Hindi ko inaasahang... makikita siya rito. Nawala sa isip ko na kasosyo rin ng pamilya nila sina Ninong. Naroon si Mr. and Mrs. Del Mundo, Isang batang babae at si Sir Lance na katabi si... Ms. Geneva. Nakita ko sa screen ang marahang pagtango ni Sir at matipid na ngumiti kina Ninong at Ninang. Napansin ko rin ang pagbulong ni Ms. Geneva sa tainga ni Sir habang may ngiti rin sa mga labi. Parang biglang humapdi ang mata ko sa nakikita kasabay ng mga tila pinong mga kurot sa dibdib ko kaya sa iba ko na lang binaling ang atensyon. Maya maya ay nag-start na ang program. May ilang singer na nag-perform. Hindi naman nagtagal iyon at nagsimula na rin i-serve ang pagkain. Pinigilan ko ang sariling lumingon sa paligid. Ayoko silang tingnan o mahagip man lang ng mga mata ko. "Bakit hindi ka ku

