Matapos ang seminar ay nauna nang umalis ang mga estudyante. Nang maka-alis si Jona ay hinanap ko agad ang kotse ni Sir.
Nilabas ko mula sa bag ang sticky notes ko na may nakasulat na at pinilas ko iyon.
'Can I follow you? Because my parents told me to follow my dreams.'
'Can you make my dream come true, Sir?'
Pero hindi ko pa man iyon nailalagay nang may magsalita sa likuran ko.
"Miss Dela fuente?"
My whole body stiffened when I heard a familiar baritone voice.
Patay. Katapusan ko na ba?
I wasn't able to move. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko. I just don't know what to do. Nahuli na ba 'ko?
"Ms. Dela fuente, what are you doing here?" muling tanong ni Sir.
Mabilis kong ibinaba ang kamay ko at dahan-dahan akong humarap kay Sir.
Pasimple kong itinago ang note sa bulsa sa likod ng jeans ko pero bahagya akong nagulat nang makita ko na hindi pala ito nag-iisa. Kasama ni Sir ang isang guest speaker kanina. Si Ms. Geneva Hortaleza.
Bakit sila magkasama? At parang komportable sila sa isa't isa. Hindi nakaligtas sa mata ko na nakakapit sa braso ni Sir Lance ang isang kamay ni Ms. Geneva.
Parang may pinong kirot akong naramdaman sa dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
"Ah... Sir.." Hindi ako makahanap ng sasabihin. Naging malikot ang mga mata ko sa pag-apuhap ng sasabihin.
Para namang niligtas ako ng langit nang makita kong paparating ang kotse namin. Si Mang Nestor.
"I-I was waiting for my driver, Sir." Sa wakas ay nasabi ko at tinuro ang kotseng paparating.
Pinagdadasal ko na lang na sana ay maniwala si Sir.
Ilang sandali itong hindi nagsalita habang nakatingin lang sa akin at bahagya pa ring nakakunot ang noo.
Maya maya ay tumango rin naman ito. Tila naman nabunutuan ako ng tinik at biglang nakahinga nang maayos.
"Student mo?" Ms. Geneva asked him. Nagsasalitan ang tingin niya sa amin ni Sir.
"Yeah... Let's go?" Aya na ni Sir dito. Imbis sagutin si Sir ay binalingan ako nito.
"You're so pretty," She said and smiled at me.
Kahit naiilang man ay sinikap kong gumanti ng ngiti para suklian ang papuri niya.
"Kayo din po," ganting puri ko rito.
Mukha naman siyang mabait pero ramdam ko pa rin ang bigat na nararamdamn ko sa isipin kung anong meron sa kanila ni Sir Lance.
I did not expect na matatawa ito sa sinabi ko.
"Magaling mambola ang estudyane mo. Mukhang mana sa'yo!" wika nito kay Sir habang patuloy na mahinhing tumatawa.
"We have to go now," seryosong sagot ni Sir Lance rito.
Umusog ako nang magsimula silang humakbang palapit sa sasakyan.
Agad na 'kong tumakbo patungo sa pinagparadahan ni Mang Nestor at sumakay.
Napabuga ako ng hangin. Muntik na 'ko do'n.
Hanggang makarating sa bahay ay di na nawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Isa na doon ay kung sino si Ms. Geneva sa buhay ni Sir Lance.
Noong mga sumunod na araw ay busy ang mga estudyante lalo na ang mga kasapi sa mga organizations sa campus para sa nalalapit na foundation day.
First year pa lang noong sumali na kami ni Jona sa Business Management society dahil iyon naman ang course namin. Maliban doon ay may iba pa kami kaniya-kaniyang sinalihan na organization.
Ako sa baking club habang si Jona naman ay sumali sa glee club dahil sa talent niya sa pagkanta.
Hindi naman naging hadlang sa pag-aaral namin ang pagsali sa mga ganoong organization dahil kapag may events or activities lang naman kami naglalaan ng oras para doon.
Naranasan na namin kung gaano ka-cool at kasaya ang foundation day sa Maxville. May sportsfest, may pa-games at booth na itinatayo ng bawat school organization para sa fund raising na gagawin.
Napili ng Management club na magbenta kami ng mga preloved items para makalikom ng funds na ido-donate sa charity na napili namin.
Habang sa baking club naman ay magbebenta kami ng mga baked products namin.
Kinabukasan maaga akong nagising para tumulong sa pag bake ng mga cookies, cakes at pie na ibebenta namin.
Pinadala ko na rin kay Mang Nestor ang mga box na naglalaman ng pre-loved items ko.
Nagpresinta na akong mag-bake ng mga chocolate chip cookies dahil madali lang naman iyon. Mabilis din kami natapos dahil marami kaming nagtutulong-tulong. Almost 10am ay ready na kami para sa pag-display ng mga baked products.
Lalong umingay at dumami na ang mga estudyante dahil nagsisimula na rin ang sportfest at mga games sa open field ng school. Ang mga booth naman nakapwesto sa mga gilid.
Naging masaya at magulo ang buong campus. May mga professor din na nakikisali at yung iba naman ay judge sa mga games at sportsfest.
Maya maya ay narinig ko na si Jona na nagsalita sa microphone mula sa booth nila na may mini stage. Lumapit ako sa kinaroroonan niya para mas makita at marinig ko siya. Nagsimula siyang kantahin ang song request daw na Paubaya by Moira na ikinaingay ng mga kapwa ko estudyante.
Kahit masakit ang lyrics ng kanta ay naka ngiti ako dahil nakaka proud talaga ang bff ko. Napakaganda at lamig ng boses niya. Ang sarap sa tenga.
Nakita ko ang box sa gilid ng stage nila kaya naman kumuha ako ng 500 peso bill sa sling bag ko inihulog iyon.
Balak ko pa sana makinig sa next song niya pero naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bag. Kinuha ko iyon at nakita kong si Mommy ang tumatawag.
"Hello, Mom?" sagot ko sa tawag nang makalayo sa maingay na crowd.
"Sweetie, gagabihin kami ng Dad mo ngayon dahil marami kaming inaasikaso sa office. Sina Manang na ang bahala sa inyo. Kumain na lang kayo ng dinner. Nagbilin na ako sa kanila," mahabang bilin ni Mom.
"Okay, Mom. No problem. We can handle ourselves."
"Okay. Take care, sweetie. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Make sure na uuwi kayo nang maaga. Bye, love you!"
"Yes, Mom. Love you too!"
Hindi ko pa man naibababa ang phone mula sa tenga ko ay may humablot na roon. Mabilis akong napalingon at nakita ko si Marco.
"Sinong kausap mo?" anito at tiningnan ang screen ng phone ko na madilim ang mukha.
"Mommy ko, Bakit?"
Seriouly? I can't believe him. Pati ba naman ang kausap ko sa phone ay pinakikialaman niya?
Aagawin ko sana ang phone mula sa kan'ya pero nilayo niya iyon. Mukhang naniniguro dahil chine-check niya ang call log.
"Ano ba Marco? Akin na 'yan..." saad ko at muling sinubukang bawiin iyon.
"Kung maaabot mo."
Kung kanina ay salubong ang mga kilay nito ay iba na ngayon. Nakangisi na ito at iniangat pa lalo ang phone ko sa ere.
Hindi ako sumagot at tiningnan lang ito nang masama. Ayoko sa lahat ay yung pinagtitripan ako. Napaka-immature talaga.
"Come on, Hana babe. Come and get it." pang-aasar pa nito na tila tuwang-tuwa sa ginagawa.
Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit pa nang bahagya at inihanda ang sarili ko sa pag-abot niyon.
Pero bago ko pa maabot iyon ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla ako nitong yakapin.
Sa kabila ng pagkagulat ay agad din akong nakabawi at ubod nang lakas akong pumalag at tinulak ang dibdib nito palayo.
"Manyak! Bitiwan mo ako!" malakas kong wika pero tila isa itong pader sa tigas dahil 'di man lang natinag. Tatawa-tawa pa ang mokong at ipinatong ako sa kanang balikat niya.
Naiiyak ako sa sobrang inis. How dare him? Kahit kailan ay wala pang lalaking nakagawa sa akin nang ganoon. Sa inis ay pinalo-palo ko siya sa likuran.
"What's going on here?" Isang baritonong tinig ang narinig ko mula sa likod. Kilala ko ang boses na 'yon.
Dahil doon ay mabilis akong binitiwan ni Marco. Humarap ako kay Sir Lance at nakita ko kung gaano kasalubong ang mga kilay nito at salitang tumingin sa aming dalawa ni Marco.
"Nothing, Sir. Naglalaro lang kami ng girlfriend ko," kaswal na sagot ni Marco.
Mabilis ko itong nilingon. "That's not true!" Hindi makaniwalang sabi ko rito bago muling bumaling kay Sir, "Sir, kinuha niya ang phone ko at ayaw niyang ibalik." Tila nagsusumbong ang tono ko.
"Is that true, Mr. Guzman?" tanong ni Sir kay Marco.
Napakamot ng ulo si Marco at napilitang ibalik ang phone ko.
"Next time, don't touch things that isn't yours," seryosong wika ni Sir kay Marco.
Hindi sumagot si Marco at walang sabi-sabing lumakad palayo.
Hindi nakaligtas sa 'kin ang paggalaw ng panga ni Sir. Aalis na rin sana ito pero tinawag ko siya kaya huminto ito at nilingon ako.
"Thank you, Sir..."
Ilang sandali niya akong tiningnan. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nasa mga mata niya pero hindi ko iyon mawari. Nakipagtitigan lang din ako sa kan'ya bago siya tuluyang mawala sa harap ko.