“ANAK, bakit hindi ka pa natutulog? Malalim na ang gabi, magpahinga ka na. Masama sa buntis ang magpuyat.” Lumamlam ang mga mata ni Lorrene habang nakatanaw sa labas ng bintana. “’Nay, hindi pa po umuuwi si Froilan, eh. Hihintayin ko lang po.” Kumunot ang noo ni Nanay Divine saka matamang tinitigan ang anak. “Bakit hindi pa umuuwi? Anong oras na. may problema ba kayo, anak?” “Wala po kaming problema, ʼnay. Hintayin ko na lang po siya, matulog na po kayo.” “Sigurado ka, anak? Mauna na ako sa ʼyo, ha? Maaga pa ako bukas sa restaurant.” “Sige po, ʼnay. Good night.” Naiwang mag-isa si Lorrene sa sala. Kanina niya pa sinusubukang tawagan si Froilan ngunit hindi niya ito ma-contact. Hindi na matapos-tapos ang kaniyang pagluha dahil sa sakit na binibigay nito sa kaniya. Iniisip niya na ba

