige na magsilayas na nga kayo.. iwan niyo na akong lahat ganyan naman kayo nang-iiwan sa ere. Di kayo na!. kayo ng may sundo!..Magpasundo nga rin ako sa driver ko.” Pagdradrama ni Georgia hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako sakanya habang inaayos ko ang mga gamit ko. Actually, dapat nga kami yung nagdadamayan ditong dalawa kasi kami yung parehong single in a different ways nga lang. “Ang drama mo naman. tayong dalawa ang magkasama ngayon kaya wag kang nagdradrama diyan. Ano? san tayo ngayon?” Nakangiting sabi ko sakanya. Pero nakasimangot lang ito mas lalo tuloy humaba yung labi niya hindi niya bagay. Para siyang bibe. “Anong tayong magkasama ngayon? Hindi mo ba narinig na mag-isa na lang ako?. Hindi mo ba nakita lumayas ka na rin may naghinihintay sayo sa labas.” May itinuro ito sa labas ng bintana namin nakatalikod ito saamin kaya hindi ko makita kong sino. Umalis na rin yung dalawang kasama namin kanina masyadong atat sa isat isa. “Hindi ako ang sinusundo niyan baka yung ibang classmate natin.” Sabi ko sankaya, may mga classmate pa kasi kaming natira dito sa classroom. “Talaga lang ha! Alangan naman lalaki ang susunduin niya o kaya yung nerd dun.” Tinuro niya yung mga classmate namin na natira at nakita ko nga yung isang nerd na nasa likod at may ginagawa pa ito. Tapos yung mga lalaki na nag-iingay kami na lang yung natira dun. “Oh! Mas lalong hindi naman ako. Sa pag kakaalam ko kasi wala pa akong napapayagan na makadate na basketball player.” Kaya kumunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. Parang nagkaroon tuloy ako ng ideya kung sino ang tinutukoy nito. Pero wag mag-aasume kahit malaki ang posibilidad na siya nga. “Sige mauna na ako, bukas na lang uli.” Sabi niya at aalis na sana ito, pero pinigilan ko siya. “Sasabay na ako sayong maglakad ng parking lot, uuwi na rin ako kung ayaw mong kasama ako.” Sabi ko dito at lumabas na kami ng classroom at hindi nga ako nagkakamali siya nanaman. Kailan ba titigil ito halata namang pinaglalaruan ako nito. Ang sarap tuloy niyang sapakin uli. I saw the bruise on the side of his eye, and instead of laughing again, I felt even more irritated because he looked like a bad boy in that state, especially with his serious expression. Kainis!!! Inirapan ko na lang ito at nagtuloy-tuloy kaming naglakad ni Gia at hindi ko ito pinansin pero si Gia ay binibilisan ang lakad niya para bang nagmamadali ito. Kaya pinalo ko tuloy siya sa braso niya pero mahina lang sensitive kasi yung skin nito parang saakin mamumula agad. “Ano ba! Wag ka nga maglakad ng mabilis. nagmamadali ka?, nagmamadali ka?” sita ko rito. “Kasi naman nakakatakot iyang kunwaring boyfriend mo. Hindi mo ba nakita parang kakatay na ng tao.” Sabi niya at mabilis pa rin itong maglakad hindi ko tuloy alam kong patakbo na rin ang ginagawa ko. Kaiinis nagsisi na rin ako kung bakit nagheels ako ngayon, pero kanina naman hindi ako nagsisi dahil may napala yung pagheheels ko. “Ah! Ganun,, Sakanya natatakot ka dahil lang dun.. Kung sabunutan kaya kita ngayon Pisikal ang gagawin ko nun.” Pagtataray ko rito. Ginawa pang alibi niya yung takot-takot niya nung tinignan ko naman yung tao kanina wala naman akong naramdaman na takot. Tao pa naman ito sa kasamaang palad. “Ah! Basta.. diyan ka na, nakita ko na yung nag-aantay rin saakin.” At bigla itong tumakbo, sumisigaw naman ako para tawagin siya pero hindi na ako nito nilingon. “Bwisit talaga yung babaeng yun. Humanda ka saakin bukas.” Pagmomologue ko, wala na tuloy akong kausap ngayon. Magtutuloy sana akong maglakad uli pero may biglang ng humila sa braso ko kaya napalingon ako sa kanya ng wala sa oras. nakita ko roon yung lalaking masama nga ang tingin ang ipinukol saakin. Pero hindi ko pinahalatang medyo natakot ako sakanya. “So you’re ignoring me just like that? Kanina pa ako naghihintay sayo sa labas ng room mo tapos lalampasan mo lang ako na parang hindi nakita.” May diin nang galit sa mga bawat pagbiliw nito ng galit kaya mas nakadama ako ng takot sakanya pero hindi ko ito pinahalata.Huminga mo na ako ng malalim para hindi maalis ko yung kaba ko at hindi mabulol sa pananalita sakanya. “Sinong bang nagsabing hintayin mo ako? ha! Wala naman akong sinabi di ba! kaya wag mo akong pagtataasan ng boses dito dahil hindi kita kilala at wala akong balak kilalanin ka. Alam mo kung pinaglalaruan mo lang ako, itigil mo na. Ano bang mapapala mo saakin? ” And I want to give a round of applause to myself because I didn't flinch or stutter. Tinaasan ko naman ito ng kilay para makita niya ang pagtataray ko dito. Medyo kumalma naman ito at na realize siguro nito ang pagtrato niya saakin kanina pero mababakas mo na nandoon pa rin yung galit sakanya. " How many times do I have to enlighten you? You. Are. My. Girlfriend."at may halong pakairata sa pagkaka sabi niya na para bang sinsabi nito na slow poke ako. “And who said I agreed to be your boyfriend? Huh? You're just deciding for yourself. Who's foolish enough to believe that you can claim someone as your girlfriend just because you've recently met them? Ano ako gamit na kapag nagustuhan mo makukuha o mabibili mo agad.” balik na sagot ko sakanya. "What exactly do you want me to do? ” sabi nito na mukhang sumuko na. “Leave. Me. alone. Para matahimik na tayong pareho.” sabi ko, nakinunutan naman nito ng noo. "Of course, it is an exception; what I really mean to ask is, what do you want me to do as your boyfriend? ” napanganga naman ako sakanya. So ibig sabihin hindi niya ako pwedeng lubayan pero ayaw ko ng makita yung pagmumukha niya. Parang wala tuloy akong choice kundi maging girlfriend dahil hindi naman niya ako titigilan. Don’t tell me you giving up already? Sabi ng subconscious ko.. Of course not! Hindi lang ako makapag-isip ng matino ngayon parang gusto kong umuwi at kumain ng malamig ng mga pagkain para mahimasmasan ang utak ko. Pero naalala kong ayaw ko muna na palang umuwi sa bahay namin. “Wala na bang pwedeng choices?” sabi ko, baka sakaling may papipilian na maganda kahit papano o kaya naman magbago ang isip niya. "I suppose none... Simply agree to be my girlfriend. Because I will not stop until you do." Sabi nito na confident talaga na wala na talaga akong pagpipilian. Napairap na lang ako sakanya. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko. “Pwedeng bukas nalang tayo mag-usap. Wala kasi tayo sa katinuan na dalawa. Sumasakit ang ulo ko sayo.” Sabi ko, at iniwan na siya at naglakad papuntang parking lot. “Wait As your boyfriend, I hahatid na kita.” Sabi nito sabay ngiti saakin na parang sure na ito. “Ayoko! Wag na!, Wag mo na akong susundan” nagmadali naman akong naglakad pero naka sunod pa rin ito saakin kaya nilingon ko ito. “Di ba sabi ko wag mo na akong sundan.” inis na tingin ang ibinigay ko pero binalewa niya lang yun bago magsalita. “Bakit ikaw lang bang pwedeng dumaan dito? Look papunta rin ako ng parking ok!. But I guess saakin ka rin sasabay.” Hindi ko na narinig huling sinabi nito dahil masyadong mahina ito. Kaya hindi ko na lang pinansin. Hindi na rin kami nagkasabay dahil iba naman ang pinaparkan niya ng kotse niya. Pagkarating ko ng parking lot bigla akong napatakbo sa kotse ko…hindi ko alam kong maiiyak ako or what halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. My gud! Sinong may gawa nito sa kotse ko, ang ginawa lang naman dito ay tinanggal ang apat na gulong nito. Paano ako mamakauwi nito ni hindi ko nga alam kung paano ibalik ito. Tapos iniwan ko yung ibang gamit nito sa bahay dahil matagal naman na akong hindi nagpapaayos at sinisigurado ko kasi na kapag aalis ako ng bahay napacheck ko ito kay Mang Ramil yung personal driver nila Mom at dad. Pero hindi naman kasi nasira, pinagplanuhang talaga na tangalin no. Iniisip ko naman kong sinong pwedeng may gawa nito at wala naman akong maisip na gagawa nito. Kung si Angelica naman I dont think magagawa niya ito kasi matagal ng hindi nagpaparamdam saakin yun at kung siya man bakit hindi siya humarap sakin ,hindi itong gagawa pa siya ng kachildishan niya. Hayst! Wala na akong magagawa ipapakuha ko na lang ito kay Mang Ramil tatawagan ko siya para ayusin na lang o kaya ipaayos niya. "Need a ride? You obviously have a problem." Hindi ko namalayan may huminto na pala na isang Black Cadillac sa gilid ko. Nakita dun si Ano nga palang pangalan niya. My Gud! Miranda boyfriend mo nakalimutan mo sita saakin ng subconscious ko shock! Pati sarili ko nakakausap ko na and ano daw boyfriend Never!. Nakita ko naman na nakangisi ito at para bang alam niyang mangyayari ito. Kaya na pataas naman ang kilay ko. “May kinalaman ka ba dito?” pag-aakusa ko dito at tinignan siya ng seryoso, nag-iba naman ang mukha nito at napalitan ng seryoso rin gaya ko. “Pinagbibintangan mo ba ako? Wala kang ebidensya kaya wag kang magbibintang.” Nakatingin ng deretso saakin, pero kasi…basta malakas lang yung kutob ko. “Kung ako man ang may gawa niyan ba't pa ako nagpunta dito para alukin ka. Di sana umalis na lang ako at hinayaan ka.” Sabi pa nito “Oo na ang dami mo pang sinabi and to answer your question a while ago. Thanks but no thanks magpapasundo na lang ako.” sabi ko at binigyan siya ng plastic na ngiti. Nilabas ko naman yung cellphone ko at tumawag ako kay mang Ramil pero cannot be reach ito kay tinadtad ko na lang ito ng messages. “Pero baka matagalan pa ang pagdating niya maiinip ka pa.” pangungonsensya nito saakin pero hindi ko pinansin yun. “Ok Lang! as long as makarating siya.” Sabi ko, pero sana naman wag siyang matagalan ayaw ko nanggahihintay ng matagal lalo na at sususakit ang ulo ko. Hindi ko rin naman kasi alam magcommute. "You sure? Paano pag hindi makakarating yung sundo mo.?” Tanong pa nito saakin. Hayst! Ang kulit “Di mag papasundo na lang ako sa mga kaibigan ko.” Marami namang option basta hindi ka kasama dun. Gusto ko sanag sabihin yun pero tinikum ko na lang ang bibig ko. “Aabalahin mo pa talaga sila? Paano kung busy rin sila lahat. I'm here to offer you a ride, but you kept refusing. Bat ba ang taas ng pride mo? Ha.” May pagkairita na sabi nito “Hindi ako mapride ok!.. Sadyang hindi lang ako umaapproach ng kung sinu-sino lang. Gets mo.” Ni hindi ko pa nga lubos na nakikila tapos sasama na agad ako sakanya. Pwes!hindi ako tulad ng iniisip niya mga babae na madaling mauto kahit may dugong chinese ito mas malakas ang pagiging Pilipino ko no. at kahit papano may natitirang pa rin na pagka Maria clara ko kahit 10% na lang ito sakin. “Here we go again! Bat ba ang kulit mo rin ano? Di ba sinabi ko na girlfriend na kita at hindi lang ako kung Sinu-sino.” “But..still hindi pa rin kita kilala. Literal as in LITERAL, I dont even know your name.” sabi ko at napakagat ako ng ibabang labi ko. Nakita ko naman itong nagulat at pumikit ng mariin . Dumilat naman ito at tumingin saakin na parang hindi makapaniwala ““Wow! You, lady! They already know me, particularly the girls, despite the little time I've been here. Tapos ikaw na girlfriend ko hindi mo ako kilala kahit pangalan ko you're unbelievable.” Napailing na lang ito, sorry naman inaamin ko na mahina akong magmemorized ng pangalan kaya nga naiinis ako nung Rizal namin dati dahil maraming pangalan at places dun. Huminga naman ito nang malalim at nagsalita. "Let me introduce myself. I'm Sionne, Vince Villacorta. Don't ever forget that name, okay?” Bossy na sabi nito. Inuutusan niya ba ako at ako pang tinakot niya. pero napa oo naman ako ano bang nangyayari saakin feeling ko may spell siyang ginagamit saakin at napapatango na lang ako. “Nice meeting you too Miranda Zaine Yue.” Nagulat naman ako ng binanggit niya ang pangalan ko at hindi lang basta pangalan ko buong pangalan ko pa. Pano niya na laman. Nakita niyang nagtataka ako at humihingi ng kasagutan buti na lang naintindihan niya. "I have my own ways." ngumisi naman ito at parang may mga alam pa siya na hindi niya sinasabi saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD