SWEET 3

2857 Words
“Sa mall mo ako ihatid.” Sabi ko kanya, and yes magkasama kami ngayon at wag niyo ng itanong kung paano niya ako napilit basta mahabang pag-aaway pa ang nangyari. “Why?” “Basta wag ka ng magtanong ok, may bibilhin ako dun.” Pero totoo niyan ayaw ko pa talagang umuwi alas singko palang naman kaya wala rin akong gagawin dun sa bahay. Kahit gusto ko ng mahiga sa kama ko, ayaw ng utak ko. Hindi naman ito nakipagtalo saakin kaya nagpapasalamat ako dahil dun. Sa tuwing nagkikita kasi kami nagbabangayan kaming dalawa pero ngayon parang normal kaming tao. Maya-maya nakarating na rin kami kaya inalis ko na yung seatbelt ko at binuksan ang pinto pero hindi ko ito mabuksan kaya tumingin naman ako dito at nakita niya namang hindi ko mabukasan, may pinindot lang ito at narinig kong nagclick ito kaya alam kung hindi na nakalock. “Thanks, for the ride.” Sabi ko at sinabi ko naman na sa shoulder ko yun bag ko at bumaba na hindi ko na ito tinignan at pumasok na ako sa loob ng mall. Pinacheck ko lang sa guard yung bag ko na kanyang sinundot lang. di ba useless rin hay! Nako. Napairap na lang ako sa hangin. Habang naglalakad ako bigla namang may umakbay saakin. Kaya ihahampas ko na sana yung bag ko sa mukha niya pero mabilis itong kumilos at hinawakan ang bag ko. “Oh! Subukan mo lang lagot ka na talaga saakin.” Nangmakilala ko naman kong sino, binaba ko agad ang bag ko. “Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nakaalis ka na?" takang tanong ko sakanya. “Hindi mo kasi ako pinagsalita kanina. Sasamahan kita.” parang wala lang na sagot nito. “Ha? Wag na may bibilhin lang naman ako tapos uuwi na rin ako pagkatapos.” “Edi maganda, sasamahan pa rin kita. Remember you don't have a car. Walang ring maghahatid sayo. ” pano ako makakatakas sakanya, wala pa naman akong balak na umuwi pa anong ipapalusot ko. “Ok lang! dito na lang ako magpapasundo sa mall.” giit ko pa para hindi niya na ako kulitin pero mukhang malabo yun dahil sa ugali ng lalaki ito hindi siya nagpapatalo. "You know what I just realized? You're not good at lying, so better luck next time." ngiti nito nahindi ko maintindihan kong bakit niya sinabi yun. He took my hand and started walking, I tried to pull away, but he tightened his grip even more. I'm not used to this, it makes me uncomfortable, so I tried to pull my hand back, but it was futile as we both ended up pulling each other. “Wag mo ng subukan pa ikaw rin ang mahihirapan dahil hindi ko ito bibitawan. I won't let you go.” Sabi nito at ngumiting nang-aasar. Ano daw sabi niya? parang double meaning tuloy siya saakin pero inalis ko yung pakassuming ko. Kunwari hindi ko na lang narinig. “Hindi ako sanay, tangalin mo na kasi”. Pagpipilit kong tanggal sakanya. Pero umiling ito. “Masanay ka na dahil parati ko tong gagawin sayo.” Sabay kindat niya saakin, bigla tuloy akong kinilabutan sakanya. Napailing na lang ako, saan ba pumupunta isip ko at nagkaroon tuloy ako ng idea para matanggal yung pagkakahawak niya kaya napangiti naman ako. You’re so brilliant Mira. “Ahm! Wait lang naccr ako daan mo tayo sa restroom.” Sabi ko sakanya, sana kumagat. Nakita ko namang nanghihinala ito pero tumango naman ito kaya napangiti naman ako. Pagkarating ko sa cr nakahinga ako ng maayos bat ganito yung t***k ng puso ko anong nangyayari nagiging abnormal na. nagtagal pa ako ng ilang minuto dun bago lumabas. Nakita ko namang nakasandal lang siya sa labas ng restroom ng girls at pag may tumitingin sakanyang babae nakikita ko ang paghanga nila dito sa lalaking ito. Nakayuko naman ito at malalim ang iniisip gusto ko tuloy tanungin kaso mamaya sabihin niyang feeling close na ako masyado sakanya. Pero di ba girlfriend naman ako sabi niya…Hayst!! Ano ba tong iniisip ko bahala na nga. Hindi niya ata ako nakitang dumating, nakayuko pa rin ito. Ano ba ito? anong sasabihin ko sakaniya? “Ahm..ano? tara na ba?” pag-uumpisa ko, bat ngayon pa ako nawalan ng sasabihin sakanya. At kelan pa ako naging mahinhin sa harap niya. shock! Hindi ko maimagine. Nagulat naman ito nangmakita ako. “ Kanina ka pa diyan?” lutang nga. “Hindi kararating ko lang, hindi mo lang napansin na dumating ako.” tumango naman ito, akmang hahawakan nanaman nito ang kamay ko ng nilayo ko ito sakanya. Nakita ko namang ngumisi ito. “Sabi ko na nga ba. Sabihin mo nga yung totoo saakin alibi mo lang yung pagpunta sa cr kanina hindi ba?"nagulat naman ako sa tanong niya pero hindi ko ito pinahalata. “Hindi no! naccr na talaga ako nun.” Nagsimula na akong malakad nilagay ko naman yung dalawang kamay ko hawakan ng shoulder bag ko baka maisipan niyang hilain at hawakan nanaman yung kamay ko. Tumawa naman ito sa ginawa ko dahil nakahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko kaya tinignan ko siya ng masama. “ You're really unbelievable, yung mga ibang babae sila pa yung kadalasang nagdedemand na dapat gawin ng boyfriend niya. pero ikaw parang kang nabuhay nung spanish era. Masyado kang conservative.” “Alam mo wag mo akong itutulad sa mga naging babae mo dahil unang una, hindi ako sila naiintindihan mo. Wala kang pakialam kong conservative ako sa paningin mo, kaya kung ayaw mo sa ugali ko maghanap ka ng bago mong girlfriend.” “Ok!I'm sorry; I didn't mean to insult you." He sincerely said, at ngumiti ito saakin ng bahagya. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang palalakad hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kong saan ako pupunta wala naman akong bibilhin. “Ibig sabihin pumapayag ka na ngang maging girlfriend ko?” Napatanga ako sa sinabi niya. May sinabi ba ako? >>>>>>>>> I saw her walk ahead after she nodded at me. I knew she really didn't have any intention of buying anything here. I don't understand why she doesn't want to go home, and I still can't believe how different she is from all the other girls I've met. She just held onto the strap of her bag, head down, and I have no idea where she really intends to go. Bigla namang nagkaroon ako ng idea kung ayaw pa niyang umuwi. Manood nalang kami ng sine tamang tama magaganda yung palabas ngayon. Kaso baka lovestory naman ang gusto nito ayaw ko pa naman ng ganun hayst! Bahala na. “Let's watch a movie, Mira. Consider that this is our first date..” Tinignan naman ako nito ng nagtataka. Pero maya maya rin tinaasan nanaman ako ng kilay it's her signature expression. Nag-isip naman ito sandali at tumingi saakin. “Asa ka namang first date ito . Pero ako ang pipili ng panunuorin.” Sabi nito, sana pala hindi ko na ito niyaya for sure corning love story naman ang pipiliin nito. Pero tumango naman ako at ngumiti saakin kaya lalong naging chinita ito. Tumingin mo na ito ng mga nakalagay na palabas hindi ko na lang ito pinansin dahil siya naman ang pipili kaya wala na rin akong magagawa. Alangan naman mag solo ako at magkanya kanya kaming dalawa di sana hindi ko na siya inaya. Nakita yung mga available na palabas mamaya at merong isang action movie tapos isang horror movie at isang filipino lovestory alam kong kilala sa bansa yun dahil naririnig ko sa mga schoolmate naming mga babae na pinag-uusapan baka siguro yun ang pinili niya. “Ako ng magtatago nito may 30 mins pa tayong maghihintay. Kaya bili mo na tayo ng pagkain.” Sabi nito hindi ko namalayang asa tabi ko na pala siya. “You've already paid? Ba't hindi mo sinabi?” sabi ko sankanya, ako ang nag-aya pero siya ang nagbayad hindi ko alam pero naiinis ako ng hindi ko alam. “Huh? Bakit ba? Ok lang naman tsaka ako naman ang pumili ng panunuorin kaya ako ng magbabayad.” Inosenteng sabi nito. “Kahit na ako ang nag-aya sayo dito, kaya ako ang sasagot naintindihan mo?” sabi ko sankanya na hindi pa rin naalis ang pagkairita ko. “Sorry na..Bakit nagagalit ka? natapakan ko ata yung ego mo, mura lang naman yung ticket kaya ok lang. bili na lang tayo ng pagkain.”sabi nito, bakit ganun inosente na s*****a siya sa paningin ko at hindi ko alam bat natutuwa ako sakanya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumalikod na. “Hoy! San ka pupunta? Uuwi ka na ba? Uy! Galit ka pa rin ba?” sunod-sunod na tanong nito pero hindi ko pinansin at deretsyo lang ang lakad ko alam kong humahabol siya. “Wait lang! bagalan mo naman yung paglalakad mo, Galit ka parin ba? Sionne!!.” I suddenly stopped, and a small smile formed on my face. It was the first time I'd heard her mention my name, and it sounded pleasant to my ears, even if she said it in frustration. She grabbed my hand, and I looked at her. She noticed I was watching how she held my hand, and she seemed about to let go, but I was quicker, so I held on tightly and continued walking. “Tangalin mo Sionne, nakakahiya.” Bulong nito saakin pero hindi ko siya pinansin at lalong nilock ko ito, hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong hawakan yung kamay niya. It feels like its perfectly fits to my hand. “Saan ba tayo pupunta, mamaya rin mag-isstart na yung palabas, pangit pa naman pag hindi natin naabutan yun.” Sabi nito at pilit pa rin niyang tinatangal yung kamay niya saakin. “Pupunta tayo saglit ng grocery store, bibili tayo ng mga pagkain natin dun.” Hindi naman ito umimik, pero pilit pa rin niyang tinatangal ang kamay niya. “Subukan mo lang tanggalin yan, lagot ka saakin.” Pagbabanta ko sakanya, at tumigil naman ito madali namang kausap gusto tinatakot pa. pagkarating namin sa grocery store kumuha ako ng cart agad at tinulak ko naman. “Hoy! Ano ka ba kauunti lang yung bibilhin natin. Bakit yan yung kinuha mo?” Sita nito saakin, hindi ko naman siya pinansin at kumuha na lang ng mga pagkain at drinks namin. “Ilagay mo na dito kung may gusto kang bilhin” sabi ko, kumuha na rin ako ng chocolates baka gusto niya at beer naman para may stock ako sa condo unit ko. May mga kinuha naman itong malalaking curls, cookies at pineapple juices. “Hoy! Anong gagawin mo dito sa mga cupnoodles, can goods at beer ha? Balak mo bang maglasing sa loob ng sinehan? Naku sinasabi sabi ko sayo wag mo akong madamay madamay dito.” Natawa naman ako sa mga sinabi niya. “ Silly, of course not. I gonna take this home. Wala na akong stock ng pagkain ko sa Unit ko.” Sabi ko, habang kumukuha pa ng mga cupnoodles. “Bat andami naman masyado, kung wala kanamang palang stock ng pagkain dapat hindi lang yan ang bilhin natin, kuha na rin tayo ng karne o kaya gulay. Hindi puro ito” Sabi nito, kaya nga hindi ako kumukaha nun dahil hindi naman ako marunong magluto. “No need. Masasayang rin sa refrigerator ko yun pag bumili tayo.” “Huh? Bakit naman?” naguguluhang tanong nito “It's very simple. I don't know how to cook. Ok!” “Paano yun, parating ganito yung kinakain mo?.. I think this not healthy, hindi mo ba alam na 5 days pa bago matunaw itong noodles sa tiyan natin at maraming ingredients ang nilalagay dito pati rin itong mga dilata.” Sabi niya, para tuloy siyang nanay ko pero imbes na magalit ako natutuwa ako sakanya kasi parang totoong girlfriend ko siya at nakikita kong concern ito saakin. "You look like a worried girlfriend, which I like." Pang-aasar ko sakanya at tumawa ako, nakita ko namang kumunot ang noo nito. At hindi ako pinansin may mga kinuha pa itong pineapple juices kaya pinabayaan ko na lang siya. Nang matapos kaming namili pumunta na kami ng sinehan pero tumigil ako sa mga nagbebenta ng popcorn at drinks namin. “Ang dami mo ng biniling pagkain sigurado ka bang mauubos mo itong lahat?" “Of course. uubusin natin itong lahat. And I still favor watching movies while eating popcorn.” Sabi ko dito “Edi sana popcorn na lang binili natin keysa marami kang biniling kung anu-ano hindi rin naman pala mauubos nagsayang lang ka lang ng pera mo.” pangangaral muli nito pero imbes na mainis ako ay natutuwa ako dahil namumula ito mapagkakamalan mong galit parati. Masahol sa nanay ko. “Ang daldal mo, trust me hindi yan masasayang kung hindi natin mauubos iuuwi ko na lang ok!.” Hindi naman na ito umimik binigay lang nito yung ticket dun sa nagbabantay at nauna itong pumasok. Tatlong plastic bag ang dala namin siya na ang nagdala ng mga curls na dala namin at saakin naman ay yung mga mabibigat. Naghanap na ito ng mauupuan at napili nitong sa gitna, medyo marami pa ang nanunuod pero hindi di gaya kanina at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kong ano napili nito napanuorin bahala na diyan. Nag-umpisa na yung palabas asa part na ito na katatapos lang magsimba nung family isa lang yung anak nila at nasiraan sila kaya inaayos nung tatay yung gulong nito at biglang nahulog yung turnilyo kaya pinulot nung bata at bigla itong nabunggo ng paparating na sasakyan. Hindi ko alam kong saan ang love story diyan parang ang tragic naman ata. Hangang lumabas yung title nito. “Annabelle Creation? Ayaw mo ng Love story?" tanong ko, tumingin naman ito saakin at tumawa kaya lalong kumunot ang noo. Marami namang nagsita saamin na wag daw kaming maingay pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa pero nakatingin lang sa screen. Maya maya pa ay tumigil na rin ito. “I thought you chose the love story that was shown earlier. I know you girls usually like that.” Mahinang sabi ko. “Sinong may sabi..hindi lahat ng babae ganun. Mahilig rin akong manuod ng love story pero kapag nagsisine kaming magkakaibigan mas pipiliin naming panuorin ay yung mga trill na panuorin yung alam naming magiging worth it yung binayad namin. Natutunan namin yun kay Kei. Although nanunuod naman talaga kami ng love stories but I prefer na sa bahay ko pinapanuod yun at gusto ko mag-isa akong nanunuod o kaya kasama lang kaibigan kasi pag may kasama kang lalaki mas nagiging madaldal pa sila sa babae at andami nilang naicocomment tulad ng sinubukan naming magsine at sinama namin nun si Sydric pinanuod namin nun ay lovestory. Andami ba naman niyang pinagsasabi ansarap niyang ibato sa labas dahil siya lang yung dada ng dada. Simula nun hindi na kami nagsasama ng lalaki pag ganun o kaya iibahin na lang namin yung papanuorin.” Mahabang paliwanag niya habang titig na titig sa screen kahit asa part na nasaniban yung bata at dala dala niya yung creepy na doll. Makikita mong parang sanay na sanay ito na nunuod ng mga gunun na palabas. Natapos ang palabas na hindi ko man lang ito nakitang sumigaw o nagtakip ng mata nito. Napailing na lang ako sa sarili ko dapat hindi na ako magulat sa mga iba sakanya dahil ibang iba talaga siya sa mga babae na dumaan saakin. I don't want to compare her to them because she's different from the moment I see her until I get closer to her, and she's something I can't explain. Hinatid ko na siya sa bahay nila kakain pa sana kami sa restaurant pero sabi niya uuwi na daw siya dahil baka hanapin na siya. Kaya wala na akong nagawa at hinatid ko na ito, parang takot na takot siyang gumawa ng kasalanan pero nagagawa naman niya. “Thanks again, dito mo na ako ibaba.” Sabi nito at nagtangal ng seatbelt niya. Nasa isang bahay palang kami at alam ko isang street pa bago ang bahay nila. “Huh! Pero alam ko hindi pa dito yung bahay niyo.” Sabi ko at tumingin naman ito saakin ng nagtataka. “Hindi ok na ako dito. Hindi nila pwedeng malaman na may naghatid saakin lalo na at lalaki.” Sabi niya at bumaba na sasakyan. Hindi na ito tumingin saakin at naglakad na ito ng mabilis buti naman at hindi na ito matatapilok. Bago kasi kami umalis binilihan ko pa ito ng dollshoes niya dahil halatang sumasakit na yung paa niya dahil sa taas ng heels niya buti nga at hindi na ito nagreklamo pa. Napansin kong mahilig talaga ito sa maroon. May naalala pala ako sh*t! ang tagal kong kasama siya hindi ko man lang naitanung kung anong no. niya. tatanungin ko na lang kay Tristan for sure ipapatanung niya sa kapatid nito. I believe my plan will be successful this time; just keep up the good work, Sionne. >>>>>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD