Almost 5pm na nang matapos ang mga activities at halos naubos na rin ang mga estudyante. Nagsisimula na rin kaming maglinis ng mga kalat at magligpit sa kaniya-kaniyang booth.
"Congratulations guys for doing a great job dahil nakaipon tayo ng a total of 29,000 pesos para sa children foundation na napili natin!" Anunsyo ng president namin sa Management Club na si Kuya Kris.
Nagpalakpakan kaming lahat sa narinig.
"Jona, mauna ka na umuwi. Dadaan pa kasi ako sa baking club," sabi ko nang makalabas kami sa Management room.
"Sure ka? Pwede naman kita hintayin para sabay na tayo"
"Hindi na. Gagabihin ka na. Alam kong pagod ka na rin. Hindi ko alam kung makakaalis ako doon agad e. Don't worry magpapasundo ako kay Mang Nestor." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Sige kung ganoon mauna na ako sayo. Text na lang later."
Nagbeso kami bago ko kami maghiwalay.
"Guys, sorry I'm late." Bungad ko sa mga kasamahan ko doon nang buksan ko ang pinto. Nilingon nila akong lahat na may ngiti sa mga labi.
"It's fine. No worries. Anyway, nabilang na namin ng nakuha natin funds. Nakalikom tayo ng almost 12,000 sa baked goodies plus 15,000 donations. So we have a total of 27,000 for charity na napili natin." Balita sa akin ni Ate Meg. Our Head pastry chef.
"Wow! Malaking tulong iyan," malawak ang ngiting sagot ko.
"True! Oh, ito nga pala 'yong mga tirang chocolate chip sa huling batch na naiwan mo kanina. Pinaghati-hatian na namin, ah?" sabi ni Sab.
Iniabot nila sa akin ang mga chocolate chip na nakalagay sa plastic na may ribbon katulad ng pinaglagyan namin kanina ng mga binenta namin.
Paglabas namin ng room ay sinalubong kami ng malamig na hangin at malakas na ulan.
"Nako, ang lakas pala ng ulan. May payong ka ba?" tanong ni Ate Meg habang naglalakad kami sa hallway palabas ng building.
Napanguso ako at umiling. Sinabay ako ni Ate Meg hanggang makarating kami sa parking lot. Dito ko na lang siguro hihintayin si Mang Nestor.
"Okay ka lang ba dito?" tanong ni Ate nang makaupo ako sa waiting shed malapit sa parking lot.
"Yes, Ate. Dito ko na lang hihintayin 'yong driver namin." Nagpasalamat ako sa kan'ya bago siya umalis.
Kinuha ko ang phone sa bag at nag-check ng message. Ang dami na pala message ni Mang Nestor. Naghintay raw siya kaninang hapon pero umuwi rin para mauna na lang iuwi si Harvey dahil hindi niya ako ma-contact.
Sinubukan ko siyang tawagan at matagal bago niya nasagot iyon.
"Hello, Mang Nestor? Pasundo na po ako. Pasensya na po ngayon ko lang nabasa ang message niyo," agad wika ko rito.
"Naku, Ma'am... Mabuti naman at tumawag kayo. Nag-aalala na po kami. Pasensya na rin po kung umuwi muna kami ni Harvey. Sige po pupunta na ako ngay--" Naputol ang sinasabi nito.
Tiningnan ko ang phone kung nasa linya pa ba ito ngunit nakapatay na iyon. Malas naman! Ngayon pa naubos ang battery.
Medyo nilalamig na ako sa lakas ng hangin at ulan na tumatama sa akin kahit nasa silong ng waiting shed. Luminga-linga ako sa paligid at may iilan na lang na estudyante ang naroon.
Unti-unti na akong nakakaramdam ng takot. Although safe naman sa loob ng campus pero hindi ko gusto na umabot sa puntong mag-isa na lang ako roon. Pinagdadasal ko na lang na sana ay dumating na agad si Mang Nestor.
Halos 30 minutes na akong naghihintay pero wala pa rin ang sundo ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:30 na pala. Medyo nanginginig na ako sa lamig. Puting blouse lang ang suot ko at skinny jeans. Medyo basa na rin ang white sneaker ko.
"Miss Dela fuente?"
Mula sa pagtingin sa basa kong sapatos ay nag-angat ako ng tingin. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya rito. He looked tired but still so handsome.
"What are you doing here? It's late. You should be at home by now."
"Ah.. kasi po Sir hinihintay ko pa po 'yong driver namin." Medyo nauutal kong sagot. Ang bilis na naman kasi ng t***k ng puso ko. Ganito ba talaga ang epekto niya sa 'kin?
"Where is he? Have you called him already?" Sumilong din si Sir sa waiting shed na kinaroroonan ko at tinupi ang dala nitong payong.
"He said he's on his way but it's been 40 minutes now pero wala pa rin siya. I wasn't able to contact him. Namatay n po ang baterya ng phone ko."Medyo nanginginig na ako sa lamig.
Ilang sandali na hindi sumagot si Sir. Nakatayo lang sa harap ko at tila nag-iisip. Maya maya ay muli siyang nagsalita.
"Come on. Get in the car. I'll send you home. It's cold. Baka magkasakit ka."
Hiniling ko sa isip ko na sabihin niya iyon pero bahagya pa rin ako nagulat sa narinig.
Pinayungan ako ni Sir hanggang makarating kami sa sasakyan niya at inalalayan akong makapasok.
Napapikit ako nang muling sumalubong sa ilong ko ang mabango nitong pabango sa loob ng car. Namiss ko 'to.
Hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti.
Tahimik at mabagal naming binabaybay ang kalsada. Nakakatakot ang lakas ng ulan at hangin. Idagdag pa ang baha kahit hindi kalaliman.
Nilingon ko si Sir at nakita ko na medyo nahihirapan ito na makita ang kalsada mula sa windshield dahil hindi na rin kinakaya ng wiper ang lakas ng ulan.
Ngayon ko lang napansin na basa pala ang kanang balikat niya dahil siguro hindi kami kasya sa payong kanina at halos sa akin niya pinagamit iyon.
"Shit..."
Narinig kong mura ni Sir. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Sir? What happened?" Lakas loob kong tanong. Tumingin siya sa akin.
"We need to stop for a while. Masyadong malakas ang ulan. I don't want to risk our safety."
Sinabi ni Sir na maaari kong tawagan ang parents ko or ang driver namin but when he checked his phone wala itong signal.
Sa inis sa sitwasyon at walang magawa ay naipukpok na lang ni Sir sa manibela ang phone niya. Ilang sandali kami natahimik sa loob ng sasakyan.
"I'm sorry, Miss dela fuente. Hindi kita kita maiuuwi agad." Maya maya ay sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit wala rin akong lakas ng loob na magsalita. Marahil ay kahit paano nakakaramdam ako ng hiya dahil naging kargo pa niya ako. Nilingon ko siya.
"Okay lang po Sir. Mukhang may bagyo po, eh."
He heaved a deep sigh. "Your parents must be worried right now."
Marahan akong tumango. "Yeah."
"Are you cold? Do you need something?" muling tanong ni Sir. Marahil ay napansin niya ang bahagyang panginginig ko.
"Medyo po pero ayos lang po. Kayo po? Medyo basa po kasi kayo," tukoy ko sa balikat at braso niyang nabasa.
"I'm fine. Don't worry about me." May kinuha ito sa backseat, "Here."
Inalis nito ang hanger at inabot nito sa akin ang isang puting long sleeves. Tiningnan ko muna iyon bago tingnan si Sir.
"Wear this para hindi ka masyadong lamigin," He said.
Alangan man ay kinuha ko rin iyon at ginawang jacket. Lihim ko iyon inamoy. Ang bango. What a lucky girl, Hana Dela fuente. Puri ko sa sarili.
"Excuse me. Give me a sec." wika ni Sir kaya nilingon ko ito.
"Ay pandesal!" usal ko sa gulat.
Nakabuhad na pala ang suot nitong sleeves kanina at kasalukuyang sinusuot ang isang bagong t-shirt. Hindi ko napigilang mapa-nganga sa tanawin.
"Oh, I'm sorry." agad paumanhin ni Sir nang ma-realize na naka tingin pala ako.
Mabuti na lamang at madilim kaya hindi nito nakita ang pamumula ng mukha ko.