Nang manakit ang likod sa matagal na pagtitipa sa laptop ko ay naisipan ko munang magpahinga. Nag-inat ako bago mahiga sa kama at nagbuga ng malakas na hangin. Maloloka na yata ako sa dami ng kailangan kong review-hin at tapusin. Ganito pala kapag sineryoso ang pag-aaral. Bigla naman pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit pinili kong magsipag. Napangiti ako. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko at nag-check ng message. Wala naman masyadong importanteng message doon. As usual, maingay ang group chat namin dahil kila Emma at Gail kahit maghahatinggabi na. May ilang chat din kanina mula sa mga dating kaklase ko at mga nakilala ko sa bar noon na nangangamusta. Ibababa ko na sana ulit ang phone pero nahagip ng mata ko ang pangalan ni Sir. Online ito. Gising pa? Gustong-gusto ko

