Nang matapos ang klase ni Sir sa amin ay hinabol ko siya sa hallway. "Sir, p-pwede ko po ba kayong makausap?" tanong ko nang makalapit ako. Bumaling siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Marahil hindi niya inasahang lalapitan ko siya. "Of course.." Lumingon ako sa paligid. Nakita kong maraming estudyante ang nakatambay. May isang lugar ang biglang pumasok sa isip ko. "Halika po." Sinundan niya ako hanggang makarating kami sa 6th floor kung saan walang tao at bakante ang mga classroom. Pagdating namin roon ay agad sumalubong ang masarap na simoy ng hangin. Napangiti ako. Ito ang naging favorite tambayan namin ni Jona no'ng first year. Humawak ako sa barandilya at lumanghap ng hangin. It's been a while since the last time I went here. Nililipad nang bahagya ang buhok ko d

