Chapter One Memories
Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Inis na kinuha ko ito at sinagot iyon.
Wala naman akong inaasahan na tawag kayat nagtataka ako kung sino ito. Napansin ko ring hindi ito nakarehistro sa Phone book ko. Kaya wala akong ideya kung sino ang nasa kabilang linya.
Napalinga rin ako sa Orasang nasa gilid lamang ng higaan ko. Past 4 pa lang ng umaga kaya pala ang sakit sakit pa ng ulo ko ng magising ako dahil sa ingay.
"Hello?" Nag aalangang tanong ko ng sagutin iyon.
Umalis narin ako sa higaan para mag banyo. Habang nasa tenga parin ang cellphone ko at inaantay na mag salita ang taong nasa kabilang linya.
"Ahrmm patra" Tikhim ng kilala kong boses na ikinabigla ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag fa-flash ng ihi ko sa inidoro ng magsalita ito. " Ante Maribeth mo to.." Dagdag nito.
Akmang ibababa ko na yung tawag ng mag salita ito at naka kuha ng atensiyon ko.
"Meron akong trabahong ibibigay sayo.. ahhmm alam ko galit ka parin sakin dahil sa mga nagawa ko this past year pero alam mo namang ginawa ko lang iyon para sa mga pinsan mo."
"Oo naalala ko" malamig na putol ko sa iba niya pang sasabihin. Wala akong oras para makinig pa sa mga sasabihin niya. "Binubuhay mo lang naman sila sa perang kinikita mo sa panloloko ng kapwa.
Dahil sa kaniya muntik na akong ma-gang r**e ng mga tigang na Employer niya. Dahil sa kasakiman niya sa pera.
I just want a job kaya pumayag ako sa alok niyang trabaho na 15k daw ang sweldo mangangasambahay lang sa isang mayaman na pamilya pero malayo iyon sa trabahong sinabi ni ante Marebeth ng sunduin ako ng dalawang naka itim na lalake gamit ang kotse at dinala ako sa di ko alam na lugar. Buo ang tiwala ko kay Ante Marebeth kaya magaan pa ang loob ko ng sumama sa mga lalakeng sumundo. Ngunit simula ng mamuo ang espekyulasiyon ko sa isipan ng madaan namin ang di ko kilalang lugar.
"Malapit na po ba tayo?" Sa wakas naisa boses kong tanong sa dalawang kasama sa harap.
"Oo miss malalasap mo narin ang sarap" naka ngising asong saad nito habang naka tingin sa repleksiyon ko sa rear view mirror ng sasakyan.
"A- ano po ba tinutukoy niyo?" naguguluhang tanong at nag simulang kabahan sa nangyayari.
"Naku miss ganiyan na ganiyan rin ang unang sinasabi samin ng mga pumaspasok na babaeng katulad mo piling inosente "
"Ho? ano po bang pinagsasabi niyo?"
"Wag ka ngang madaldal diyan naririndi na ako sa boses mo katatanong!" Sabat ng isang lalake na siyang nag mamaneho. Naka suot ito ng itim na sumbrero at mask na halos kalahati lang ng mukha nito ang nakikita.
"Pero saan niyo po ba ako dadalhin at ano po bang trabaho ko?"
"Pwede ba manahimik ka na lang babae!" halatang nagpipigil na galit na saad sakin ulit nito.
Pinakatitigan ko siya sa rearview mirror at nakita ko ang itim na mga mata nito na nagsasalamin sa kaniyang pagkatao hindi rin nakalagpas sakin ang matangos na ilong nito na kahit natatakpan ng manipis na tela ay alam mong matangos iyon. Ngunit bigla na lamang kumalabog ang puso ko ng tumitig rin ito sakin. Agad akong napa iwas ng tingin at inabala na lamang ang sarili sa kinauupuan. Nagdasal na sana walang mangyari sakin na masama.
Hanggang sa makatulog na ako sa kaantay kung saan nila ako dadalhin.
"Babae gising!" Marahas na pukaw sakin ng kaninang lalake at may binulong sakin. "Take this with you"
May inilagay ito sa gilid ng suot kong pantalon at naramdaman kong Maliit na kutsilyo iyon. Magtatanong pa sana akong gagawin ko sa kutsilyo ng marahas ako nitong kunin at ibinaba sa sasakyan.
"Aray!"daing ko ng hawakan ako nito ng mahigpit sa braso at idinala sa kung saan. "Ano ba nasasaktan ako!" Ngunit nanatili lamang itong naka foker Face at tila walang pake alam sa pagrereklamo ko. "Ano ba kayo? sino ba kayo bakit niyo ako dinala dito?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Clap Clap Clap
Narinig kong palakpak kung saan. Hindi ko namalayan na sa pagpupumiglas at pagrereklamo ko ay nakarating na kami sa isang kwarto.
Nakita ko ang matabang lalake na naka upo sa harap ng study table nito habang naka ngising naka tingin sakin.
"Tiyak na malaking pera ang darating sakin matapos kong maibenta ang katawan ng babaeng iyan." saad nito at malademonyo pang tumawa sa naiisip na kahibangan.
"Gago ka ba?" Sigaw na saad ko sa matabang lalake at akmang susugurin siya sa sobra kong pagngingitngit ng galit dahil sa sinabi kahit na kinakabahan.
"Anong sabi mo?" Tanong nito na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Hindi ka lang pala gahaman sa perang mataba ka bingi ka rin!"
Naramdaman ko naman ang mas lalong paghigpit ng hawak sa aking braso at nakita ko ang pag tagis bagang ng lalakeng katabi ko. Gusto kong magpumiglas sa kapit nito pero mas lalo lamang ako nitong hinapit sa tabi niya.
"Stupid!" Bulong nito sakin na ikinatindig balahibo ko. Nararamdaman ko kasi ang mainit at mabangong hinga nito na humahaplos kaliwang pisngi ko. Nakatalikod ako mula sa kaniya kaya hindi ko nakikita ang buong itsura niya pero kung pagbabasehan ang mababa at malalim na tinig nito ay iisipin kong gwapo ito. Nararamdaman ko rin ang matigas na dibdib at braso nito na hindi aakalaing ganitong klase ang trabahong kinasasangkutan nito.
Sa totoo lang meron na akong ideya kung bakit ako naririto at naiinis akong isipin na sariling kadugo ko pa ang magpapahamak sakin dahil lang sa kaperasong pera na mauubos rin naman.
Paano na lang ang buhay ko kung matapos nilang gawin sakin ang masama nilang binabalak.
"Dalhin mo na ang walang modong babaeng yan sa Red Room!" Sigaw ng demonyong mataba.
Kaagad namang sumunod ang lalake at Hinila ako kung saan.
"Pwede ba alam kong may natitira pang kabutihan diyan sa puso mo please tulungan mo naman akong makalabas dito. Hindi ito ang trabahong gusto kong pasukan." Nangingiyak sa takot na paki usap ko sa lalake subalit tila wala itong naririnig at ipinasok ako sa isang madilim na kwarto.
Nanginginig na yumakap ako sa likod nito ng akmang iiwanan na ako nito doon.
"Please! nagmamaka awa ako alisin mo ko dito ayoko dito! natatakot na ko!"
Umismid lamang ito at sinabing " Ang tapang tapang mo kaninang sagot sagotin ang matabang yon pero para kang kaawa awang kuting ngayon na nagmamakaawang ampunin ko."
"Please..." Ani ko ng di pa rin siya binibitawan.
"Anong makukuha ko sayong kapalit kung tutulungan kitang maka alis dito? hmm you have nothing but yourself and family"
Bigla naman siyang nabuhayan sa sinabi nito at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Gagawin ko ang lahat alisin mo lang ako dito pangako." Tugon ko nang walang maisip na ibang paraan para ibigay dito bilang kapalit sa malaking tulong na gagawin nito kung sakaling matulungan ako nitong maka alis sa lugar na ito.
"Are you sure of that?"
"Ye...yess." Nag aalangang sagot ko.
"Stay here and trust me aalisin kita dito" anito matapos ay nagpaalam narin.
Pagka alis nito ay sumiklab ulit ang kabang nararamdaman ko pero nangingibabaw parin ang tiwala ko sa lalake na tutulongan ako nito.
Nagising na lamang ako ng malakas na bumukas ang pintuan. Kinakabahang napa yakap ako sa aking tuhod at nagsusumiksik sa gilid ng upuan na naroroon.
"Here is our new lady for the night Mr. Ching i hope her performance satisfy you." narinig kong saad ng matabang demonyo bago buksan ang ilaw.
"Oww" Paunang komento ng matandang intsik habang ang mga matay parang kakainin ako ng buo sa paraan ng pagkakatitig nito sakin. "She looks young and innocent Custavo your really know me that i like young and nave girl." natatawang dagdag pa nito sa kausap.