"Alam kong aware ka na wala kang maitatago sa akin nang matagal. Now tell me, what's going on between you and Mr. Del mundo?" saad nito habang seryosong nakatingin sa akin. Inaasahan ko nang mangyayari 'to. Sa ilang taon naming pagkakaibigan kilala niya na ako at kilala ko rin siya. Kabisado na namin ang isa't-isa. Sa tingin ko wala nang rason para itago ko pa sa kaniya. Ito na siguro ang panahon para aminin ko dahil siya na mismo ang nagbukas ng way para pag-usapan ito. I took a deep a breath. "W-We're in a relationship. H-he's my boyfriend..." mahinang wika ko.. Napasinghap siya at napatayo ng tuwid. Bakas sa mukha ang matinding pagkagulat. "A-ano???" Napakagat ako sa ibabang labi. "Are you serious? Please sabihin mo sa 'kin na nagbibiro ka lang." Marahan akong umiling. "It's true

