Pagpasok ko sa classroom napansin kong may mga flowers at gifts sa ibabaw ng table sa harapan. "Anong meron?" kunot-noong tanong ko. "Birthday daw ni Sir Lance ngayon," sagot ni Jona. "Ano?! Birthday ni Sir ngayon??" eksaheradang reaksyon ko. Bakit hindi ko man lang nalaman 'yon? "Nakita daw nila 'don sa bulletin board kahapon habang ikinakabit. May birthday greeting ang school kay Sir." Bakit nga ba hindi ko man lang inalam ang bagay na 'yon? Eh 'di sana ako ang unang nakaalam at nakapaghanda pa ako ng regalo. Halos mapuno ang table ni Sir ng mga regalo at flowers at ganoon din daw ang ginawa ng mga ibang section. Natigil lang sa pag-iingay ang mga kaklase ko nang dumating si Sir. Sabay-sabay nila itong binati. "Happy Birthday, Sir!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero matip

