Hanggang sa kinagabihan iniisip ko parin ang tungkol sa nangyari. Bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Olivia sa tumawag dito? yung nag aalalang mata ng tumingin ito sa akin.
Anong problema? Hanggang sa naka tulugan ko na lang ang isiping iyon.
After day passed nagpatuloy parin ako sa pagtrabaho sa coffee shop ni Olivia. Kahit madalas na wala ito sa office nito. Kahit si Elias na boyfriend nito ay hindi rin alam kung nasaan si Olivia at kung ano ang nangyayari dito. Matapos ang unexpected call nito sa kung sino.
"Elias may alam ka ba kung bakit wala madalas si Olivia sa Coffee shop? Ano nang nangyari sa kaniya? di kasi siya sumasagot sa text at tawag ko na alam kong hindi siya ganun... baka may na ikwento siya sayo" Nag aalalang tanong ko kay Elias.
Napagdesisyonan naming magkita since pareho kaming nag aalala sa nangyayari kay Olivia. Nandito kami ngayon sa Xxx Restaurant na madalas kainan naming tatlo.
"Hindi ko rin alam Patra. Madalas ko rin siyang napapansing nakatingin sa kawalan when im with her hindi niya rin sinasabi yong problema niya. Kaya i dont have idea kung anong problema niya. Shes becoming cold. Ni hindi na siya nagtetext sa akin or tumatawag. Then onetime i saw him with someone else sa Luxury Mall hindi ko alam kung sino yon and hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin ang kasama niyang lalake pero laking gulat ko ng makita kung sino iyon"pambibitin nito.
"Ano ituloy mo sino ba?"kinakabahang tanong ko. Thinking na magloloko ang kaibigan ko dito ay hindi ako maniniwala. Elias is her dream man. Ito ang lalakeng pinangakuan niyang pakakasalan. Alam kong mahal na mahal niya ito dahil ako mismo ang nakakasaksi sa matibay na pagmamahalan ng dalawa. Sa loob ng Sampong taon. Hindi pa kami magkakakilala ni Olivia ay boyfriend niya na ito.
"Laking pagsisisi ko dahil sa ginawa ko. It was my boss Mr. Suarez."
"Ibig mong sabihin yong boss mo na palagi mong kinukwento na hindi nagdadalawang isip na tumulong sa pamilya mo."
"Oo alam kung matinong lalake si Mr. Suarez kaya sobrang hiyang hiya ako ng paghinalaan ko ito at suntukin. Mabuti na lang hindi masiyadong napalakas ang pagkakasuntok ko."
"So ano? Anong nangyari?" atat na tanong ko.
"Nadesmaya ako ng ipagtabuyan ako ni Olivia ng masaktan ko si Mr. Suarez."
"Hanggang ngayon hindi pa ba kayo nag uusap ni Olivia?"
"Actually nag usap na naman kami pero hindi ko na siya maramdaman. Hindi ko na makita ang dating Olivia na Mahal na mahal ako"
"Ano? Baka may problema lang Elias?"
"Bakit hindi niya sakin sinasabi kung meron man? Bakit sinasarili niya lang? Hindi ko gustong isipin na may mahal na siyang iba pero iyon ang nararamdaman ko." malungkot na tugon nito.
Nang may narinig kaming palakpak sa gilid namin at pareho kaming nagulat ng makita ang halatang galit na si Olivia.
"Olivia?.." agad na lumapit sa kaniya si Elias na tumigil rin ng makita na may humawak sa braso ni Olivia.
"Whats the matter Olivia?" pag aalalang tanong ng lalakeng kasama ni Olivia.
Ang boses ng lalake... pamilyar.
Nang sinubukan kong tingnan ang lalake. Agad kong napansin ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumalabog ang dibdib ko. Ang mga mata niya pakiramdam ko nakita ko na ito dati. Hindi ko lang eksaktong natatandaan kung kailan at saan. Hindi ko maalala. Nagulat naman ito ng makita siya. Nakakunot noong sinuyod niya rin ng tingin si Elias na nasa harapan ko lamang. Nakita ko ang di niya pagkagusto sa nakikita.
"Nothing Romeo Lets go" anito at walang sabing umalis.
Ngunit nanatili itong nakatayo roon.
"Mr Romero why are you with Ms. Santos?"
Nanlaki ang mata ko ng banggitin nito ang apelyido ko.
"Ahh boss she's our friend we just came here and talked about her" tugon ni Elias habang ang atensiyon ay nakabaling sa mga kamay ni Olivia na nakakapit sa braso ng lalake.
"Olivia nag aalala na kami sayo. Hindi ka man lang nagsasabi kung nasaan ka." Singit ko dahil ramdam ko na ang tension ng dalawa.
Nakita kong napa closed fist si Olivia at matigas na sinabing " May importante lang akong nilalakad Patra you don't have to worry about me. Sayo ko muna iiwanan ang pamamahala sa coffee shop ko. And about you Elias I want to let you know that I breaking up with you."
Napatagis bagang si Elias dahil di makapaniwala sa biglang anunsiyo ni Olivia .
"Olivia! ano ba to?" ani ko sa maliit na tinig.
Gusto kong suwayin siya sa sinasabi nito.
"Sige kung yan Ang ikasasaya at ikagagaan ng kalooban mo Olivia pumapayag akong hiwalayan mo..."
"Elias!" saway ko rito.
Gulong gulo na Ang utak ko kung ano bang nangyayari ngayon. Napalinga linga ako sa paligid. I saw other costumer staring at us and gossip about what happen.
"Pag usapan niyo muna to Elias, Olivia. Ilang taon na kayo ngayon pa ba kayo susuko?" dagdag ko sabay hawak sa magkabilang kamay nila.
"Patra just let us be apart. Matagal kong pinagdesisyonan ito." saad niya sabay bitiw sa pagkakahawak ko.
"Olivia she's right." singit ng lalake.
'Ano ba siya ni Olivia bat parang pinagduduldulan pa nito ang bruha na ayosin ang relasiyon nito?' tanong ko sa isip
"But Romeo I already set my mind at ayoko na magulo pa iyon. Dahil lang sa opinyon ninyo."
"Hindi naman si pinakakaelaman kita Olivia. Nakikita ko kasi sa mga mata mong hindi ka masaya sa naging desisyon mo."
"What can that love actually do, Patra? Huh? Tell me? Can it pay for the land and the company I worked hard for, just so they won't be taken by the person Daddy mortgaged them to because of his gambling addiction?" Naiiyak nitong tugon sakin.
"Kaya naman natin yang pagtulungan Olivia eh" Saad ni Elias nang marinig ang pasimpleng dahilan nito kaya ito nais makipaghiwalay sa kaniya.
"Anong magagawa ng kakarampot mong sweldo para mabayaran ang 35 milyon na utang ni Daddy ha ng hindi masasalba ang kompaniya at lupa ko ha?" saad nito na may halong pang iinsulto.
Napatiim bagang na lang si Elias dahil sa lumalabas sa bibig ni Olivia.