"Mag-kwento ka mamaya!" bulong ni Emma sa likod ko nang makaupo ako. Hindi ko na ito nasagot dahil agad napako ang tingin ko kay Sir Lance na nagsimula nang magturo. Araw-araw parang mas nagiging guwapo pa siya sa paningin ko. Hindi ako kailanman magsasawang pagmasdan siya at humanga sa kaniya. Kung puwede ko lang siyang pugpugin ng halik sa mukha ngayon din ginawa ko na. Nang magpasulat siya sa notebook at maupo ito sa likod ng table niya nakita kong gumamit siya ng cellphone. Sakto namang naka-receive ako ng text dahil nag-vibrate iyon kaya pasimple kong sinilip ang phone sa bag ko. Agad akong napangiti sa message niya. "Don't look at me like that, Babe. You're distracting me." Pasimple rin akong nagtipa ng reply. "But I'm craving for my favorite dessert," pilya kong sagot at hininta

